Chapter 16

306 76 10
                                    


"I miss you, bestfriend!" Salubong sa kanya ni Jane. Niyakap sya nito ng mahigpit. Napaka-O.A talaga nito kahit kailan.

"Jane, hindi ako makahinga!" Sita nya rito. Natatawang binitiwan na sya nito.

"Ikaw ha, hindi ka nagre-reply masyado sa mga text ko this past few days." Akusa nito sa kanya. Inikutan nya ito ng mata at naglakad papunta sa room nila. She can't keep the smile off her face.

"Nagre-reply kaya ko." Sagot nya rito.

"Eh bakit ang saya mo? Anong ibig sabihin ng mga ngiting yan?" Pag-uusisa nito. Mas lalong lumaki ang ngiti nya ng makita si Bryle na naghihintay sa tapat ng room nila. Hindi nya ito kaklase sa subject na iyon, pero simula nung maging official na sila, palagi sya nitong pinupuntahan.

"Bestfriend, si Bryle ba yon?" Tanong ni Jane. Napangiti sya.

"Yeah." Sagot nya rito at nagmamadaling lumapit dito. Napatingin agad ito sa kanya. Nakita nya ang pagsilay ng maliit na ngiti sa mukha nito. Yumakap sya agad dito ng tuluyang makalapit. Niyakap din sya nito.

"Hi." Nakangiting sabi nya rito. Yumuko ito para halikan sya. Sinalubong nya ang labi nito.

"Hello." Nakangiting sabi nito. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito at hinalikan ito ulit. She can't get enough of him. Nagulat sya sa malakas na pagtili ng bestfriend nya.

"Oh my God! Totoo ba tong nakikita ko? Hindi ba to isang panaginip? Isang linggo lang akong nawala pinagtaksilan mo na agad ako Bryle!" Kinikilig na sabi nito. Natawa sya sa reaksyon ni Bryle. He still wasn't used of the attention. Nginitian nya na lang si Jane bilang sagot.

"I can't believe it! Praise the Lord! Totoong may Diyos! Totoo ang himala! Totoong nakikinig sya sa mga panalangin!" Eksaheradang sabi nito. Narinig nya ang mahinang tawa ni Bryle.

Who would have thought that being together with Bryle would bring Jane closer to God? Kasi hindi sumagi sa isip nya yon.

"You're so embarassing, Jane. Tumigil ka na nga." Sita nya rito. Tumawa lang ng malakas si Jane.

"Marami kang utang na kwento sakin ha. Dali-dalian mo na ang pagbabayad. May pahalik-halik pa kayo." Biro nito sa kanya. Inikutan nya na lang ito ng mata, though hindi pa rin mawala ang ngiti nya.

"I'll go ahead. May klase pa ko. I'll see you later. At wag kang magso-solo kasama nung clown na yon." Bilin nito sa kanya. Natawa sya sa sinabi nito. Nagmistula kasing class clown si Noel. Sobrang kulit at hyper nito. Minsan nga ay naiinis na si Bryle sa sobrang ingay nito. Lalo na pag lumalapit ito sa kanya.

"Opo. Sige na, baka ma-late ka pa." Sabi nya rito. Dumukwang ulit ito para halikan sya bago tinanguan si Jane at umalis. Narinig nya ang tili ni Jane ng mawala na si Bryle sa paningin nila.

"Grabe, bestfriend! I'm so happy for you! Kinikilig ako." Tili nito.

"I'm happy for me too." Nakangiting sagot nya rito. Pumasok na sila ni Jane sa room nila at umupo sa upuan nila.

"Alam na ba nila Tito at Tita to?" Tanong nito sa kanya. Nakangiting humarap sya dito.

"Yes. Masaya sila para sakin. Family night namin mamaya di ba? Pupunta si Bryle at Hannah." Nakangiting sabi nya rito. Tumango-tango ito sa kanya.

"What about his parents? Pinakilala ka na ba nya sa magulang nya?" Tanong nito. Nangalumbaba sya.

"Nope. Hindi nya alam kung nasan ang Mom nya. Busy naman daw palagi ang Dad nya." Sagot nya rito.

A Glimpse Of You (completed)Where stories live. Discover now