Chapter 6

344 81 11
                                    


Kinabukasan ay nagulat pa sya ng makitang kausap ni Jane si Bryle. Mukhang hindi nagugustuhan ni Bryle ang sinasabi ng bestfriend nya dahil sobrang nakakunot na ang noo nito. Malayo pa lang sya ay napalingon na agad ang lalaki sa kanya. Parang alam nito kapag nasa paligid lang sya.


"Talaga bang pag-uusapan pa natin to? Sabihin mo dito sa kaibigan mo na layuan ako." Singhal nito sa kanya ng makalapit sya. Napalunok sya. Hindi nya ito sinagot, pero hindi rin sya umalis sa pwesto nya. Napaungol sa inis si Bryle dahil sa kanila ng bestfriend nya. Malamang ay na-realize nito na hindi sila titigilan ni Jane hangga't di sila nakakapag-usap.


"Fine! Sige mag-usap tayo! Soulmate is stupid! Love is not real. Nice talking to you. Pwede na ba kong umalis?" Annoyed na sabi nito.


"Yan. Dyan ka nagkakamali!" Sagot ng bestfriend nya. Inikutan ito ng mata ni Bryle.


"Mga ignorante lang kasi kayo sa reyalidad." Sagot nito.


"Ano bang problema mo? Kumalma ka nga! Mag-uusap lang tayo!" Inis na sabi nya rito.


Mukha mang hindi natuwa ito sa sinabi nya, atleast kahit papano ay nakita nya ang pagkalma nito. Pero kung totoo man ang sinabi ni Jamie, then kailangan talaga nilang mag-usap. Ayaw nyang malunod sa depression.


"Ayokong mamatay sa sakit or sa depression sa hinaharap. Lalong-lalo na kung dahil lang sayo." Medyo kalmadong sabi nya rito.


"I don't either." Sagot nito. Napabuga ito ng hangin.


"Then kailangan nyong umayos na dalawa. Alam kong ayaw nyo sa isa't-isa, pero utang na loob naman, for the sake of each other's sanity, gawin nyo. You're still each other's half. Kung hindi nyo gustong maging soulmate, kahit maging mag-kaibigan man lang sana kayo." Pangaral nito sa kanila. Nagkatinginan sila.


"Hindi namin matagalan ang isa't-isa. Mahirap ang gusto mo." Sagot nya rito.


"Try harder! Ba't ba ako ang dapat mamroblema sa inyo? Kayo naman ang magkakasakit!" Sagot nito sa kanya.


Wala na silang naisagot sa sinabi ni Jane. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Malalim na napabuntong-hininga sya. Nakikita nya ang conflict sa mukha ni Bryle. Maya-maya rin ay huminga ito ng malalim at tumingin na sa kanya.


"So... Friends?" Nag-aalangang tanong nito na naglahad pa ng isang kamay sa kanya. Napalunok sya.


"Friends." Sabi nya rito at inabot ang kamay nito. She almost regret taking his hand when she feel the spark in their hands. Nagmamadaling nagbitaw sila ng kamay. Narinig nilang napaungol sa frustration si Jane.


"Mamamatay ako ng maaga sa inyo!"



-----




"Sa wakas. Sawang-sawa na kong pumasok!" Reklamo ni Jane sa kanya habang naglalakad sila. She lick her icecream bago sumagot dito.


"A whole day of freedom is nice." Pagsang-ayon nya rito. It's sunday, at wala silang pasok. Kailangan rin nya ng araw na walang Bryle na nakikita. Nasa park sila at nakaupo sa swing. Napatingin sya sa bestfriend nya ng kalabitin sya nito.


"Bakit?" Nagtatakang tanong nya rito. May inginuso ito. Sinundan nya ang itinuturo nito. Napakunot ang noo nya ng makita si Bryle.


"Nagta-trabaho pala sya dyan sa Mini Grocery Store?" Tanong ni Jane sa kanya. Nagkibit balikat lang sya. Wala naman kasi syang alam tungkol dito. Nagtaas ang kilay nya ng makitang tila may pinipigilan itong mga lalaki.


A Glimpse Of You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon