Chapter 4

422 84 15
                                    


"So, sya yon? Sya yung soulmate mo?" Pabulong na tanong nito sa kanya. Titig na titig ito kay Bryle. Bryle. What an odd name. Nasa right side nila ito nakaupo. Nagbabasa ito ng lesson nila. Since late itong pumasok kesa sa kanila, marami itong hahabuling lessons. Gusto nya sanang maawa rito, kaya lang ay masyado syang galit sa ginawa nito para bigyan nya to ng awa. Palihim lang kung tignan nya ito, pero ang bestfriend nya ay walang pakundangan kung tignan ito. Gusto nyang mahiya para dito.


"Stop looking at him." Sita nya rito. Ilang segundo pang tinitigan ito ng bestfriend nya bago nakataas ang isang kilay na hinarap sya. "Pero, Oo. Sya yon."


"Pero.. Tignan mo- tignan mo ang mukha nya, Ang po-," Isang tingin lang nito sa mukha nya ay hindi na nito tinuloy pa ang sasabihin.


"Pangit. Sobrang pangit nya." Sa halip ay nasabi nito.


Napaungol sya sa inis at padabog na isinara ang libro nya. Tutal ay hindi rin naman sya makapag-basa ng maayos. Naihilamos nya ang kamay nya sa sobrang frustrations. Naramdaman nya na nakatingin ito sa kanya. Kailangan nyang makalayo rito. She can't stand being with him in the same room.


"Let's go. Mahaba pa naman ang time." Pag-aya nya sa bestfriend nya at dire-diretsong lumabas ng room. Nakasunod naman ito sa kanya. He may be good looking, but that doesn't change the ugly truth. He's a douche bag.



-----




Tahimik na naglalakad lang sila. Madalas kapag ganito ay madaldal si Jane. Pero ng sabihin nyang bagong estudyante si Bryle sa university nila, na magiging classmate nila ito sa isang subject, ay nanatili na itong tahimik. Alam nito ang pinagdadaanan nya. She respect her more for that.


She's feeling tired with the turmoil inside her head. Her feelings are completely in mess. Hindi nya na alam kung ano pang dapat nyang maramdaman ng mga sandaling iyon. Ayaw nya ng naguguluhan sya. Bago pa nya makilala si Bryle, she was pretty smart. Palaging nakakasagot sa mga tanong. But now, she was very distracted. Gulong-gulo ang utak nya.


Nahihirapan man sya ay wala na syang planong lumapit pa dito. Hindi nya ito kailangan para mag-function. She'll be fine without him. Matatag syang tao, at mas magiging matatag sya sa kabila ng rejection na natamo nya. With that in mind, nagpaalam sya ng magaan kahit papano ang loob kay Jane, at dumiretso na sa kotse nya.




-----




Wala syang sinabi sa Mama nya tungkol kay Bryle. She told her to find her soulmate kung san nya to unang nakita noon. Sinabi rin sa kanya nito na hindi sya pwedeng mabuhay ng wala ito. Na wag syang mag-alala dahil siguradong magkikita pa naman sila. Because the bond between soulmates is strong. So strong that it was so hard to be away from each other. Alam nya yon. Being away from him was physically painful. Kapag sinabi nya sa Mama nya ang tungkol kay Bryle, siguradong pipilitin sya nitong makipag-usap dito. Pipilitin sya nitong kaibiganin ito. At hindi nya yon kayang gawin. Ayaw nya.

Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa kanya sa mga iniisip nya. Nakita nyang pumasok na ang Mama nya sa kwarto nya.


"Kamusta ang pakiramdam mo, Anak?" Tanong nito sa kanya.


"I'm fine. Why?" Tanong nya rito.


"Nagdire-diretso ka kasi agad sa kwarto mo. Naninibago ako. Nakita ko ang score mo sa quiz, Mikaela. Bagsak ka. Ulit." Kalmadong sabi nito sa kanya. Though calm, narinig nya ang disappointment sa boses nito.


"Don't worry, Ma. Babawi ako. Tataas ulit ang grades ko." Sagot nya rito.


"Palaging yan ang sinasabi mo nitong mga nakaraang linggo." Sabi ng Mama nya sa kanya.


"Pero talagang gagawin ko na this time, Ma. Itataas ko ulit ang grades ko. Magsisimula na kong mag-focus sa mga priorities ko. Hindi na ko magpapa-apekto sa walang kwentang tao." Sabi nya rito. Na-gets naman agad ng Mama nya kung sino ang tinutukoy nya. Narinig nya ang pagbuga nito ng hangin.


"Don't call your soulmate names, Mikaela." Pangaral nito sa kanya.


"Bakit hindi, Ma? Marami pa nga kong pwedeng itawag sa kanya. I can call him Coward, Pretentious, Obnoxious, Egoistic, Bitter! I can call him anything that I want! He rejected me, Ma. Siguro naman may karapatan akong sabihin ang kahit na anong gusto kong sabihin sa kanya?" Naiinis na sabi nya rito.



"Hindi mo pa nga sya nakakausap, pano mo nasisiguradong tama ang mga akusa mo sa kanya?" Sagot nito sa kanya. Kung alam lang ng Mama nya.


"I just know, Ma. Action speaks louder than words, right?" Sagot na lang nya rito.


"Things will work out for you. Atleast you have an interesting love story to tell in the future." Sabi nito sa kanya. She roll her eyes.


"Hindi yon love story, Ma. Horror story, pwede pa." Mapaklang sagot nya rito.


"It's a love story, sweetheart. Soulmate is love. Hindi mo man nakikita sa ngayon, but your soulmate is the only person that could love you for the rest of your life." Sincere na sabi nito. How she wish that it was true.


"Well, my soulmate is the equivalent of hate, Ma. He is Fake." Sagot nya rito.


"Don't say that, Mikaela!" Seryosong sabi nito sa kanya.


"He is. Hindi sya totoo, Ma. Masyadong mataas ang respeto ko sa sarili ko kesa mapunta lang sa lalaking katulad nya. Makasarili at walang pakelam sa mararamdaman ng iba. Kahit soulmate nya pa. I'm sorry, Ma. Alam kong gusto nyong tumanda ako na kasama ko ang soulmate ko. Ako din naman. Gusto ko din yon. Pero hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin. Hindi na mangyayari pa ang gusto mo." Sabi nya rito at nagmamadaling lumabas ng kwarto nya. She needed space. She needed to clear her head. Hindi na nag-abala pa ang Mama nya na sundan sya. Alam nito ang pinagdadaanan nya.



-----




When she's out of her neighborhood, tsaka lang sya nakapag-isip ng maayos. Hinawakan nya ang dibdib nya. Hindi man lang nabawasan ang pressure sa dibdib nya simula nung makita nya ulit si Bryle. Mukha ngang mas lumala ang pressure sa dibdib nya ng makausap nya ito.


Naiinis sya. Naiinis sya dahil kahit wala ito ay apektado pa rin sya. Kung iisipin naman nyang mabuti, ay parang palagi nga lang nandyan ang soulmate nya. Sa iba't-ibang anyo nga lang. Katulad ng depression, the pressure on her chest, or sometimes the abnormal beating of her heart.


Soulmates are forever. Whether it is by the form of happiness or loneliness. Mananatili lang ito sayo habang buhay. Obviously, she was doomed with a lifetime loneliness. Lifetime sadness. Lifetime of pressure in her chest.


Hindi nya alam kung bakit minalas sya ng ganon. How can he be so cruel?


I'm doing you a favor.


Naalala nya ang sinabi nito. He's doing her a favor? Sinong niloko nito? He's doing himself a favor. Dahil duwag ito at makasarili.


Umupo sya sa swing sa isang park. Huminga sya ng malalim. Pano nito nagawa yon sa kanya? She can remember every glimpses of him. Okay naman ito. Mukha namang lumaki ito ng may mapagmahal na magulang?


Kung pano sya nito kausapin, parang wala man lang itong pakelam sa kanya. Parang wala syang halaga. Mapakla syang natawa.


"It's because you really don't matter to him." She bitterly whispered.



-----

A Glimpse Of You (completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن