Chapter 14

289 74 12
                                    


It's been two days simula nung aksidenteng makita nya ang grupo nila Jap na kausap si Bryle. Two days na ding hindi pumapasok si Bryle. Matapos nitong kunin ang kapatid sa bahay nila ay wala na syang balita rito. Nag-aalala na sya. Lalo na't nitong nakaraang dalawang araw ay mabigat ang pressure sa dibdib nya.

Napabuntong-hininga sya at tumingin ulit sa paligid. Hinihintay nya ang Papa nya na sunduin sya. Ilang araw pa kasi bago makauwi ulit si Jane. Nasa talyer pa rin kasi ang kotse nya. Naging kaklase pa nya si Noel sa dalawa pa nyang subject. Nakakatawa ang personality nito kaya hindi sya masyadong nangungulila sa absence ng bestfriend nya. Come to think of it, parang male version ni Jane si Noel.

"Hi Mikaela." Nanlamig sya ng marinig ang isang boses sa likuran nya. Nagmamadali nya itong nilingon. Si Jap. Napatingin sya sa paligid ng mapansing mag-isa lang ito.

"What are you doing here? You know I can call the cops on you." Banta nya rito. Narinig nya ang pagak na tawa nito.

"Hindi ako mangugulo. I just came here to talk." Simpleng sabi nito.

"Then start talking. Parating na ang Papa ko." Matigas na sabi nya. She can't show him how scared she is. Biglang nagdilim ang mukha nito.

"Didn't I warn you to stay away from, Bryle? Hindi pa ba enough na warning ang nangyari sa kotse mo?" Pananakot nito. Muntik na syang mapaatras sa kaba. Buti na lang ay napigilan nya.

"You can't make me, Jap. We're soulmates. Wala kang magagawa don." Matapang na sagot nya.

"Stay away from him o magsisisi ka." Banta ulit nito.

"You don't scare me." Sagot nya. Sarkastiko itong tumawa.

"I'm trying to protect him! Hindi ako ang kalaban mo! All you have to do is stay away from him!" Singhal nito.

"Don't fool me. Alam ko kung anong klaseng tao ka. Kayo ang lumayo kay, Bryle! Tigilan nyo na sya!" Ganti nya rito.

"Bryle needs us. Mas matagal nya kaming nakasama kesa sayo. We're brothers. Kahit nilaglag nya kami, kapatid pa rin ang tingin ko sa kanya. Layuan mo sya, Mikaela. You're putting him in hell." Seryosong sabi nito.

"And you're dragging him down! Walang kapatid ang ipapahamak ang kapatid nya! Walang kaibigan ang hahadlangan ang kaligayahan ng kaibigan nya!" Sabi nya rito. Natahimik ito ng sandali.

"You think magiging masaya sya sayo? He've been through hell para gustuhin pang malagay sa ganong sitwasyon ulit. Hindi mo alam ang pinagdaanan nya. Kami ang nandon. Hindi ikaw." Sabi nito sa kanya. She was hurt by his words, pero hindi nya iyon ipinahalata.

"At sa tingin mo magiging masaya sya ng kasama kayo? Think again." Sagot nya rito. Tinaliman sya nito ng tingin.

"Tigilan mo ang paglason sa isip nya, Mikaela! Stop brainwashing him! Tigilan mo sya!" Sigaw nito sa kanya.

"Kayo ang lason sa utak nya." Maikling sagot nya.

"Nakausap ko sya. He thinks you're different. He thinks that you're good for him. Stop inserting stupid nonsense in his brain! Sasaktan mo sya! Walang kwenta ang soulmates! Salita lang yan." He said weakly. Natigilan sya sa sinabi nito. So, alam nito kung nasan si Bryle. At nag-usap pa ang mga ito. Nabuhayan sya ng pag-asa sa narinig. Iniisip sya ni Bryle.

"Where is he? Dalawang-araw ko na syang hindi nakikita." Sabi nya rito.

"Dito ko rin sya nakausap sa University nyo. Dalawang-araw ko na rin syang hindi nakakausap. And I know why. Tigilan mo sya, Mikaela. Ipapahamak mo sya pati ang kapatid nya." Seryosong sabi nito.

A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now