Chapter 25

307 74 4
                                    


It's been a week since nung nagpakita sa kanila ang grupo nila Jap. After nun, hindi na nagparamdam pa ito. Bryle told her na hindi na manggugulo pa ang mga ito.

They are hoping na mananahimik na lang rin ang Dad ni Bryle, pero hindi iyon nangyari. Tuloy ang hearing. The problem is, wala pa rin silang matibay na ebidensya. Sinubukan nilang kausapin ang mga kapit-bahay, walang gustong tumestigo sa mga ito. Mga natatakot ito.

Napag-alaman din nya na ang magta-taho doon ay tauhan din ng Dad ni Bryle. Binabayaran ito para bantayan sila Bryle. Para malaman ang mga kilos nito. Napahamak si Bryle nung nagpunta sya don noon. Sisiguruhin nyang makukulong din ang magta-taho na iyon.

"Mikaela, ano ba yang phone mo! Kanina pa yan." Pagpukaw ni Bryle sa atensyon nya. Kumalas sya sa pagkakayakap dito. Nasa sala lang sila at nanunuod ng movie. Medyo magaling na rin ang mga sugat ni Bryle.

Inabot nya ang phone nya at tinignan kung sinong tumatawag. Napangiti sya ng makitang si Jane iyon. Plano nya na rin kasing imbitahin itong mag-sleepover sa kanila. Sinagot nya ang call.

"Hello?" Sabi nya rito. Walang sumagot sa kabilang linya.

"Jane?" Sabi nya ulit dito. Papatayin nya na sana ang call ng may magsalita sa kabilang linya. Nanlamig ang buong katawan nya.

"Miss Mikaela Jimenez." Sabi ng nasa kabilang linya. Tila nagbuhol-buhol ang mga bituka nya. Umurong ang dila nya. Napansin siguro iyon ni Bryle dahil agad itong lumapit sa kanya at kinuha nito ang phone sa kamay nya. Inilagay nito sa loudspeaker ang phone. Naramdaman nyang ikinulong sya nito sa mga bisig nito.

"Miss Jimenez." Banggit ulit nito.

"Dad." Malamig na sabi ni Bryle. Narinig nila ang mahinang tawa sa kabilang linya. Sinenyasan ni Bryle ang security team na kasama nila. Hindi nya na napapansin ang nangyayari. Ang alam nya lang ay tumawag ang Dad ni Bryle gamit ang phone ni Jane. Gusto nyang masuka.

"Buti naman at nandyan ka lang. Ipapatawag lang sana kita kay Miss Jimenez." Masiglang sabi nito. Inakbayan sya ni Bryle ng maramdaman nito ang pangangatog nya.

"Dad, bakit gamit mo ang phone ni Jane?" Maingat na tanong ni Bryle. Tumawa ito ng malakas.

"Cellphone nya kasi ang malapit. Nasa taas pa ang cellphone ko. Gusto nyo syang makausap?" Tanong nito. Narinig nila na parang may pinuntahan ito. "Talk. Kausap ko ang bestfriend mo."

At dun nya narinig ang pag-iyak ni Jane. Halatang may nakasapak sa bibig nito. Mga ilang sandali pa ay narinig na nila ang boses nito.

"Help me! Help me! Help... Hmmm." Natigil bigla ang pagsigaw nito.

"Pasensya na. Tinakpan ko lang ang bibig nya." Sabi nito. "Umuwi ka satin, Bryle. Or masasaktan ang bestfriend ng soulmate mo."

Ayun lang at natapos na ang call. Tumingin sa kanya si Bryle. Silently asking her what to do. Hindi din nya alam. Ayaw nyang mawala si Bryle, pero ayaw din nyang mapahamak ang bestfriend nya. The security team is silently working in the corner.

Hindi sya makatingin ng diretso kay Bryle. Palagi nyang sinasabi rito na ayaw nyang mag-sakripisyo ito, pero ayaw nyang masaktan si Jane. Hindi nya alam ang gagawin nya. She can lose one of them, at ayaw nya non. Dahan-dahang pumatak ang luha nya. Naramdaman nyang niyakap sya ng mahigpit ni Bryle. She hugged him back.

"Ssshh. Tahan na. Ako na ang bahala." Bulong nito sa kanya. Mas lalo syang naiyak. He'll sacrifice himself again. Palagi na lang itong nagsasakripisyo para sa iba.





A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now