Chapter 9

325 76 9
                                    



"Sino sa tingin mo ang gagawa nito? Ang tapang nya kung sino man sya. Dito pa sa premises ng school nya ginawa." Sabi ni Jane na nasa tabi ni Bryle. Tahimik lang si Bryle habang sinusuri ang sasakyan.

Nahihiya sya sa inasal nya. Mukhang okay pa man din sila kanina bago nya sugurin at akusahan si Bryle sa bagay na hindi naman pala nito ginawa.

"San ka ba kasi nagpunta kanina, Bryle?" Narinig nyang tanong ni Jane.

"Tinawagan ko yung kapatid ko." Simpleng sagot nito.

So may kapatid ito? Hindi man lang sumagi sa isip nya na may kapatid ito.

"Ilang taon na sya?" Usisa ni Jane. Tahimik lang sya sa isang-tabi. Hindi nya kasi alam kung pano makikipag-usap kay Bryle sa mga sandaling iyon.

"Six." Maikling sagot nito. Nakita nyang napatingin sa kanya si Jane.

"Lumapit ka kaya dito ng makita mo rin ng maayos ang kotse mo." Nakataas ang kilay na sabi nito sa kanya. Lumapit sya sa mga ito. Humarap sa kanila si Bryle na may hawak na itim na bandana.

"Ano yan?" Tanong ni Jane. Nakita nya ang pagkuyom ng kamay nito.

"I'm sorry, Mikaela. Kilala ko na kung sino ang gumawa nito sa kotse mo." Diretsong sabi nito.

"Sino?" Tanong nya.

"Mga kaibigan ko. Bandana ni Jap to. Kaibigan ko." Sabi nito. Naaalala nya ang grupo ng Jap na yon. Natahimik sila ni Jane.

"I'll try to pay you. Ako na ang magbabayad sa damage. Pasensya na." Sabi nito. Naiinis na napatingin sya rito.

"Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Bakit ikaw ang magbabayad? I want them in jail, Bryle. Hindi tama tong ginawa nila." Galit na sabi nya. Napabuntong-hininga si Bryle.

"They are not that bad. Pero hindi ko rin kukunsintihin ang ginawa nila. Ikaw ang bahala kung anong gusto mong gawin." Mahinang sabi nito.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Mapapahamak ka ng dahil dyan sa mga kaibigan mo!" Inis na sabi nya rito. Nag-iwas na ito ng tingin.

"Bakit naman nila gagawin kay Mikaela to?" Tanong ni Jane.

"Nalaman nilang soulmate kami, and that we're trying this whole friendship thing." Sagot nya rito.

"Let me guess, hindi sila natuwa." Sabi nya rito. Hindi na ito umimik.

"Mapapahamak ka dahil sa kanila, Bryle. Hindi sila makabubuti sayo." Sabi nya rito.

"Hindi mo sila kilala. Stop judging them." Sagot nito sa kanya.

"Tell me, Bryle. Are they good people?" Tanong nya rito.

"Does it matter? They stayed beside me. Dinamayan nila ko sa problema ko. Nasa likuran ko lang sila palagi. Tinutulungan nila ko." Seryosong sabi nito.

"You know, I could have done the same thing for you. And trust me, hindi kita ipapahamak katulad ng mga kaibigan mo." Seryosong sagot rin nya rito.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Simpleng sagot nito. Napabuga na lang sya ng hangin.

"Anong plano mo, Mikaela?" Tanong ni Jane sa kanya.

"I'll tell my parents." Sabi nya rito.

"Go. Tawagan mo na sila or i-text." Sabi nito sa kanya. Mas pinili nyang i-text na lang ang mga ito.

A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now