Chapter 3

430 88 19
                                    

"Mikaela, teka lang may pinapadala si Sir Arnel sakin sa Guidance office. Samahan mo naman ako." Sabi sa kanya ng bestfriend nyang si Jane. Huminto sya para hintayin ang bestfriend nya.

"Bakit ba nagpapahintay ka pa sakin? Hindi din naman tayo sabay umuwi." Nakasimangot na sabi nya rito.

"Sabay naman tayo hanggang sa gate." Sagot nito. Inikutan na lang nya ito ng mata. Habang naglalakad papuntang Guidance office ay nag-ring ang phone ng bestfriend nya.

"Hello?" Narinig nyang sabi nito.

"Po? Okay. Sige. Pauwi na po ko." Sabi nito.

"Ok na po, Ma. Bye." Sabi pa nito at pinutol na ang call. Nag-angat sya ng kilay ng humarap ito sa kanya.

"Mikaela, pwede bang ikaw na ang maghatid nito sa Guidance? Pinapauwi na ko ni Mama eh. Please." Sabi nito. Napabuntong-hininga sya. Wala naman syang magagawa.

"Oo na. Akin na." Sabi nya rito. Nagmamadaling inabot nito sa kanya ang mga paper.

"Salamat, best ha. Mauna na ko. Ingat ka sa pag-uwi. Bye!" Sabi nito at nagmamadaling umuwi. Napailing sya bago nagpatuloy sa pagpunta sa Guidance.

Kumatok sya ng tatlong beses bago tuluyang pumasok. Agad namang napatingin sa kanya ang secretary. May napansin syang lalaki na mukhang natutulog sa dulo. Hindi nya na lang ito pinansin at lumapit sa secretary.

"Hi. May kailangan ka?" Tanong nito sa kanya. Umiling sya rito bago sumagot.

"May ipinapadala lang po si Sir Arnel." Sabi nya rito at inabot rito ang mga paper.

"Salamat. Estudyante ka nya?" Tanong nito.

"Opo." Sagot nya rito.

"Anong pangalan mo?" Tanong pa nito.

"Mikaela po. Mikaela Jimenez." Sagot nya rito.

"Well, Ms. Mikaela Jimenez, pwede bang makahingi ng isang pabor?" Tanong nito sa kanya.

"Ano po yun?" Tanong nya rito.

"See that guy over there?" Sabi nito sabay turo sa lalaking nakayuko. Tinanguan nya ito.

"Kaka-transfer lang nya. Magiging classmate mo rin naman sya sa subject ni Sir Arnel, baka pwedeng pakilibot sya sa university?" Tanong nito sa kanya. Nakagat nya ang ibabang bahagi ng labi nya. Gusto nya ng umuwi, kaya lang ay nahihiya rin syang tanggihan ito.

"Ok po." Wala sa loob na sabi nya. Nagliwanag ang mukha nito.

"Mr. Bryle Alfonso, may sasama na sayo." Sabi ng secretary sa direksyon nito. Dahan-dahan itong nag-angat ng ulo. At ng tuluyan ng nalantad ang mukha nito sa kanya ay muntik pa nyang makalimutang huminga.

It's him. Ang lalaking aksidente nyang nahawakan sa waiting shed. The boy that owned the glimpses she's seeing. Ang lalaking naging dahilan kung bakit palaging naninikip at bumibigat ang pakiramdam nya. Ang soulmate nya.

Ganun pa rin ang itsura nito. Ang buhok nitong itim ay bahagyang nakatayo. His brown eyes are wide while staring right back at her. Maninipis ang labi nito. His cheek bones are prominent. Matangkad din ito. Mukhang hanggang balikat lang sya nito, when in fact ay mataas na ang height nya para sa isang babae.

Ngayon ay alam nya na ang pangalan nito. Bryle Alfonso. Kung pano ito tumayo at tumindig, it was so painfully obvious that he is an Anti. Wala itong tattoo or piercings, pero taglay nya pa rin ang aura ng isang Anti.

Ang secretary ay wala pa ring kaalam-alam kung panong parehas silang hindi makapaniwala habang nakatitig sa isa't-isa.

"Bryle, si Mikaela ang nag-mabuting loob na iikot ka sa buong university. Magiging classmate mo rin sya sa isang subject mo. Kung may mga ilang katanungan ka pa ay pwede mong tanungin muna si Mikaela. Welcome to our university, Mr. Bryle Alfonso." Nakangiting sabi nito.

"Thankyou." Mahina ang boses na sabi nito.


-----


Naging mabigat ang atmosphere habang pababa sila sa main hall. Tahimik lang sila habang naglalakad. Mararamdaman din ang tensyon sa kanila. Ayaw nyang tumingin dito, kagaya ng kung panong ayaw rin sya nitong tignan. Galit sya rito. Kinamumuhian nya ang lahat dito. Nasaktan sya ng sobra dahil dito. He caused her so much pain just because he was a coward. Pero sa tuwing palihim nya itong tinitignan ay hindi nya maiwasang isipin kung gano ito kagandang lalaki. Pero ayaw nyang mag-isip ng ganun tungkol dito. Gusto nyang magalit rito para makita nito kung gano sya nasaktan.

Nung dumating na sila sa dulo at umikot ay hindi nya na napigilang magsalita. Hindi nya na matiis ang katahimikan.

"Ano? Hindi ka tatakbo palayo ngayon?" Galit na sabi nya rito.

Hindi man sya nakatingin rito ay naramdaman nya ang pagka-tense nito. Una ay bumagal ang bawat paghakbang nito hanggang sa tuluyan na itong huminto. Nakatingin lang ito sa sahig. His gaze is hard.

"Ano na?" Sabi nya rito at lumapit pa dito. Hindi nya alam kung tama ba ang ginagawa nya, pero galit na galit sya rito para saktan na lang sya ng ganon.

"Wala kang masabi ngayon?" She hissed at him.

Sa wakas ay nakakuha sya ng reaksyon dito. He bitterly chuckled bago napailing. Diretso sya nitong tinignan. Matitigas ang tingin na ipinukol nito sa kanya.

"Kung mamalasin nga naman oh, una, nagkaroon ako ng soulmate. Pangalawa, napatalsik ako sa university na pinapasukan ko noon. Pangatlo, magiging kaklase pa kita sa isang subject." Balewalang sabi nito.

"Wow. Nakakahiya naman sayo. Pasensya na ha." Sarkastikong sagot nya rito.

"Pwede bang kumalma ka? Why are you getting so worked up over this? Soulmates are stupid. Wag kang magpapaniwala sa mga sinasabi nila sayo patungkol sa mga walang kwentang soulmates na yan. Kailangan mong malaman ang pagkakaiba ng reyalidad at pantasya." Sabi nito sa kanya.

That hit her right in the heart. Hard. Gusto nyang sabihin rito kung bakit napaka big deal non sa kanya. Kung gano katagal syang naghintay para lang makilala ang soulmate nya, para lang saktan at iwan. Kung panong nade-depress na sya. Kung panong minsan sobra na ang physical pain na nararamdaman nya. Lahat ng yon ay dahil lang ayaw nito ng soulmate. Ayaw nito sa kanya.

Galit na napatingin sya rito. If looks could kill, malamang ay kanina pa ito nakabaon sa lupa. Napansin nyang nag-iwas ito ng tingin sa kanya.

"Well, itong babaeng sinabihan mo ng hindi alam ang reyalidad sa pantasya ay soulmate mo. Sa ayaw at gusto mo, tayo ang kalahati ng bawat isa. Hindi lang ako ang apektado. Ikaw din! Hindi ka naniniwala sa soulmate? Bakit? Are you not seeing a glimpse of me?" Galit na sabi nya rito. Nanatili itong tahimik. Hindi ito nakasagot sa tanong nya.

"See? Nakikita mo ang mga alaala ko. Tapos sasabihin mong hindi totoo ang soulmate? The problem is you. Wala sakin, wala sa soulmates. Ikaw ang problema. Kayo ng mga kapwa mo Anti na makikitid ang utak." Singhal nya rito. She can't help it. Hindi nito alam ang mga pinagdaanan nya nung ni-reject sya nito. Hindi nya dapat iyon naranasan, pero dahil duwag at makitid ang pang-unawa ng lalaking kaharap nya, nasaktan sya. Nakakainis lang, dahil sa kabila ng inis at galit na nararamdaman nya rito, hindi nya maiwasang isipin na para pa rin sila sa isa't-isa. That they should work things out. Na baka pwede pa silang magsimula muli.

Napatingin sya rito ng magsalita ito. Nakatingin ito sa malayo. Iniiwasan nitong mapatingin sa kanya. She heard the seriousness in his voice.

"I'm doing you a favor. Mas makabubuti yon para sayo. Ang wala ako sa buhay mo."



-----

A Glimpse Of You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon