Chapter 13

312 75 11
                                    



Nagising sya sa ring ng cellphone nya. Una ay hindi nya iyon pinapansin, pero ng hindi ito tumigil sa pagtunog ay naiinis na sinagot nya ang tawag.


"Ano ba?!" Singhal nya sa tao sa kabilang linya. She's a morning person actually, kaya lang ay masama ang timpla nya dahil sa nangyari sa kanila ni Bryle kagabi. Hindi rin sya nakatulog ng maayos. Narinig nya ang tawa ng tao sa kabilang linya.


"Wow. Goodmorning din sayo, bestfriend." Naririnig pa nya ang pagbungisngis nito. Napatingin sya sa wall clock nya at napaungol. It's only Five in the morning. Mapapatay nya talaga ang babaeng yon.


"Ang aga-aga nang-iistorbo ka. Natutulog pa ko!" Inis na sabi nya rito. Natawa ulit si Jane.


"Well, I just want to inform you na hindi kita madadaanan pasabay sa University this week. Uuwi kami sa Baguio. Biglaang decision din nila kagabi." Sabi nito sa kanya. Napaungol na naman sya. Hindi pa rin kasi naaayos ang kotse nya.


"Why so sudden? How about your classes? One week kang mawawala." Sabi nya rito.


"Nag-email na ko sa nga profs kagabi pa lang. I told them na family emergency. Si lola kasi, medyo mahina na daw. Pinapatawag na kami." Sabi ni Jane sa kanya. Napabuntong-hininga sya.


"Sorry to hear that. Mag-iingat ka okay. Don't forget to text or call me." Bilin nya rito.


"Syempre naman. O sya, matulog ka na ulit. Baka naistorbo kita sa panaginip mo. If I know napanaginipan mo yung gwapo na nakikitulog ngayon dyan sa bahay nyo." Natatawang sabi nito.


"Shut up!" Narinig nya ang tawa nito bago nya tuluyang tapusin ang tawag. Kung alam lang ni Jane ang nangyari kagabi, siguradong hindi sya aasarin nito. Umayos ulit sya ng pagkakahiga at pumikit. She needs to sleep. May 9 am class pa sya.



-----



Naabutan nyang tahimik na nag-aalmusal ang magulang nya. Nandun pa rin sila Bryle at Hannah. Nakaayos na sya. May time pa sya para mag-breakfast.


Umupo sya sa bakanteng upuan sa harap ni Bryle at kumuha ng pagkain nya. Napansin nyang nakatingin sa kanya si Hannah. Nginitian nya ito. Humagikhik lang ito bago nagpatuloy sa pagkain.


"Pa, hindi ako masusundo ni Jane buong linggo. Umuwi silang baguio. Magco-commute po ako." Pag-imporma nya sa Papa nya. Napatingin ito sa suot nitong wristwatch at humigop ng kape.


"Maaga pa. Pwede pa kitang ihatid." Sagot nito sa kanya at hinarap si Bryle. "Ikaw Hijo? Sumabay ka na rin samin."


"Uuwi po ako. Hindi muna ko papasok. Wala pong kasama si Hannah." Sagot nito.


"Iwan mo muna sya dito. Day-off ko naman ngayon." Nakangiting sabi ng Mama nya.


"Hindi na po. Nakakahiya na." Sagot ni Bryle. Nakanguso na kumapit si Hannah sa braso ni Bryle.


"Please Kuya. Dito na lang muna ko. Gusto ko po dito." Malambing na sabi nito. Napakamot sa batok si Bryle at napatingin sa kanya. As if tinatanong sya kung ayos lang ba.


"Yeah. I think that's a good idea. Matagal na rin nami-miss ni Mama na magka-bata dito sa bahay." Nakangiting sabi nya at kinindatan si Hannah. Ngumiti ang bata sa kanya. Napabuntong-hininga si Bryle bago seryosong tinignan ang kapatid.


"Okay, Hannah. Makikinig ka ha. Wag kang makulit." Sabi nito. Mabilis na tumango ang bata.


"Promise, Kuya. Behave lang po ako." Sagot nito.


A Glimpse Of You (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang