10. Inosente

70.2K 2K 568
                                    

For @JhezikaJubilado maraming salamat sa mga likes mo😊

*****

"Saan ba ako dadalhin nitong si Master?"

Hila nya parin ako, iyong kamay nya sa palad ko na nakahawak.

HHWW tuloy kami.

Nagmamadali sya pero umaalalay naman sya tuwing muntik-muntikan na akong masubsob.

Nakarating kami sa pinakadulo ng MC sa may east side. Lumiko sa tagiliran ng building na naandon at pumasok sa kulay itim na pinto.

"Hala ang galing."

Napanganga ako sa laki at ganda ng kwartong pinasok namin. Sigurado akong ito ang Common Quarters ng KH dito sa MC.

Parang may mini arcade sa isang bahagi sa dami ng play station. May bilyaran pa at maliit na bar.
Nagkalat din ang mga upuan.

May limang pinto at isa duon ang pinasok namin. Iyong nasa gitna na nakukuluyan ng asul at itim.

Sigurado ako na kay Vane din itong kwartong ito. Same design eh tulad ng kwartong ginagamit nya sa Russfield.

Hinila nya ako paupo ng kama bago sya pumunta sa labas at may kinuha.

Pagbalik nya may dala na syang medicine kit.

Ibinaba nya iyon. Bago pumasok naman sa isa pang pinto na banyo pala.

Bitbit ang isang plangganita na may bimpo bumalik sya sa akin at binaba iyon sa side table.
Lumapit sya at naupo sa tabi ko.

Nakamasid lang ako sa bawat galaw nya.

Kinuha nya sa akin iyong pantali ko sa buhok na nakasuot sa braso ko at mula sa harap tinalian nya ang buhok ko.

Napapikit ako ng maamoy ko ang natural nyang amoy.

"Packing tape! Nakakahilo ang bango ng lalaking ito!" Bahagya kong inilapit ang ilong ko sa leeg nya para mas maamoy ko sya, eksakto naman na natapos  sya sa ginagawa nya at humarap sa akin.

Halos magkabanggaan ang mga ilong namin sa sobrang lapit ng aming mga mukha.

Napamulat ako ng mga mata.

Kung sa bango nya nahihilo ako, tang milo! Sa kulay tsokolate naman nyang mga mata nababato-balani ako.

Para akong nakadrugs ng ilapat nya ang labi nya sa gilid ng labi ko, duon kung saan may sugat at pasa.

Dugdug...dugdug...dugdug...

Bahagya syang lumayo kaya napamulat ako.

"Let's tend your wounds." Bulong nya  bago tuluyang lumayo at kinuha ang bimpong nasa plangganita at pinigaan.

Nakamasid lang ako sa kanya habang pinupunasan nya ang madungis kong mukha, halo-halo na ang naandon. Alikabok, sulat ng ballpen at dugo.

"Ouch." Mahina kong sabi ng madiinan nya ang sugat na nasa kaliwang cheekbone ko.

"Shhh... I'm sorry." He apologized at pinaraanan ng hinlalaki ang bahagi ng mukha kong iyon at pibagmasdan ako.

"Gusto kong makialam." Biglang sabi nya na ngayon ay nagpipiga na ulit ng bimpo.

"Ha?"

"Gusto kong makialam kanina. Kung ako ang masusunod hindi ka maglalaro, hindi ka uutusan at mas lalong hindi ka sasaktan." Muli syang humarap sa akin.

"I hate seeing you hurt Miss."

Hala, mas kumalabog ang puso ko sa sinabi nya.

"Hindi ko gustong sinasaktan at nasasaktan ka, it takes all my full control to restrain myself na huwag lapitan ang mga nananakit sayo at saktan din."

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon