45. Tanggapin

60.6K 1.7K 166
                                    

"Anong akala mo makukuha mo ako sa pamamagitan nito." Inis na sabi ni Ysa na lumayo mula sa pagkakahapit ng binata. Hinarap nya ito.

"No." Ngumiti si Vane. "Kung ganito kita kadaling makukuha di sana matagal ko nang ginawa."

"Ganon naman pala eh. So anong ibig sabihin nito." Hinawakan nya ang mganggas ng damit. "At nyan." Sabay turo nya sa damit nito. "Akala ko ba ayaw mong isuot iyan sa harap nilang lahat." Tukoy nya sa mga eatudyanteng pinapanood sila.

"Noon. Noong akala ko na maproprotektahan kita kapag hindi nila alam na akin ka. But thing's different now. Ginawa ko ito para ipaalam sa lahat kung kanino ka, at kanino ako. I'm just claiming what's mine Miss."

Napatawa sya ng pagak kahit iyong puso nya sobrang bilis ng tibok.

"What yours? Nabagok ba ang ulo mo Montereal nakalimutan mo na bang hindi--"

"You're mine." Putol nito sa sinasabi nya. The way he say it talagang siguradong-sigurado ito. 
Habang nakatitig sa kulay tsokolate nitong mga mata gusto na nyang bumigay. Gusto na nyang tapusin ang lahat ng ito.

Hahakbang sana sya ng maalala ang pinag-usapan nila ng mga magulang nya.

Napahinto sya sa aktong paghakbang huminga ng malalim.

Nakita iyon ni Vane. Nabasa nya sa mga mata ng babae ang kagustuhan na lumapit sa kanya but she held herself. Nabasa nya rin ang pananabik sa mga mata nito bago napalitan iyon ng blanko emosyon.

Napakunot ang noo nya. "Bakit?"

Umakto syang lalapit sa babae pero umatras ito.

"Tsss. Bahala ka sa buhay mo." Sabi ng babae sa kanya saka mabilis syang tinalikuran.

Hindi sya humabol pero may isinigaw.

"Hey Miss. Don't you dare take that off. Kapag nakita kong ibang damit ang suot mo pasensyahan tayo pero idederetso talaga kita sa simbahan." Napahinto ito at nanlalaki ang mga mata na lumingon sa kanya, napangisi naman sya.

"You wouldn't-"

"Fuck your reasons, kung ano man iyan, na pumipigil sayo para bumalik sa akin. Huwag na huwag kang magpapalit Angelique Ysa dahil kahit pa pumalag ka sa simbahan talaga kita dadalhin." He said. Then he gave her a gentle smile. "See you later Miss." Saka sya umalis.

Napakurap-kurap naman  si Ysa habang nakatingin sa papalayong bulto ng binata. Nang mawala ito sa paningin nya pinagpatuloy nya ang paglalakad hindi pansin ang mga estudyanteng nakatingin sa kanya.

"Kung ako sayo hindi muna ako magpapakasaya."

Huminto ulit sya sa paglalakad at napatingin  kay Divine.

"Sino ang nagsasaya?  wala naman akong nakikitang may nagp-party." Sagot naman nya.

"Alam mo ang ibig ko sabihin." Inis na sabi nito.

Ngumisi sya.  "Pasensya na natatanga kasi ako hindi ko maintihan ang ibig mong sabihin." Pang-iinis nya pa.

"Hindi ko ibibigay sayo si Vane." She said.

"Ah... that, don't worry hindi ko rin naman kukunin lalo na at alam kong akin naman." Sagot nya.

Lalo itong nainis ang talim na nga ng tingin sa kanya.

"May Hunting game pa Ysa, hindi parin sya sa iyo."

"Okay lang hindi naman sya ang ipaglalaban ko kung sakaling sasali ako don." May sasabihin sana ito pero inunahan nya. "And you're barking in a wrong tree girl hindi naman ako ang naghahabol." Napailing-iling sya. "Go follow him. Convince him na sayo ipasuot ito." Itinuro nya ang damit.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon