SGTBM 2: Seatmates

57.5K 1.3K 92
                                    

SGTBM 2: Seatmates

Thea

          "Eh? May bago tayong classmate?!" gulat na sabi ko.

          "Hindi sya bago. Ngayon lang sya ulit papasok. Bago na hindi na bago, ganoon! Tsk! Ibang klase talaga ang taong yun! Papasok lang pag trip nya! Ano sya? Presidente ng school?" sabi ni Nicole—friend ko.

          "Eh teka sino ba 'tong sinasabi—"

          "Class! Quite!!!" sigaw ni Ma'am sa amin saka kami nagsibalikan sa mga upuan namin.

          Ano ba yan! Aga-aga naninigaw agad sya ng mga estudyante nya. Tsk! =______=

          Nasa may pinakataas ako nakaupo. Pahagdan kasi yung upuan dito sa school namin hindi gaya ng sa ibang school na may armchair pa! Ano yun? High school lang?!

          Anyway, welcome nga pala sa Xavier Academy and I am Thea Romero. 17 years old. 3rd year Basic Education student.

          "Ayan na sya..." mahinang sabi ni Nicole na nasa kabilang side.

          Napatingin ako ng wala sa oras sa may harapan at nakita ko sya. Yung sinasabi nila na bago pero hindi bago (ang gulo nila) na estudyante.

          "Anong ginagawa nyan dito?"

          "Bakit napasok pa yan?"

          "Na kick out na yan di ba?"

          "Bakit nandito na naman sya?"

          "Gulo na naman dala nyang panigurado!"dinig kong mga bulong-bulungan ng mga classmate ko.

          "Mr. Grey pumasok ka pa?" inis na sabi ni Ma'am Cruz sabay pinagkrus yung mga braso nito sa tapat ng dibdib nya. "Aba! Baka balak mo naman kaming kumustahin kung okay lang ba kami at kung may mga nagawa ba kami habang wala ka?"

          Pero hindi sya pinansin nung bagong dating. Seryoso lang yung mukha nya saka dere-derechong umakyat papunta sa amin.

          "MR. GREY COME BACK HERE!!!" at nagwawala na po si Ma'am sa harap.

          Napapailing na lang ako. Kawawang Ma'am.

          "What are you doing here?"

          Nagulat ako nang bigla akong makaramdam ng kakaibang lamig sa nagsalita. At sa pag-angat ng ulo ko, nakita ko sya! Yung bago na hindi na bagong classmate namin.

          Ang tangkad nya pala! *U*

          "Move." sabi nya. Lalim ng boses nya! Kakatakot!

          Magteteacher ba talaga 'to? =_____=?

          "Are you deaf?" nakita kong medyo naiirita na sya.

          Ay oo nga pala! Hindi pa ako nagpapakilala. Teka. Dito ba sya uupo sa tabi ko? Sabagay, abandunado na nga pala yung upuan dito sa tabi ko.

          "Ay hello! Ako nga pala si—"

          "I don't care." sabi nya saka inis na tinabig yung kamay ko na nakalahad sa harapan nya.

          At saka sya padabog na naupo sa tabi ko saka nya pinatong yung dalawang paa nya sa may mesa.

          Ang bastos pala nitong isang 'to eh! +______+"

She's Got to be MineWhere stories live. Discover now