Chapter 18

297 74 14
                                    



Pagpasok nya sa kotse ay nadatnan nya na nakapikit at nakakuyom ang kamay ni Bryle habang nakahawak ito sa manibela. He look mad. He look defeated. He look tired.

She gently touch his cheek. Huminga ito ng malalim at hinawakan ang kamay nya na nakahawak sa pisngi nito bago dumilat at tumingin sa kanya.

"Anong iniisip mo? Anong nararamdaman mo ngayon? You know you can tell me, right?" She gently told him. Huminga ulit ito ng malalim.

"I don't know what to think, Mikaela. I don't know what to feel. God, I hate her! I hate her so much! She did this! She did this to me! She put Dad, Me, and Hannah through hell." Nanggigigil na sabi nito. She caressed his cheek to calm him down.

"Gusto ka nyang makausap, Bryle. Hindi ko sinasabi sayong kausapin mo sya agad, but I think you need it Bryle. Do it for yourself." Mahinang sabi nya rito. Nadurog ang puso nya ng makitang may luhang nakatakas sa mga mata nito.

"She left me, Mikaela. Iniwan nya kami. Tinalikuran nya ng parang wala lang. Hindi nya alam ang mga pinagdaanan ko nung iniwan nya kami." Umiiyak na sabi nito. She close the distance between them to hug him.

"Then tell her. Let her know. Ipaalam mo sa kanya ang mga pinagdaanan mo. Sabihin mo ang mga hinanakit mo. Sabi mo ayaw mo ng masaktan di ba? Then let go of the thing that is hurting you, Bryle." Bulong nya rito. Isinandal nito ang ulo sa balikat nya.

"May mga kapatid pa ko. I can't believe it. Bukod kay Hannah may mga kapatid pa ko. Pano nya nagawa to? Bakit? Dad loved her. He gave her everything. Ang sakit, Mikaela. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pang makita sya." Umiiyak na sabi nito. Hinaplos-haplos nya ang likod nito.

"Kailangan mo syang kausapin. I know you have a lot of questions to her, Bryle. Hindi matatahimik ang kalooban mo hangga't hindi nasasagot ang mga tanong mo. Hindi nyo kailangang bumalik sa dati." Paliwanag nya rito.

"I don't know. Hindi ko alam. I'm sorry for being a wreck, baby. I'm sorry." Sabi nito at niyakap sya ng mahigpit.

"Hey, wag kang mag-isip ng ganyan. I told you, perfections and flaws. I want it all, Bryle." Seryosong sabi nya rito.

"I just wish that I could be a better soulmate for you." Mahinang sabi nito. Hindi na sya umimik. Niyakap nya lang ito ng mahigpit. Mga ilang sandali pa ay humiwalay sya rito para hawakan ang magkabilaang pisngi nito.

"Thankyou, Bryle. Thankyou for not pushing me away." Nakatitig sa mata na sabi nya rito.

"Mikaela.. I.." Nauutal na sabi nito. Hinaplos nito ang pisngi nya. Idinikit nya ang noo nya sa noo nito at pumikit.

"I love you." Bulong nito sa kanya. Napadilat sya. Tama ba ang narinig nya?

"What?" Gulat na tanong nya rito. Natatawang napakamot ito ng ulo.

"I love you." Nakangiting sabi nito. Nanlaki ang mga mata nya. She can't stop her tears.

"For a while I thought hindi ko maririnig yon mula sayo." Naiiyak na sabi nya at niyakap ulit ito. "I love you, Bryle."





-----





Inilagay ni Bryle ang natutulog na si Hannah sa passenger seat, pagkatapos ay inayos ang seatbelt nito. Sabi ng Mama nya ay naglaro maghapon si Hannah kaya napagod.

"Will you be, okay?" Tanong nya rito ng humarap ito sa kanya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay nya.

"Yeah. Thankyou." Sagot nito.

A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now