Chapter 7

333 81 13
                                    


Ang mga sumunod na linggo ay masasabi nyang weird. Nakakapanibago. Hindi na sila nag-iiwasan ni Bryle na tila sila may mga nakakahawang sakit. Talagang sinusubukan nilang maging magkaibigan. Madalas ay nagkakasagutan pa rin sila, kaya minsan ay gusto nya na lang na sakalin ito. Mas madaling magalit dito, kesa maging mabait.


Kaya ng tapos na ang klase at mapansin nyang palapit ito sa kanya, nasurpresa talaga sya. Mukha itong pagod na pagod. Medyo malalim na rin ang eyebags nito. Parang makakatulog na ito anytime.


"Nasan na yung anino mo?" Tanong nito ng tuluyan itong makalapit sa kanya.


"Birthday nya ngayon. She's celebrating with her family." Sagot nya rito at maayos na inilagay ang mga gamit nya sa bag nya.


"Oh. Ganun ba? Pakisabi na lang happy birthday." Casual na sabi nito. Tinaasan nya ito ng kilay.


"Ba't hindi na lang ikaw ang magsabi sa kanya? Tutal mukhang sobrang close na kayo." She can't hide the bitterness in her voice. Kunot ang noo na napatingin ito sa kanya.


"Bakit ka ba nagagalit sakin?" Tanong nito sa kanya.


"Hindi ako nagagalit sayo. Bukas mo na sya batiin, may hahanapin sya maghapon." Sagot nya rito at naglakad palabas ng room. Naglakad ito sa tabi nya.


"Anong hahanapin nya?" Narinig nyang tanong nito.


"Soulmate nya." Simpleng sagot nya.


"Bakit ba gustong-gusto nyong makita ang soulmate nyo?" Balewalang sabi nito. Napahinto sya sa paglalakad at galit na hinarap ito.


"Bakit hindi? Hindi lahat ng tao malas sa soulmate nila. Tulad ko. Ewan ko kung anong problema mo, Bryle, but stop this." Galit na sabi nya rito.


"Ikaw ang tumigil. Nagtatanong lang naman ako. Ikaw tong hindi matigil sa sama ng loob mo sakin!" Sagot nito.


"Nagpapatawa ka ba? Hindi mo kasi alam ang pinagdaanan ko--" Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil nagsalita agad ito.


"Hindi mo ba ma-gets? Pinagdaanan ko din ang pinagdaanan mo! Nararamdaman ko rin yung bigat sa dibdib ko. Madali din akong nagkakasakit. Minsan sobra na rin ang depression na nararamdaman ko!" Sagot nito.


"Then why are you so against us? Bakit hindi ka naniniwala sa soulmates? Why are you fighting against fate? Why do you think that love is not real?" Desperadang tanong nya rito.


"Totoo ang soulmates. Alam ko yun. Glimpses are real. Alam ko din yon. But love isn't! Itong mga sinasabi nila tungkol sa soulmates, na aalagaan ka nila. Sasamahan ka nila. Na palagi lang silang nandyan. Na magiging totoo sila sayo. Hindi yun totoo. Masasaktan lang lahat ng naniniwala sa pangako ng pag-ibig na dala kunwari ng soulmate na yan." She heard the sadness in his voice. She's shock. Ibinuka nya ang bibig nya at isinara ulit ito. She can't find the right words to say. Finally, paglipas ng ilang sandali ay nag-function na ng maayos ang utak nya.


"Bryle, hindi ka pwedeng mabuhay ng palagi mong iniisip na balang-araw ay masasaktan ka lang. Pano naman ang mga taong willing mag take ng risk para sayo? Hindi ka man masaktan, hindi ka rin magiging masaya." Malungkot na sabi nya rito. Gusto nya itong lapitan at yakapin. Nakita nya ang confliction sa mukha nito bago ito marahas na napailing. As if to clear his head.


"Love is a lie." She heard him mutter.



-----




Tatlong araw ang lumipas bago nawala ng tuluyan ang awkwardness sa pagitan nila ni Bryle matapos ang usapan na iyon. Nasa canteen sila. Katabi nya si Jane, at nasa harapan naman nila si Bryle.


"Best, tatlong araw na hindi pa rin kami nagkikita ng soulmate ko." Sabi ni Jane sa kanya. Muntik nyang matadyakan si Bryle sa mukha ng makita ang pag-ikot nito ng mata.


"Ano ka ba, Jane. Tatlong araw pa lang ang lumilipas. Minsan naman talaga ay matagal bago magkita ang soulmate, di ba." Sabi nya rito. Nakangusong nakapangalumbaba ito.


"Eh bakit kayo naman ni Bryle? Nagkita naman kaagad kayo." Sagot nito. Sabay silang napatingin kay Bryle ng marinig ang malakas na pag-ubo nito. Nabilaukan ang loko sa sinabi ng bestfriend nya.


"Sana nga hindi na lang kami nagkita." Hindi nag-iisip na sagot nya. Nakita nya ang panlalaki ng mata ni Jane sa kanya. Huli na ng ma-realize nya ang sinabi nya. Mabilis na napatingin sya kay Bryle. Nakatingin ito ng masama sa sahig. Napatingin ulit sya kay Jane ng sipain nito ang paa nya sa ilalim ng mesa. Tinignan nya ito ng masama.


Hindi sya magi-guilty. Hindi ba si Bryle naman ang may ayaw na maging soulmate sila in the first place? Nagawa nga sya nitong i-reject ng basta-basta na lang.


"So... May lakad ba kayo today?" Jane asked to break the tension. Gusto nyang matawa sa sinabi nito. But atleast it worked.


"Wala naman." Sagot nya rito. Humarap ang bestfriend nya kay Bryle.


"Eh ikaw, Bryle?" Tanong nito. Napaangat ang kilay nya. Ano na naman bang nasa isip ng bestfriend nya?


"Meron. At kailangan bago mag-seven nasa bahay na ko." Simpleng sagot nito.


"May curfew ka kalalaki mong tao?" Di-makapaniwalang sabi ni Jane. Nagkibit-balikat lang ito.


"Wow. Mas strict pa ang parents mo kesa sa parents ko ah. Magpalit na nga lang tayo ng magulang." Sabi ni Jane dito. Napangiti sya sa sinabi ni Jane.


"How do your parents met, Bryle?" Conversational na tanong nya rito.


"Shut up!" Inis na sabi nito. Nagulat sya sa biglaang galit nito.


"Kumalma ka nga! Ano bang problema mo?!" Inis na sabi nya rito. Hinawakan ni Jane ang braso nya.


"Wala ka ng pakelam don. Itong friendship deal na to, wala sa usapan natin na mag-imbestiga ka sa buhay ko." Nagngingitngit na sabi nito.


"Fine. You don't have to tell me anything. Calm down." Di-makapaniwalang sabi nya rito.


"Then stop asking me questions about my personal life!" Ganti nito. Naramdaman nya ang kamay ni Jane sa braso nya. Pinapakalma sya nito. But it's not working.


"Okay fine! Hindi mo kailangang mag-tantrums na parang bata!" Sagot nya rito.


"Ako pa ngayon? Ikaw nga tong panay ang reklamo tungkol sa mga pinagdaanan mo!" Singhal nito sa kanya. Nag-init ang ulo nya.


"Sinabi mo sakin na pinagdaanan mo din ang pinagdaanan ko, remember?" Sagot nya rito.


"Oo nga. Pero may narinig ka bang reklamo mula sakin? Hiningi ko ba ang simpatya mo?" Sabi nito sa kanya. Muntik nya na itong masuntok kung di lang sya nahawakan ni Jane.


"Kahit kailan hindi ko hiningi ang simpatya mo! Feeling mo kung sino ka na dahil hindi ka naniniwala sa soulmate? Sa tadhana? Ang pathetic mo! Ikaw at ang mga kapwa mong Anti! Feeling mo ang cool nyo? Fighting against fate, huh? Nakakaawa kayo!" Mapaklang sabi nya rito.


"Ikaw at ang mga katulad mo ang pathetic. Nagkaka-ganyan ka dahil hindi na magkakaroon ng happily ever after ang fairytale mo. Because love is a lie." Nakangising sabi nito. Hindi nya na napigilan ang sarili nya. She slapped him. Hard. Sandaling natulala ito at tumingin ng diretso sa kanya.


"I hate you. I hate you so much!" Sabi nya rito at nagmamadaling umalis doon. Naramdaman nyang nakasunod si Jane sa kanya.


"Mikaela, wait." Pagpigil nito sa kanya. Huminto sya pero hindi sya nagsalita. She doesn't need to.


"Gusto mo bang ihatid na kita? Baka hindi ka makapag-drive ng maayos? Nangangatog ka." Sabi nito. Napatingin sya sa kamay nya. Nangangatog nga iyon. Huminga sya ng malalim at pilit na nginitian ito.


"Okay lang ako. Ite-text na lang kita pag-uwi ko." Sabi nya rito at nagmamadaling tinungo ang kotse nya.


She hates that she can't really hate him.



-----

A Glimpse Of You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon