Epilogue

442 69 8
                                    



"Sorry I'm late. Kanina ka pa ready?" Sabi nito sa kanya at masuyo syang hinalikan sa pisngi bago umupo sa tabi nya.

"Hindi naman. Ayos lang." Sagot nya rito.

"Ang hirap pala pag graduating. Masyadong maraming ginagawa." Sabi nito sa kanya. Natawa sya dito.

"Remember kung anong sinagot mo kay Papa kung anong plano mo sa future? You told him that your only plan is to graduate. Tapos ngayon nagrereklamo ka." Sabi nya rito.

"Yeah. Whatever." Umiikot ang mata na sagot nito. "Let's go? Baka maiwan tayo nila Jane."

"I know how to get there. Isa pa, may sarili tayong sasakyan." Sabi nya rito at tumayo. Kinuha ni Bryle ang traveling bag nya.

"Where's Hannah?" Tanong nya rito habang palabas sila ng kwarto nya.

"Kasama ni Tita. Nandun sila sa labas, nagdidilig ng orchids nyo." Sagot nito. Napangiti sya. That's her Mama's new obsession. Flowers.

Nakangiting napatingin sa kanila ang Mama nya paglabas nila. Sinalubong naman agad sya ng mahigpit na yakap ni Hannah. Niyakap din nya ito ng mahigpit pagkatapos ay bumitiw na ito at bumalik sa pagdidilig. Dumiretso si Bryle sa kotse nito at inilagay sa compartment ang bag nya.

"Mag-iingat kayo don. Mag-enjoy din kayo. Take a lot of pictures." Nakangiting sabi nito.

"Okay po, Ma. See you guys soon." Sagot nya rito.

"Thankyou for watching Hannah habang wala po ako, Tita." Sabi ni Bryle ng bumalik ito sa kanila.

"Ayos lang, Bryle. Naaaliw ako sa kapatid mo. Alagaan mo si Mikaela ha. Ikaw ang bahala sa kanya sa Palawan." Bilin nito. Tumango si Bryle dito.

"O sya, Ma. Alis na po kami. Tell Papa na wag masyadong mag-alala." Sabi nya rito.

"Sige na. Baka abutan pa kayo ng traffic." Sabi ng Mama nya.

"Bye Hannah." Sabi nya rito.

"Bye po! Ingat! Pasalubong ko!" Sabi nito.

"Basta magpakabait ka." Sabi ni Bryle dito. They send them one last wave bago dumiretso sa kotse ni Bryle.

Yes, may kotse na si Bryle. May mga taong tumulong kay Bryle para makuha legally ang pera ng Dad nito. At first ayaw ni Bryle, pero pinag-isipan nitong maigi ang sitwasyon.

Ibinenta ni Bryle ang bahay nila dati at bumili ng two-storey house para sa kanila ni Hannah. May nakuha ring cash si Bryle mula sa fund na walang choice ang Dad nito kundi ibigay.

Madalas sya sa bahay nila Bryle. Kulang na lang ay doon na din sya tumira. Kaya lang ay hindi pwede dahil nandun din ang kapatid nito. At may mga bagay na hindi pa dapat makita ng isang walong-taong gulang na bata.

Maybe if their case was different ay matagal na silang nagsama ni Bryle. Ganun naman talaga. Soulmate should stay together. Pero hindi nya gugustuhin na maramdaman ni Hannah na inaagaw nya ang Kuya nito.

Makukuntento na lang sila sa meron sila ngayon. Lalo na't maso-solo nya si Bryle sa loob ng isang linggo.





-----





Tatlong araw na sila sa Palawan. Sobrang nag-eenjoy talaga sya. She loved how tanned her skin now. Si Noel at Jane ay halatang nag-eenjoy din.

They unwind in Palawan dahil sobrang stress na nila. They are all graduating, at gusto nilang mag-relax.

"Here." Narinig nyang sabi ni Bryle at inabutan sya ng stick na may marshmallow. Nagbo-bonfire sila. Hindi nila alam kung anong oras na, hindi na din naman importante yon. Nandun sila para mag-relax at mag-enjoy.

Sumandal sya kay Bryle ng umupo ito sa tabi nya. Awtomatiko namang ipinulupot nito ang braso sa  balikat nya.

"I think matutulog na ko. Inaantok na ko." Naghihikab na sabi ni Jane. Tumayo na din si Noel ng tumayo ito at dinampot ang bote ng beer nito.

"Dito muna kayo?" Tanong ni Noel sa kanila. Tinignan sya ni Bryle.

"Gusto mo na rin bang magpahinga?" Tanong nito sa kanya. Sumiksik sya lalo dito at umiling.

"We'll stay here for a while." Sabi ni Bryle kayla Jane at Noel bago ininom ang mainit na nitong beer.

"Okay. Mauna na kami. Kita na lang tayo bukas." Sabi ni Noel sa kanila at inalalayan ang medyo gumegewang na si Jane.

Tahimik na pinapanuod lang nila ang alon ng dagat. The water sounds so calming. The place is peaceful.

Bilog na bilog ang buwan. Kitang-kita ang reflection ng liwanag nito at ng bilyong-bilyong bituin sa karagatan. Malamig at sariwa rin ang hangin.

The place is perfect, hindi dahil sa ganda nito, kundi dahil sa lalaking nasa tabi nya.

Naramdaman nya ang paghalik nito sa balikat nya. Napalingon sya rito. Nakatitig na ito sa kanya.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito at hinila ang mukha nito palapit sa kanya. She kissed him sweetly. Nalalasahan nya ang beer sa labi nito. Bryle pulled her closer and deepened the kiss. Naramdaman nya ang kamay nito sa bewang nya. She shivered. Hindi nya alam kung dahil sa lamig ng hangin o dahil sa init ng kamay nito.

Ipinagdikit ni Bryle ang mga noo nila ng matapos ang halik. Parehas silang naghahabol ng hininga.

"I love you." Bulong nito sa kanya.

"I love you too." Nakangiting sagot nya rito.

Nang mga sandaling iyon, alam nyang tama ang naging desisyon nyang ipaglaban ito. Tamang kinumbinsi nya ito. Alam nyang hindi sila magiging masaya kung parehas lang silang sumuko.

Bryle is worth fighting for. Hindi naging madali, mahirap ang naging daan, pero worth it naman. Wala syang pinagsisisihan.

Habang-buhay na pagkakakulong ang hatol sa Dad nito. Maraming kaso ang kinaharap nito. Maraming lumabas na biktima at nagreklamo. Lahat ng kakampi nito noon ay hindi na din ito tinulungan. Alam nyang minsan ay nalulungkot pa rin si Bryle dahil sa nangyari sa Dad nito, pero atleast he's strong enough to face the reality. That it was no longer his Dad. Matagal ng nawala ang Dad nya. That his Dad lost himself when he lost his soulmate.

Nakulong din ang mga kakuntsaba ng Dad nya na pinatulog ng grupo nila Jap. Minsan pala talaga ay nagmamanman lang sila Jap para bantayan sila Bryle at Hannah. Ngayon alam nya ng nagmamalasakit talaga ito kayla Bryle. Na totoong mga kaibigan ito ni Bryle.

At yung magtataho na naging mata ng Dad ni Bryle? Well, sabihin na lang natin na hindi na sya pwedeng magtinda ng taho sa loob ng kulungan.

"Mikaela?" Pagtawag nito sa pansin nya.

"Hmmm?" Sagot nya rito at tinignan ito.

"I-kwento mo na sakin yung nangyari sayo nung seven years old ka." Sabi nito sa kanya. Napangiti sya. Bryle started asking about her memories. Ngayon ay nagagawa na nilang mag-kwento ng memories ng isa't-isa.

She loves it when they are sharing their glimpses. Because that's how a soulmate works.

That's how it's going to be from now on.

At excited na syang marinig ang mga kwento nito sa mga susunod pang taon.

"Ganto kasi yun..." And she started telling the story when she was seven years old. Nakangiti sya habang nagke-kwento rito. At nakangiting nakikinig rin ito sa kanya.

Umalingawngaw ang tawanan nila sa isang tahimik na gabi. Humalo ang tawanan nila sa tunog ng alon at pagsimoy ng hangin.

And she could never be any happier than be with Bryle.





-----

A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now