Chapter 10

301 75 15
                                    

"Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Bungad nya kay Bryle ng makita ito. Nag-alala sya rito.

"Wala. Masama lang ang pakiramdam ko." Sagot nito sa kanya. Umupo na ito sa pwesto nito. Umupo sya sa tabi nito.

"Nagkasakit ka?" Tanong nya rito. Tinignan sya nito. Napasinghap sya ng makita ang pisngi nito.

"What's with you and your questions?" Tanong nito sa kanya. Hindi nya na sinagot pa ang tanong nito. Hinawakan nya ang pisngi ni Bryle. Napansin nya ang pag-ngiwi nito.

"Napano to?" Tukoy nya sa pasa nito sa pisngi. Iniwas nito ang mukha sa pagkakahawak nya.

"Nadapa ako." Sagot nito. Nangunot ang noo nya.

"Napaka-clumsy mo naman." Sabi nya rito. Nung nakaraan kasi ay tinamaan ito ng pinto, ngayon naman ay nadapa.

"Ganun talaga. Minalas lang." Simpleng sagot nito. Tinitigan nya ang mukha nito. Mukhang stress ito at kulang sa tulog.

"Natutulog ka pa ba, Bryle?" Tanong nya rito.

"Hmmmm." Tanging sambit nito.

"Gusto mo bang pumunta sa bahay mamaya? Birthday ni Mama. Pinapapunta ka nya. Kung gusto mo lang naman." Sabi nya rito. Nag-isip ito saglit bago nagsalita.

"What time?" Tanong nito.

"Dinner time. Hapon kasi sila makakauwi galing work, so gabi kami magce-celebrate. Don't worry, nandun si Jane." Pag-imporma nya rito.

"I need to be home before seven. I'm sorry." Sabi nito sa kanya. Nakaramdam sya ng disappointment. Pakiramdam nya ay nire-reject sya nito.

"Ganun ba? Okay lang." Pinilit nyang itago ang disappointment nya, but maybe the mate bond is strong kaya napatitig ito sa mukha nya.

"I can be there. Pero okay lang ba na isama ko ang kapatid ko?" Tanong nito sa kanya. Hindi nya napigilan ang ngiti nya.

"Sure. I would love to meet him." Sabi nya rito. Narinig nya ang mahinang pagtawa nito. Bihira lang tumawa si Bryle, kaya masaya sya tuwing naririnig nya ang tawa nito.

"She's a girl." Sagot nito. Napakamot sya sa ulo.

"Sorry. Hihintayin ko kayo ha." Sabi nya rito. Tumango ito.

"At Mikaela, pwede bang dun muna sya matulog sa inyo?" Biglang sabi nito. Nangunot ang noo nya.

"My parents won't mind. Pero bakit? San ka pupunta?" Tanong nya rito.

"Ang dami mong tanong. Pwede ba o hindi?" Sabi nito sa kanya. Sinamaan nya ito ng tingin.

"Nagtatanong lang. Pero bakit iiwan mo ang kapatid mo samin? Estranghero kami. Baka matakot sya? Wag ko lang malaman-laman na naglaboy ka lang, Bryle." Banta nya rito. Inikutan lang sya nito ng mata.

"Dati kasi sa Mama ni Jap ko sya iniiwan, kaya lang hindi kami okay nila Jap ngayon. Nahihiya ako sa Mama nya. Kukunin ko rin naman sya sa umaga." Sabi nito sa kanya.

"Wala bang tao sa inyo?" Tanong nya rito.

"Pagos si Dad pag-uwi nya." Sabi nito sa kanya.

"Eh yung Mom mo?" Tanong nya ulit rito.

"Busy sya ngayon." Simpleng sagot nito.

"Okay lang sakin. I know okay lang naman kayla Mama at Papa na dun muna sya. Don't worry. Hihintayin ko kayo ha." Nakangiting sabi nya rito. Tinitigan sya nito bago umiling-iling.

A Glimpse Of You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon