Chapter 12

305 76 14
                                    



Kanina pa sya nakahiga pero hindi sya makatulog. Hindi nya maintindihan kung bakit. Dahil ba nasa kabilang kwarto lang ang soulmate nya?

But no. Mabigat ang dibdib nya. She can't understand why. Wala naman syang kasamaan ng loob.

Nafu-frustrate na bumangon sya ng kama nya. Naihilamos nya ang kamay nya sa mukha nya dahil sa sobrang inis. May pasok pa sya, kailangan nya ng matulog.

"Gatas lang ang katapat nito, Mikaela." Sabi nya sa sarili at tumayo na. Dahan-dahan at tahimik na lumabas sya ng kwarto nya. She was about to pass Bryle and Hannah's room ng may marinig na ingay sa kwarto ng mga ito. Maingat na tinungo nya ang kwartong ino-okupa ng magkapatid.

"Ssshhh. Tahan na, Hannah. Nandito lang si Kuya." She heard Bryle said in a hush tone. Hindi nakasara ang pinto. Marahil ay sinadyang hindi isara ni Bryle. Marahil ay nahihiya sa pakikituloy nila.

Narinig nya ang mahinang paghikbi ni Hannah. Nakita nyang nakayakap si Hannah kay Bryle habang nakahiga ang mga ito. Tahimik na pinanuod nya muna ang mga ito.

"Magagalit ba sya?" Narinig nyang tanong ng bata. She saw Bryle caressed his sister's hair.

"Walang magagalit sayo. No one can be mad at you. You're too cute." Pang-aalo ni Bryle sa kapatid.

"Your Dad is always mad at me." Naiiyak na sabi nito.

"It's not your fault, Han. Tsaka palagi naman talaga syang galit." Narinig nyang sabi nito.

"I'll be a better soulmate, Kuya. Para wala ng tatay na nagagalit." Nakangusong sabi ni Hannah. Nagulat sya ng makita ang maliit na ngiti na sumilay sa mukha ni Bryle. Hindi ba't hindi ito naniniwala sa soulmate?

"I know you will. Napaka-swerte nya sayo." Nakangiting sabi nito. Mas lalo syang nagulat sa isinagot ni Bryle. Anti si Bryle. He even confirmed it himself. Naguguluhan tuloy sya. Bakit suportado nito ang kapatid?

"Do you think someone can love me for a very long time, Kuya?" Tanong ng bata. Naramdaman nya ang kabog sa dibdib nya ng makita ang masuyong paghaplos ni Bryle sa pisngi ni Hannah. One thing is for sure, he'll be a great father with his own children someday.

"Ofcourse. I will love you kahit pa mainis ka na sakin. And... And one day, kapag nasa tamang edad ka na, may darating na lalaki para sayo. He will be there for you. He will love you. He will protect you. He will cherish you." Mahinang sabi ni Bryle.

"Like you?" Inosenteng tanong ng bata.

"He will be a lot more better than me." Seryosong sabi nito.

"I hope na makita mo na ang soulmate mo. Para dalawa na kaming nagmamahal sayo. I love you, Kuya. Kahit hindi ako anak ng Daddy mo." Naghihikab na sabi nito. Hinalikan ito ni Bryle sa noo. Pinunasan nya ang luhang pumatak sa pisngi nya.

"I love you more. Kahit hindi ka anak ni Dad." Sagot ni Bryle. Ngumiti ang bata. Nagpapasalamat sya at hindi pa rin sya napapansin ng mga ito.

"She's so lucky." Biglang sabi ng bata.

"Who?" Narinig nyang tanong ni Bryle.

"Your soulmate." Pumipikit na ang mata na sagot nito.

"Sleep now, Hannah. Matulog ka na. Goodnight." Mahinang sabi ni Bryle at tuluyan ng pumikit ang mga mata ni Hannah.

Dahan-dahan syang lumabas ng kwarto at nagtungo ng kusina. Nagtimpla na sya ng gatas nya. Mas lalo lang tuloy nawala ang kakapiranggot na antok nya. Muntik nyang mabitawan ang isang basong gatas nya ng biglang lumitaw si Bryle sa likuran nya.

"The heck! Papatayin mo ba ko sa atake sa puso!" Singhal nya rito. Napakamot ito sa noo.

"Sorry. Kukuha lang sana ko ng tubig." Nagkakamot na sabi nito. Kinalma nya ang sarili bago inilapag ang gatas nya para kuhaan ito ng tubig.

"Sa susunod magparamdam ka man lang. Nakakagulat ka kaya." Sabi nya rito. Sumilay ang ngiti sa mukha ni Bryle. Nahigit nya ang paghinga nya. She wants to blame it on the mate bond.

"Sorry ulit. You don't have to do that, hindi mo ko kailangang ikuha pa ng tubig." Mahinang sabi nito ng iabot nya ang tubig dito. Dinampot nya ang gatas nya at uminom.

"A simple thankyou will suffice." Sabi nya rito. Nahuli nyang nakatitig na naman ito sa kanya bago nag-iwas ng tingin.

"Thankyou." Mahinang sabi nito. Inubos nya ang gatas nya at hinugasan ang baso. Tinaasan nya ng kilay si Bryle ng mapansing nandun pa rin ito.

"What are you still doing here?" Tanong nya rito. Yumuko ito.

"Thankyou for everything." Seryosong sabi nito. Tinitigan nya ito. She did not see it coming.

"We're friends right? That's what friends are for." She can't stop the bitterness in her voice. Nag-angat ito ng tingin.

"I'm sorry, Mikaela. I'm sorry if.. If.. If I'm not the soulmate that you wanted. I can't. I can't be a good soulmate. Hindi ko kaya." Medyo naguguluhan na sabi nito. Lumapit sya dito at hinawakan ang kamay nito. She can see it now. She can see how broken he is.

"Hindi mo kaya o hindi mo gusto? Magkaiba yun Bryle." Mahinang sabi nya rito. Tinitigan sya nito sa mata.

"You don't want to be involve with a messed-up person like me." Mahinang sagot nito. Tinaasan nya ito ng kilay.

"Says who? I'm willing to work us out, Bryle. I'm willing to take a risk. Pero kailangan ko ng kooperasyon mo. Mahirap lumaban mag-isa." Seryosong sabi nya rito at binitiwan ang kamay nito.

"I have a lot of baggages, Mikaela. You deserve someone that is whole." Sagot nito. Sarkastikong natawa sya.

"I'm whole with you, Bryle! You're my other half! No one can make me feel whole like you do. I know that you've been through something. I saw it. I saw a glimpse. I want us, Bryle. I want us to work out. I want to give us a try. I want to have our chance." She can hear the desperation in her own voice. Pero wala na syang pake. Lumapit si Bryle sa kanya at pinagdikit ang noo nila. She can see it in his eyes. He wants to kiss her just as much as she wants to kiss him. Pero hindi pwede.

"You can't kiss me now, Bryle. Hindi mo ko pwedeng halikan ngayon, at itutulak mo ko palayo bukas. Kapag hinalikan mo ko ngayon, hindi mo na ko pwedeng itulak palayo. Kapag hinalikan mo ko, ibig sabihin tinatanggap mo na kung sino ako sa buhay mo." Nanghihinang sabi nya. She saw the conflict in his eyes. Nakita nyang nagsalit-salit ang tingin nito sa mata at labi nya. She can hear his heavy breathing. Nasaktan sya ng lumayo ito sa kanya.

"I can't do that to you. I can't make you live in the mess I'm living with. I'm sorry, Mikaela. Sometimes I wish I was just a normal person with a normal family. You saw it. My Mom cheated on my Dad. Hindi nya lang isang beses niloko si Dad. At naging bunga ng panloloko nya si Hannah. Nung two-years old pa lang si Hannah, umalis sya. Sumama sya sa lalaki nya. Anong klaseng babae ang iiwan sa asawa at soulmate nya ang anak nya sa iba? Dad never loved Hannah. Ako na lang ang meron sya. She needs me more than you ever know. Hindi mo alam ang nangyayari, Mikaela. I want you to stay out of it." Malungkot na sabi nito. Tinignan nya ito. He's hurting too.

"I am not your, Mom. I get it, okay. Natatakot ka. Pero hindi ako ang Mom mo. Hindi ko magagawa sayo yun." Malungkot na sabi nya.

"Sinabi rin nya noon kay, Dad yan. When Dad's Mom cheated on her own husband. History repeats itself. Naloko si Lolo. Naloko si Dad." Mahinang sabi nito. Napangiti sya ng mapakla.

"At ano? Lolokohin din kita? Nalulungkot ako sa nangyari sa Dad at Lolo mo. Cheating on your soulmate is unacceptable. I hope makita mo na wala akong intensyon na saktan ka." Seryosong sabi nya rito. Umiling ito at malungkot na nginitian sya.

"Love is a lie, Mikaela."




-----

A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now