Chapter 19

276 71 10
                                    


"Dali na. Tanungin mo na!" Bulong sa kanya ni Jane at itinulak pa sya paabante. Sinamaan nya ito ng tingin. Dalawang-araw ng hindi pumapasok si Bryle. Pag nagpatuloy ito sa pag-absent, hindi ito makakapasa.

"Wag mo nga kong itulak!" Inis na sabi nya rito.

"Eh kanina pa kasi tayo dito! Itanong mo na kaya!" Inis na sagot din nito. Napag-planuhan kasi nila ni Jane na hingin ang address ni Bryle sa registration's office. So ito nga sila ngayon, nagtutulakan para magtanong.

"Ito na nga oh. Magtatanong na. Wag mo na kong itulak!" Sabi nya rito at sinamaan ito ng tingin. Lumapit sila sa registrar.

"Goodmorning po." Sabay na bati nila rito. Tumigil ito sa ginagawa at tiningala sila.

"Goodmorning din. Magbabayad kayo?" Tanong nito. Nagkatinginan sila ni Jane. Hindi nila sure kung makukuha nila ang address ni Bryle. May policy kasi ang University na bawal maglabas ng private information sa ibang tao.

"Actually, Ma'am, we came here to ask for a little favor." Sabi nya rito. Kinabahan sya ng makita ang pagkunot ng noo nito.

"Ano yun?" Nagtatakang tanong nito. Napabuga sya ng hangin bago kinakabahang nagsalita.

"Pwede po bang malaman ang address ni Bryle Alfonso, Ma'am?" Hopeful na tanong nya rito.

"Naku, I'm sorry. I can't help you with that. School's policy." Sagot nito.

"Ma'am, importante lang." Singit ni Jane.

"Sorry young ladies. Hindi talaga pwede." Sagot nito.

"He's my soulmate." Pag-imporma nya rito. Tumingin ito sa kanya.

"I'm sorry. I can't. Hindi ko kayo matutulungan. Why not text him?" Seryosong sabi nito sa kanya.

"Kaya ko nga po tinatanong ang address nya. Dalawang araw na po syang absent. I'm worried. Please po." Pakiusap nya rito. Napabuntong-hininga ito.

"I'm really sorry, pero hindi talaga pwede." Sagot nito.

"She's pregnant. I think tinataguan sya ng soulmate nya. Help us please. Babae ka rin po. Parang awa mo na." Nagmamaka-awang sabi ni Jane. Halos malaglag ang panga nya sa sahig dahil sa sinabi nito. Hindi sya makapaniwala sa narinig.

Nanlalaki ang mga mata ng Registrar na tumingin sa kanya bago nagmamadaling nag-type sa computer nito.

"St.Pierre St., Hometown Village, Blk.12 Lot 5. Taguig City." Narinig nilang sabi nito. Nagtinginan sila ni Jane bago masayang niyakap ang babae.

"Maraming salamat po." Masayang sabi nya rito.

"Walang anuman. Pero hindi dapat makalabas to ha." Sabi nito sa kanila. Mabilis silang tumango ni Jane.

"Thanks po talaga. Wala po kaming pagsasabihan." Sabi ni Jane.

"O sya, go ahead. Kurutin mo ang lalaking yon!" Sabi nito sa kanya. Nakangiting nagpaalam sila ni Jane dito.

"Grabe Jane! Nakakahiya yung sinabi mo!" Sabi nya agad dito ng makalabas sila ng Registration's Office.

"Effective naman." Sagot nito. Napailing na lang sya. Totoo naman ang sinabi nito.

"Hindi na ko papasok, Jane. Pupuntahan ko si Bryle." Pag-imporma nya rito. Tumango ito sa kanya.

"Sige. Mag-ingat ka ha. Inform your parents too para hindi sila mag-alala." Bilin nito. Tumango sya rito at naglakad na papuntang parking lot.

A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now