Chapter 22

294 71 8
                                    


"Where are we going again?" Bryle asked her fot the nth time. At katulad pa rin ng una ang naging sagot nya.

"You'll see." Simpleng sagot nya. Actually ay kinakabahan sya lalo habang palapit sila ng palapit sa pupuntahan nila. Hindi nya alam kung tama ba ang gagawin nya. Bryle might hate her after this. Pero kailangan nyang gawin yun for Bryle. He needs a little nudge.

"Kanina pa yang you'll see na yan. Why won't you just tell me?" Sabi nito sa kanya. Napalunok sya ng iikot nya ang kotse sa kanto sa bandang kanan.

"We're here." Sabi nya rito at ihininto ang kotse nya. Kunot ang noo ni Bryle na pinagmasdan ang paligid habang nasa loob pa sila ng kotse.

"What are we doing here? Hindi safe dito." Kunot-noong sabi nito. Nasa may squatters area sila. Naka-park lang ang kotse sa gilid ng maruming sapa. Ang mga tao ay nakatitig na sa kotse nya. Kitang-kita ang curiousity sa mukha ng mga ito.

"May pupuntahan tayo." Sagot nya rito.

"If you think na papababain kita sa kotseng to, then think again, Mikaela. Hindi safe dito. Puro Anti ang mga tao dito." Seryosong sabi nito.

"Please, Bryle. Hindi tayo magtatagal. Magpasundo tayo sa kikitain natin kung gusto mo." Pakiusap nya rito. Tinignan sya nito ng ilang sandali bago bumuntong-hininga.

"Fine. Contact that person. Pero sandali lang tayo dito, Mikaela. At kapag naramdaman kong hindi na safe at wala pa sya, aalis tayo sa ayaw at sa gusto mo." Seryosong sabi nito sa kanya habang nakatingin sa isang bata na nilapitan na ang kotse nya at tila namamangha na hinaplos ito.

"Okay." Sagot nya rito. Kinuha nya ang phone nya at nagpasundo na. Napatingin sya kay Bryle na nagmamasid sa mga taong umaaligid sa kotse nya. Kinuha nya ang isang kamay nito at pinaglaruan ang mga daliri nito.

"I love you." She said randomly. Nakatitig ito sa kanya.

"I love you too." Medyo at ease na sabi nito. Napangiti sya rito.

"Relax, okay. Hindi porket nakatira dito automatic mga Anti na." Sabi nya rito.

"Most of them are, Mikaela. Ano ba talagang ginagawa natin dito?" Tanong nito sa kanya. Nakagat nya ang ibabang bahagi ng labi nya.

"Don't be mad at me, okay. I'm doing this for you." Sabi nya rito. Kumunot ang noo nito.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong nito. In the corner of her eyes, nakita nya ang hinihintay nila. Napalunok sya ng mapatingin sa direksyon nito si Bryle. Nagtagis ang panga nito at nanlilisik ang mga mata na ibinalik ang tingin sa kanya.

"What's the meaning of this, Mikaela?" Matigas na sabi nito. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito.

"I love you, Bryle. Gusto kong tulungan ka. Alam kong ayaw mo syang makita at makausap, pero I know na kailangan mo yun para makausad ka na sa buhay mo. Isa sya sa mga dahilan kung bakit hindi mo kayang lubusang maging masaya, at gusto kong palayain mo na ang sarili mo sa mga bagay na nagpapalungkot sayo, Bryle." Malungkot na sabi nya rito. Nakatingin ito ng seryoso sa kanya. Nasa labas na ng kotse ang kikitain nila. "Im here, Bryle. Anuman ang maging resulta nito, nandito lang ako. You won't lose me. Trust me, Bryle."

Nakita nya ang pag-aalinlangan sa mga mata nito bago ito pumikit ng madiin. Mga ilang segundo ay dumilat na ito at nagsalit-salit ang tingin sa kanila. Buti na lang at tinted ang kotse nya.

"Will this make you happy?" Mahinang tanong nito habang nakatingin sa taong naghihintay sa kanila sa labas. Hinawakan nya ang kamay nito.

"Very much." Sabi nya rito. Tumingin ito sa kanya bago huminga ng malalim.

A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now