Chapter 1

730 92 25
                                    


Hindi nya alam kung bakit ganun ang nangyari. Hindi dapat ganun ang nangyari. Hindi dapat ito umalis. Hindi dapat ito galit. Nararamdaman nya ang pagsikip ng dibdib nya. There are few cases of a rejected soulmates. Lahat ng mga ito ay mga naging sakitin. Ayaw nya non. Hindi naman sya ang may ayaw ng soulmate. Bakit pati sya ay mahihirapan?


Dapat ay masaya sila. They are supposed to be happy. It was supposed the best day of her life. It was so obvious that he is an Anti. There are people who are against with the idea of soulmates. He's one of them obviously. Kung bakit ba naman sa dinami-raming lalaki sa mundo, ito pa ang ipinareha sa kanya. She will surely get her heart broken.



-----



Tinawag nya kaagad ang Mama at Papa nya pagkauwing-pagkauwi nya sa bahay nila. Humawak lang sya sa pintuan para pigilan ang sarili nyang matumba sa sahig.


Ito dapat ang pinaka-masayang araw sa buhay nya. Pero iniwan lang sya nito ng ganun-ganun na lang. Her other half just ran away from her without looking back. Without sparing her a glance. Is that why it hurts so much? Because she bacame whole the moment they accidentally touched so it physically hurts to be torn away from that. Her chest and her lungs hurt.


Hindi nya na napansin ang paglapit ng Mama at Papa nya. She's zoning out. She can't breathe properly. Nararamdaman din kaya nito ang physical pain na nararamdaman nya? Sana. Para alam din nito ang pinagdadaanan nya. Para maramdaman din nito kung gano kasakit ang ma-reject.


She can't hear her mother calling her. Bumibigat na ang dibdib nya. Nagsisikip na rin ang lalamunan nya. Bakit ba kasi sya nito tinalikuran ng ganun-ganun na lang? Naramdaman nya na lang na may bumuhat sa kanya bago sya tuluyang nawalan ng malay.


-----




Nagising sya sa loob ng kwarto nya. Napapikit sya ng Maalala ang mukha ng soulmate nya. The way he said that he doesn't need a soulmate with disgust. Ang sakit lang para sa kanya. Matagal nya na itong hinintay. Bata pa lang sya ay itinuro na sa kanya ang halaga ng kalahati ng pagkatao nya. Sila ang kalahati ng isa't-isa. Now, mabubuhay sya ng hindi buo buong buhay nya. Because she have a coward for a soulmate.


Ang mga Anti ay ang mga tao na hindi kinikilala ang soulmate. Naniniwala sila na mas maiging mabuhay ka ng kalahati lang ng pagkatao mo. They don't believe in love. They are the troublemakers. Ang mga Anti ay magugulo. Mga pasaway. Mga hindi sumusunod sa batas. Sobrang malas nya lang dahil isang Anti ang soulmate nya.


Naramdaman nyang may umupo sa tabi nya. Napatingin sya rito. Ang Mama nya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.


"Mama, I saw a glimpse of him." Naiiyak na sabi nya rito.


"Pero kaka-birthday mo pa lang." Kunot-noong sabi nito.


"I met him." Pabulong na sagot nya.


Nakita nya ang pamumuo ng mga luha sa mata nito bago ngumiti ng malaki. Nanikip bigla ang dibdib nya.


"Masaya ko para sayo, Mikaela." Masayang sabi nito. Malungkot na napailing sya rito bago tuluyang napaiyak.



-----




Kanina pa sya dini-distract ng Mama nya. Tinuturuan sya nitong mag-bake ng cookies.


"Ma? Pano na yung... Yung..." Hindi nya maituloy ang sasabihin nya.



"We'll figure it out. Magiging maayos din ang lahat, Mikaela." Her mother said sincerely.



"But he's an Anti, Ma." Naiiling na sabi nya.



"You're so quick to judge, Mikaela. Hindi ka pa nakakasigurado na Anti nga sya." Sabi nito sa kanya.



"Sinabi nya sakin na layuan ko sya. Na hindi nya gusto ng soulmate, Ma. If that's not an Anti, then I don't know what it is." Sagot nya rito.



"Soulmates are for life, Mikaela. Just give it some time. Hindi sya ibibigay sayo ng wala lang." Seryosong sabi nito.



"Baka nakakalimutan mo rin na may mga rejected, Ma. Obviously makakasama ko sa bilang ng mga survey na yun." Naiiyak na sabi nya.



"Wag kang mawalan ng pag-asa, anak. Baka nagulat lang rin sya." Sabi nito sa kanya. Mapaklang napangiti sya.



"Nagulat din naman po ako, pero hindi naman sumagi sa isip ko na layuan at iwan sya." Sabi nya rito.



"Just don't lose hope. Magagawan din natin to ng paraan." Sabi ng Mama nya sa kanya.



"Ma, anong mangyayari sakin? I can't just live without a soulmate, Ayokong mabuhay mag-isa. Habang-buhay bang mananakit ang dibdib ko pag wala sya? Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya. Hindi ko man lang alam kung san sya hahanapin." Malungkot na sabi nya. Niyakap sya ng Mama nya.



"Don't stress yourself, Mikaela. Fate will work this out. Nagawa na nga nya kayong pagtagpuin. Nakakatiyak ako na hindi iyon ang una at huli nyong pagkikita." Sabi nito sa kanya.



"Ikaw na po ang bahalang mag-explain kay Papa ha." Pakiusap nya rito.



"Ako ng bahala sa kanya. Ako na ang magsasabi. Magpahinga ka na. May party ka pa bukas." Her mother told her. Napabuntong-hininga sya.



"Ma, Ayoko na pong ituloy yung party. Please. I don't feel like celebrating. I just lost my other half. Hindi ko po kaya." Malungkot na sabi nya rito. Puno ng simpatya na tinignan sya nito.



"Okay, Mikaela. Naiintindihan ko. Ako na ang bahala sa Papa mo. Tatawagan ko na lang rin ang mga imbitado para i-inform sila na hindi na tuloy ang party bukas." Sagot nito sa kanya.



"Thanks po, Ma." Sabi nya rito.



"What did you see, Mikaela?" Tanong ng Mama nya sa kanya.



"Po?" Naguguluhang tanong nya rito.



"Sabi mo you saw a glimpse of him. Anong nakita mo?" Tanong ng Mama nya.



"I saw a man, Ma. Maybe kasing edad nyo ni Papa. The man was tickling a kid. A boy. I know it was him, Ma. Kahit bata pa sya non, alam kong sya yon. He looks so happy. His eyes, Ma. He have a warm brown eyes. Kaya hindi ko maintindihan kung pano sya naging Anti." Sagot nya rito. Sandaling nag-isip ang Mama nya.



"Mikaela, hindi pa tayo sure kung Anti sya. Those glimpses can help you, Anak. Just trust in fate." Sagot nito sa kanya.



"What if Anti nga sya, Ma? Pano na ko? May mga nakita na kong kaso ng rejected, Ma. Nagiging sakitin sila. Tapos may ibang nababaliw, Ma. Pano kung magka-ganon ako? Ayoko po, Ma." Natatakot na sabi nya.



"Just trust in Fate, Mikaela. Everything will be okay." Sabi ng Mama nya sa kanya.



"I hope so, Ma. I really hope so." Mahinang sagot nya rito.




"Magpahinga ka na, Anak. You need to take a rest. It's been a long hard day for you." Nag-aalalang sabi nito sa kanya. Tumango sya rito.



"Thankyou, Ma. Ikaw na po ang magkwento at magpaliwanag kay Papa ha." Pakiusap nya rito.



"Ako na ang magsasabi, Anak. Magpahinga ka na." Sabi nito. Mga ilang sandali pa ay iniwan na sya ng Mama na. Naisip nya na naman ito. How can he do that to her? Hindi man lang ba nito na isip ang nararamdaman nya? Hindi man lang ba nito naisip ang mga pwedeng pagdaanan nya ng dahil sa ginawa nito?



"Fine. Kung hindi mo ko gusto, mas ayaw ko sayo. I don't need you." Mapaklang bulong nya.



She'll make it without him.



-----

A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now