Chapter 8

321 79 16
                                    

Kinabukasan ay hindi nya inimik si Bryle. It's not like nakikipag-usap ito sa kanya. Kinakausap pa rin ito ni Jane. Pero pinipilit nyang wag na munang mag-krus ang landas nila. Baka kung ano pa ang magawa nya rito.


Isa pa, nakita nyang kasama ni Bryle ang mga kaibigan nito na Anti sa labas ng university kanina. Ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang magsimula ng gulo. Maingay na nagtatawanan pa nga ang mga ito. Sure hindi kasali si Bryle sa walang pakundangan na pag-iingay ng mga ito, pero wala rin syang ginawa para pigilan ang mga ito. Bryle is hopeless. What they have as a soulmate was already a lost cause. Wala na silang pag-asa.


As long as hindi ito lalayo sa mga Anti, walang mangyayaring maganda sa kanila. He's one of them. Kung anumang meron sila, hindi pa nga nagsisimula, tapos na kaagad.


"Mikaela, hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni Bryle?" Tanong sa kanya ni Jane.


"Nope. At wala na kaming dapat pag-usapan pa." Simpleng sagot nya rito.


"Parehas naman kayong may mali. Ayusin nyo na yan." Sabi nito sa kanya.


"Hindi na kami magiging okay, Jane. Simula pa lang hindi na kami okay." Sagot nya rito.


"Ewan ko ba naman kasi sa inyong dalawa. Hindi nyo ba nakikita kung gano kayo ka-swerte? May mga taong ilang taon ang inaabot bago nila makita ang soulmate nila, meron pa ngang hindi na talaga nila nakita, tapos kayo ni Bryle, unang araw pa lang nahanap nyo na agad ang isa't-isa. Nakakalungkot lang." Sabi ni Jane sa kanya.


"Ganun talaga, Jane. Baka may pinagtatagpo lang, pero hindi naman magkakatuluyan." Sabi nya rito. Napabuntong-hininga si Jane.


"Soulmates are for life, Mikaela. We'll only have one soulmate for the rest of our lives. Hindi natin sila mapapalitan. Hindi na tayo makakakita pa ulit ng tulad nila. Nag-iisa lang sila. Ginawa at idinesenyo para satin. Pinagtatagpo ang soulmate para mahalin ang isa't-isa. That's how it works, Mikaela." Seryosong sabi ni Jane.


"Then what do you want me to do?" Tanong nya rito.


"Make him believe in you. Hindi nya kailangang paniwalaan ang soulmate at love. Pero paniwalain mo sya sayo. Sa inyo. He needs to see na nandyan ka lang." Sabi nito sa kanya. Agad na napailing sya.


"That's impossible, Jane. Mahirap ang gusto mong mangyari." Naiiling na sabi nya.


"Para sa inyo rin naman yun. Para sa ikabubuti nyo. Hindi ganong kasama si Bryle, Mikaela. I don't know if napapansin mo, pero palagi syang nakatingin sayo pag alam nyang hindi mo makikita. Hindi ko alam kung bakit. Maybe it is the mate bond? Pero kasi iba eh. May kakaiba sa tingin nya sayo." Sabi nito sa kanya. Napatitig sya sa bestfriend nya. Nararamdaman nyang nakatingin ito sa kanya. Alam nya yon. Napatingin sya kay Bryle na tahimik lang na nakaupo. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana. As if sensing na nakatingin sya rito ay lumingon ito sa kanya. She saw an emotion cross his eyes. Hindi nya lang matiyak kung ano. Matagal na nakipagtitigan lang sya rito bago ibinalik ang tingin nya sa bestfriend nya.


"I don't know, Jane. I don't know." Naguguluhang sabi nya rito. Napatingin ulit sya kay Bryle. Was he worth fighting for? After everything he have put her through?




-----



"Mikaela, tara. Canteen tayo. Nagugutom na ko." Pagyaya sa kanya ni Jane. She fix her things at sumunod na sa bestfriend nya. Nagulat pa sya ng lapitan ni Jane ang tahimik na nagliligpit ng gamit na si Bryle. Nang makita nya ito sa malapitan ay napansin nya agad na may kakaiba rito. Tinitigan nya itong maigi. He has a bruise on his face. Muntik nya ng hawakan iyon. Napatitig sya rito. Nang mapansin nitong nakatitig sya ay agad itong yumuko.


A Glimpse Of You (completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن