37. Itinadhana sa Akin

70.7K 1.8K 356
                                    


Para sayo ito bhe😊...salamat.😊
@claneezekiel

*****

Nanlaki ang mga mata nila ng marinig ang sinabi ni Ysa.

Napalingon si Rolf sa likod nito dahil doon na nakatingin ang dalaga.

"S-seryoso ka Ysa?"

Tumango si Ysa.

Malungkot na nakangiti ang dalawang babae sa dalagang nakatingin sa kanila, duguan ang kanilang mga suot, dugong nag-umpisa sa dibdib. Sa pusong pinatigil ang tibok ng balang pumasok duon.

Kitang-kita ni Ysa ng lumipat sa harap nina Vane at Rolf ang dalawang multo at haplusin ang mukha ng dalawang binata.

Napatalon si Rolf ng maramdaman niya ang tila paglapat ng malamig na bagay sa pisngi nya kasabay ng pagtayuan ng kanyang mga balahibo.

"The heck!"

Si Vane nagtayuan din ang mga balahibo ngunit hindi napatalon, basta nakatingin lang ito ng  deretso sa mga mata ni Ysa.

"Anong kalokohan iyan Elf." Ayaw naman maniwala ni Divine.

Sina Stendi, Vox at Mik nagdikit-dikit.

"Damn! May multo na naman na nakikita  si Boss." Sabi ni Vox.

"Shit mapagtri-tripan na naman tayo nito eh." Si Mik.

"The last time, may humalik sa akin at nang hawakan ako ni Boss para ipakita kung ano iyon tangna babaeng multo na pinagdamutan ng ganda mga tol." Si Stendi na diring-diri ng  may maalalang eksena.

"Pfft." Hindi naman napigilan ni Ysa na mapatawa. Pinutol niya ang pakikipagtitigan kay Vane at tinignan si Stendi. "Anong magagawa ko? Namatay si Annie na  walang first kiss at hiniling nyang magkaroon, para makapag rest in peace na sya. Huwag kang magdamot Montereal halik lang iyon." Habang sinasabi ang apat na huling salita binalingan nya si Vane at tinaasan ng isang kilay.

"Ah ganon halik lang pala boss ha," lumapit si Stendi kay Ysa, hinapit ang dalaga. "try nga natin kung totoo ang sumpang ito boss hahalikan kita at kapag tayo ang nagkatuluyan aba masaya, ipapamalita ko sa buong D&A, para pumunta sila at muling mabuhay ang lugar na ito." Habang sinasabi iyon bumaba ang mukha ng binata sa mukha niya, ngunit bago pa iyon lumapat ang labi nito sa kanya nahila na sya ni Rolf.

"Tol huwag ganyan ako ang future nitong si Cutie kung meron dapat humalik sa kanya, ako iyon." Tinignan ni Rolf ang dalaga hinawakan ito sa baba at saka  bumaba ang mukha para paglapatin ang mga labi nila.

Muli bago pa man may lumapat sa mapupulang labi ng babae may humila na kay Ysa  palayo kay Rolf.

Bumilis at bahagyang napasinghap ang dalaga  ng dumikit ang likod nya sa katawan ni Vane.

"Gusto nyo na bang mamatay?" Narinig nyang tanong ng binata kina Rolf at Stendi. Hindi sya makapagreact dahil napakagat labi sya ng sa mismong harap ng tenga nya nagsalita ang binata.

Yakap sya ng binata mula sa likod. Nakapaikot ang isang braso nito sa harap nya sa may bandang balikat. He's back hugging her.

Sasagot sana si Rolf pero inunahan siya ni Vane.

"Tama na ang kalokohang ito, magdidilim na, magpatuloy na tayo sa paglalakad." Binitawan ni Vane si Ysa. Lalayo na sana ang dalaga rito ngunit hinawakan nito ng mahigpit sa kamay ang babae bago naglakad na tangay-tangay ito.

Binitawan lang nito ang kamay ng babae ng tuluyan na silang nakatawid sa kabila ng tulay.

Mataman na tinignan ni Ysa ang binatang nasa pagitan nya at ng tulay.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon