46. Nagpapanggap

61.8K 1.6K 355
                                    

Nakahalukipkip habang nakasandal sa kama si Ysa.

Hindi niya inaalis ang tingin kay Vane na nakasandal naman sa pader at nakahalukipkip din tulad nya. Nakatingin rin ito sa kanya.

Patibayan ang dalawa walang gustong mag-iwas ng tingin sa kanila.

Gustong umalis ni Ysa dito sa bahay ni Vane. Dito lang daw sya sa bahay  'nila'. Ayaw ni Vane na palabasin sya. Nakacast ang paa ni Ysa. Kailangan nya pang gumamit ng saklay para makalakad. May mga sugat at galos rin sya.

Ayaw pumayag ni Vane dahil walang mag-aasikaso kay Ysa sa bahay nito. At walang plano ang binata na hayaan mag-isa ang babae. Hinding-hindi na sya papayag na masaktan ulit ng mga kaaway nya ang babae.

"I said uuwi na ako Montereal." Sabi ni Ysa.

"And I said na dito ka lang Miss."

Napabuga sa hangin si Ysa.
"Naman anong gagawin ko dito? Hindi ko naman bahay ito. Doon na lang ako sa bahay ko."

"Bahay mo 'to, bahay 'natin' ito Miss." Pinagdiinan ni Vane ang salitang natin.

"Hindi, hindi ko ito bahay. Wala akong hawak na titulo sa lupang ito, kaya pauwiin mo na ako." Inis na sabi ni Ysa.

"Titulo lang ba meron ako non, gusto mong makita? Pwede kitang bigyan ng kopya para makita mo na nakalagay duon ang pangalan nating dalawa."

Inirapan ni Ysa si Vane. Padarag na nahiga sya patagilid at tinalikuran ang binata, nagtakip ng kumot sa buong katawan hanggang ulo.

Napangiti naman si Vane sa ginagawa ng dalaga.

Lumapit sya sa kama at naupo sa gilid niyon.

"Miss..."

Nanigas si Ysa ng maramdaman nya ang pagpatong ng kamay ni Vane sa tagiliran nya, magkaganon man hindi sya umimik.

Napabuntung-hininga si Vane. "Miss hayaan mo na sana na alagaan kita. "

Napakagat-labi si Ysa. Pinipigilan ang sarili na sumagot.

Malungkot na ngumiti si Vane ng hindi nakatanggap ng sagot mula sa babae. Itinaas nya ang kamay na nasa bewang nito patungo sa ulo nitong nakatakip ng kumot at hinaplos iyon.

"Rest Miss maghahanda ako ng pagkain mo." He said saka sya tumayo at iniwan ito.

Nang masigurado ni Ysa na nakababa na si Vane bumalikwas sya ng upo. Kinuha ang bag nya na nasa ibaba ng kama ng at inilabas mula roon ang cellphone nya.

"Hello Ma..."

"Hi Baby."

"Waaa Mama pwede ba bati ko na si Bev kawawa naman sya ayaw ko na umarte." Bungad nya kaagad.

"Hindi pwede Ysa." Matigas na tutol naman ng Mama nya.

Naipadyak nya iyong paa nyang hindi nakacast.

"Pero Mama naman eh. Bakit kailangan ko pang magkunyaring galit kung hindi naman na ako galit. Saka gusto ko na po mayakap si Bev ko. Sige na po bati na po kami."

Bumuntung-hininga si Angela. Sinabi na nga nya't hindi makakatagal sa pagpapanggap na ito ang anak nya. "Ibigay mo na sa amin ito Ysa. Gusto lang namin makilala ng Papa mo iyang Vane Montereal na iyan."

Ngumuso sya si Ysa
"Bakit ba kasi Ma? Di ba kilala nyo naman si Vane. Alam nyo pangalan nya, tirahan. Pwede nyo naman syang tanungin para mas makilala nyo pa sya o kaya paimbestigahan. Hindi ko po talaga magets kung bakit kailangan ko pa syang awayin para makilala nyo sya."

"Angelique Ysa."

Napasimangot sya ng mahimigan ang tigas sa tinig ng Ina. "Oo na po. Sige po hindi ko po muna bati parin si Bev. Aawayin ko parin po sya."

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon