Chapter 21

283 70 7
                                    



"Goodmorning, Mikaela. Ang aga naman ng simangot mo." Sabi sa kanya ni Noel. Nakaakbay ito sa bestfriend nyang si Jane.

"Morning." Walang ganang sabi nya.

"May namatay ba? Para kang namatayan ah." Puna ng bestfriend nya. Bumuntong-hininga sya.

"Uy, may problema ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"Hindi pa rin nagpaparamdam si, Bryle." Sagot nya rito.

"Speaking of Bryle, kamusta ang pagpunta mo sa kanila kahapon? Sabi ko balitaan mo ko, hindi ka naman nag-text." Sabi nito sa kanya. Huminga sya ng malalim.

"Hindi ko sya nakausap. Si Hannah lang ang nakausap ko. I'm worried." Sabi nya rito.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Noel.

"Hindi ko din masyadong alam. All I know is that they need help. The problem is, walang sinasabi si Bryle." Sagot nya rito. Napailing ito sa sinabi nya.

"Kung may maitutulong lang sana ako." Sabi ni Jane. Napaisip sya sa sinabi nito.

"Di ba Chief Senior Police Officer ang Dad mo?" Tanong nya rito. Nagtatakang tinignan sya nito.

"Yeah. Why?" Tanong nito.

"May maitutulong ka, Jane. One day matutulungan mo ko." Sagot nya rito.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong nito. Sasagutin na sana nya ito ng mag-ring ang cellphone nya. Kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa nya. Nagmamadaling sinagot nya iyon ng makitang si Bryle ang tumatawag.

"Hello? Bryle?" Nagmamadaling sabi nya.

"Ate?" Narinig nyang sabi ni Hannah.

"Hannah? Asan ang Kuya mo? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong nya.

"Nasa C.R po sya. Ate, help us. Mawawala for two days ang Dad ni Kuya. You gave me your number. Gusto ko pong umalis dito." Bulong nito. Number nya ang ibinigay nya rito. Masaya sya dahil mukhang nag-work ang plano nya. Nangunot ang noo nya sa pagbulong nito.

"Bakit bumubulong ka?" Tanong nya rito.

"Ayaw kasi ni Kuya na tawagan ka. Ayaw nya daw na madamay ka pa." Sagot nito. Napabuntong-hininga sya. Hindi nya na ito nasagot ng may marinig na ibang boses na nagsalita.

"Hannah? Bakit hawak mo ang phone ko? Sinong kausap mo?" Narinig nyang tanong ni Bryle. How she missed his voice. Ilang araw nya ng hindi naririnig ang boses nito.

"Si Ate Mikaela po." Narinig nyang sagot ni Hannah.

"What? I told you not to bother her, right? Give me the phone." Narinig nyang sabi ni Bryle rito. Mga ilang segundong pinakinggan nya lang ang kabilang linya bago may nagsalita.

"Mikaela?" Narinig nyang sabi nito. Napalunok sya. Bigla nyang naisip ang glimpse nito na nakita nya.

"Hmmmm." Tanging nasabi nya.

"I'm sorry." Yun lang at tuluyan ng namatay ang linya. Napatingin sya kayla Noel at Jane.

"They need me. Pupuntahan ko sila." Sabi nya kay Jane. Nagtataka man ay tumango na lang ito sa kanya.

Sisiguraduhin nyang hindi na ulit masasaktan si Bryle ng Daddy nito.




-----




A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now