6. Bev o Dimple

69K 2K 572
                                    

For you @Yna_BABE.

Maraming maraming salamat😊

****
Kunot na kunot ang noo ko habang naglalakad ako papuntang canteen kasabay ang first four ng BW at si Rolf.

Hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Master Dimple.

"Like daw ako ni Bev. Totoo kaya? Saka paanong like? Like na maging Elf, like na maging katulong, like na maging kaibigan o like patayin? Ano kaya ang pakakalike nya sa akin?"

"Hoy tangang Elf. Bilisan mo nga dyan." Sikmat sakin ni Raquel.

Nasa likod kasi nila ako habang bitbit ko ang mga bag at libro nila.

Nagtataka ako wala ba silang locker dito at ako ang pinagdadala nila?

"Hoy Nerd! Bilisan mo." Sikmat din ni Gladys.

"May karera po ba?"  Tanong ko.

Sabay nila akong sinamaan ng tingin.

Ano na namang problema?

"Konting-konti na lang Elf b-bingo ka na sakin." Si Gladys.

Napatingin ako sa paligid.

"Ahm... asan po iyong nagb-bingo?"

"Ugh papatayin na talaga kita." Napapadyak pa si Gladys sa inis.

Bakit ba? Sabi nya b-bingo na daw iyong Elf? Sino bang Elf? Imposibleng ako hindi naman ako naglalaro ng bingo.

Tumatawang pumagitna ulit si Rolf sa amin.

"Huwag kasing kung ano-ano ang sinasabi mo, dapat direct to the point. Medyo slow ang cute nating Elf dito."

"Mga taong to. Ngayon naman slow ako. Eh sila ang mabagal maglakad sinasabayan ko lang sila."

Inakbayan ako ni Rolf.

"Come Nerd. Gutom na ako."

Nagpatianod na ako sa pag-akay nya.

Hindi ko na pinansin si Gladys ang gulo nyang kausap eh.

Pagpasok palang namin sa resto, (oo resto na ang tawag ko sa cafeteria na ito ang sosyal talaga eh) nasa amin ang mga mata ng lahat.

Hindi ko alam kung bakit, basta kung tumitig sila parang may nangyayaring kakaiba.

"Bakit akbay ni Master Rolf iyang Nerd na yan?"

"Omg nilandi ng panget na'yan si Papa Rolf!"

"Hindi maari. Hindi sila bagay."

Parang may bubuyog sa paligid. Paano ba naman sige sila ng bulungan.

Lumingon ako sa likod. Nasalubong ko pa ang matatalim na tingin ni Gladys na hindi ko pinansin.

"Bakit nagkakagulo sila Master may artista ba?" Takang tanong ko.

"Hmmp. Huwag mo na lang silang pansinin." Natatawang sabi niya.

Nagkibit-balikat naman ako.

Huwag daw pansin di hindi.

Kaso puwede bang hindi ko pansinin ang mga mata nya.

Ang mga mata nyang matalim ang tingin sa kamay ni Master Rolf na nasa balikat ko.

"Hala bakit kaya ang sama ng tingin ni Bev ko?"

Napansin din ni Rolf si Vane.

Ngumisi ito at hinigit  ako papalapit.

Natahimik ang  lahat. Ramdam ng mga ito ang tensyon na unti-unting bumabalot sa paligid.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon