Chapter 2

507 86 20
                                    



"Bibitawan na kita ha." Sabi ng tatay nito.


"Wait, Dad. Baka masemplang po ako." Sagot naman ng bata.


"Kaya mo yan, anak. May gulong pa naman sa likod ang bike mo." Sabi ng tatay nito.


"Ayaw kong masemplang, Dad." Nakasimangot na sagot ng batang lalaki.


"Hindi ka masesemplang. You can do it." Buong pagtitiwala na sabi ng ama. Binitiwan nga nito ang bata. Nakapag-bike ito ng hindi nasesemplang.


"I did it, Dad! I did it!" Tuwang-tuwa na sabi nito.


"I know you can. I'm so proud of you. Next time tatanggalin na natin ang supporting wheel ng bike mo." Nakangiting sabi ng tatay. Excited na tumango-tango ang bata.


"Boys, pumasok na muna kayo at mag-meryenda." Sabay na napalingon ang mag-ama sa babae. Nagkangitian ang mag-ama.


"Yes Ma'am." Sabay na sagot ng mga ito.


"Mikaela, anak. Gumising ka na. May pasok ka pa." Dahan-dahan syang nagmulat ng mata.


"Ok po, Ma." Naghihikab na sabi nya. Tinanguan sya ng Mama nya at lumabas na ng kwarto nya.


It's been two months simula nung araw na nakilala nya ang soulmate nya. She's also having a glimpses of him for two months now. As much as she want to appreciate it, she's been falling more and more into a depression. At alam nya kung bakit. Her own soulmate rejected her. Ayaw sa kanya ng soulmate nya. Ngayon ay naiwan sya ng wala ang kalahati ng pagkatao nya. Ayaw syang makasama ng taong kukumpleto sana sa kanya.


Minsan nahihirapan na sya sa pressure sa dibdib nya. At alam nya kung pano gagaan ang pakiramdam nya. Her soulmate. Her other half.


Hindi nya na nakita ang soulmate nya simula nung araw na yon. Minsan, kapag dumadaan sya sa waiting shed kung saan nya ito unang nakita, ni kahit anino nito ay wala doon. At hindi nya alam kung makikita pa nya ito.


Her bestfriend, Jane, asked her multiple times kung ano ang pakiramdam ng nakikita mo ang ilang bahagi ng alaala ng soulmate mo. Kung sa ibang pagkakataon siguro, maaaring masaya sya. But seeing a glimpse of the person who rejected you is a torture. Pure torture.


Hindi pa nahahanap ng bestfriend nya ang soulmate nito. Kung hindi lang sya na-reject ng soulmate nya ay mako-consider na sya na isa sa mga pinaka-swerteng tao sa mundo. Dahil unang araw pa lang ay natagpuan nya na agad ito.


Glimpses made her happy. Atleast kahit papano ay nagkakaroon sya ng pag-asa. Pero habang tumatagal ay mas pinanghihinaan na sya ng loob. She've lost the motivation to do her school work, to hangout with her friends, to socialize with her classmates and schoolmates. At alam nyang pag tumagal pa ay mas magiging malala pa ang nararamdaman nya.


No one is supposed to live without their soulmates, pero wala syang choice. Ganun na ang sitwasyon nya. Wala sa man sa kanya ang problema, nahihirapan pa rin sya.



-----



Sinalubong agad sya ng bestfriend nyang si Jane pagdating nya sa university. Kitang-kita nya ang pagpa-panic sa mukha nito.


"Mikay, alam mo bang may long quiz tayo kay Mr.Reblando? Hindi ko alam! Babagsak ako! Hindi ako makakapag-trabaho! Magiging pulubi na rin ako at magka-kalkal ng basura!" Eksaheradang sabi nito. Kumunot ang noo nya rito.


"Oo. Alam kong may quiz. Lahat naman alam na may quiz ngayon." Sagot nya rito.


"Well, obviously, hindi lahat alam. Hindi ko nga alam." Sagot nito.


"Lutang ka kasi." Sabi nya rito.


"Ang boring nya kasing magturo." Sagot nito sa kanya. Inikutan nya ito ng mata.


"Last subject pa naman yon. Marami ka pang time para makapag-review." Sabi nya rito.


"Basta tulungan mo ko ha." Sabi nito sa kanya.


"Alam kong may quiz. Pero wala kong sinabi na may alam ako. Hindi din ako nakapag review." Pag-imporma nya rito. Napatingin ito ng seryoso sa kanya.


"Tuluy-tuloy pa rin ba ang glimpses nya?" Tanong nito. Tipid na tinanguan nya na lang ito. Binigyan sya ng maliit na ngiti ng bestfriend nya. Alam nito kung gano sya nasasaktan nitong mga nakaraang buwan. Alam ng bestfriend nya ang lahat. Higit pa don ay naiintindihan sya nito. Naiintindihan nito kung bakit bigla syang nagsusungit. Naiintindihan nito kung bakit hindi na sya mahilig lumabas. Naiintindihan nito kung bakit hindi na sya makausap ng maayos. Naiintindihan sya nito. At wala na syang ibang mahihiling na bestfriend maliban rito.


Sana nararanasan din ng soulmate nya ang mga nararanasan nya. Ang paninikip ng dibdib. Ang pakiramdam na parang may tumangay ng kalahati ng pagkatao mo. Sana hindi lang sya ang nakakaramdam non. Na parang hindi na sya maku-kumpleto.



Hindi nya kilala ang soulmate nya. Ang alam nya lang ay pinapatay sya nito sa bawat lumilipas na araw.



Hindi dapat nabubuhay ang isang tao ng wala ang soulmate nya. Binigyan ka ng katuwang. Ng kasama. Hinati ang pagkatao nyo para buuin ang isa't-isa. Anti ang soulmate nya. Ayaw nito ng kahit na anong bagay na may kinalaman sa kanya. O kahit na anong may kinalaman sa soulmate. Alam nya yon. Nahalata nya yon.


Hiling lang nya ay sana ginugulo ito ng mga alaala nya. She hopes that seeing a glimpse of her would change his mind.




-----




"Bakit ba kasi ang hirap nito? Hindi ko maintindihan! Babagsak na talaga ko! Masisira ang future ko!" Pagmamaktol ng bestfriend nya. Napabuntong-hininga sya. Umabsent ang isang professor nila kaya mas nagkaroon sila ng time para makapag-review. Pero kahit isa ay walang nagsi-sink-in sa utak nya. Pinipilit nya naman. Talagang pinipilit nya. Kaya lang nahihirapan syang makapag-concentrate dahil sa pressure sa dibdib nya. Huminga sya ng malalim.


"Okay ka lang? Ang lalim non ah." Sabi sa kanya ng bestfriend nya. Binitiwan nya ang notes na hawak nya.


"No. Hindi ako makapag-concentrate, Jane. Ang hirap." Honest na sagot nya rito. Tinignan sya nito.


"How does it feel?" Curious na tanong nito.


"Everything aches. Ang bigat sa dibdib. Ewan. I need him. Bakit ba kasi sa Anti pa ko ipinareha? Ayokong matulad sa mga na-reject, Jane." Malungkot na sabi nya rito.


"Just trust in fate, Mikaela. Sa ngayon, kailangan mo munang mag-focus sa ibang mga bagay." Sabi nito sa kanya.


"Things are about to get worse, Jane. We all know that. Kapag tumagal pa to, mas mahihirapan ako. I just hope ma-realize nya kung anong ginawa nya sakin. He's hurting me, Jane. Hindi ba nya naiisip yon?" Nasasaktan na sabi nya rito. She's hurting. Nasasaktan sya ng walang dahilan.


"Baka may rason sya? Malay mo pag nagkita ulit kayo ay maging maayos din ang lahat? Hindi ka naman sure na Anti sya di ba? Wala kang pruweba." Sabi nito sa kanya. Napailing sya. Walang duda na Anti ito.


"He's an Anti, Jane. At kapag nagkita kami, alam kong mas magiging malala ang lahat. Sana makita nya ang epekto ng ginawa nya sakin. I hope na makonsensya sya, Jane." Sabi nya rito.


"Mikaela, soulmates kayo. Kahit pag bali-baliktarin mo ang mundo, ginawa kayo para sa isa't-isa. Kung gusto nyo talaga, magagawan nyo naman ng paraan yan." Her bestfriend told her.


"Sya ang may ayaw sakin. Sya ang may ayaw sa ideya ng soulmate. Sya ang hindi ako kayang tanggapin. He did this! Sya ang naglagay sakin, samin, sa ganitong sitwasyon! Sya ang tumakbo palayo, sya ang matutong bumalik." Galit na sabi nya. She's mad at her situation.


"Maybe you're missing something? Wala ka bang napansin sa kanya?" Tanong nito. Napaisip sya.


"Mukha syang galit. Galit na galit."




-----

A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now