SGTBM 16: Love

32.5K 892 42
                                    

A/N: Hindi ko 'to in-edit. Bahala na si typo. Pakiintindi na lang. LOL. Comment kayo ah? Thank you! Happy reading!

Kinikilig ako sa THEALIX ay! WAAAAAAAAAA! THEALIX FOREVER! ♥♥

SGTBM 16: Love

Thea's P.O.V

          "Grabe yung Zain ano? Ang gwapo!"

          "Oo nga eh! May girlfriend na kaya sya?"

          "Naku! Sana wala! Kawawa na naman tayo kapag may girlfriend na yan!"

          "Kaya nga! Kailangan na nating magpacute ng bongga para mapansin nya tayo!"

          Yan yung mga bulong-bulungan ng mga babae na kasama ko dito sa loob ng C.R. At sa pagkakatanda ko, sila din yung mga babae na kasama sa dating fans club ni Gre—Calix pala.

          Grabe ang mga babaeng 'to! Walang loyalty kay Calix! Nawala lang sya tapos may bagong dumating na gwapo nakalimutan na din nila agad si Calix?! Grabe sila!

          Inis kong sinuklay yung buhok ko. Kailangan ko ng makaalis dito. Baka kasi masugod ko pa 'tong mga babae na 'to na di marunong maging "loyal" sa idol nila. Psh!

          'Teka nga Thea! Bakit ba masyado kang affected sa nangyayari ah?' sabi ng isang bahagi ng isip ko.

          Eh paano ba naman, naawa ako para kay Calix. May bago lang dumating tapos nakalimutan na agad sya ng mga tao dito.

          So ano yun? Taken for granted lang yung presensya ni Calix dito?! Na kaya lang sya sikat kasi  gwapo sya ganoon?!

          Parang nung nakaraan lang ang lungkot nila nung umalis sa Calix sa school. Tapos ngayon bigla na naman silang nabuhayan ng dugo dahil sa Zain Vanguard Lee na yun?!

          'Tsk!'

          Isa pa yung Zain Lee na yun! Masyadong pasikat!

[Flashback]

          "KYAAAAAAAA!"

          "Oy ano yun?!"

          "May rambol?!"

          "Nasaan yung hubad?!"

          Inatake na naman ng kabaliwan nila yung tatlo kong kaibigan na sila Sheena, Ely at Nicole.

          Sabay-sabay nilang tinakbo yung mga babaeng nagkakagulo sa labas ng gym.

          Papunta na kami doon para sa P.E. subject namin ng magulat kami sa malakas na tilian ng mga babae na nagkumpulan sa labas ng entrance ng gym.

          May pakiramdam ako at may nagsasabi sa utak ko na wag na akong tumuloy doon sa gym kung ayaw kong mabasag yung ear drums ko kaya lang hindi yun pwede kasi dun yung next subject namin.

          "Ano bang meron?" tanong ko sa sarili ko saka sinundan yung tatlo doon sa gym.

          Nung makalapit na ako, halos hindi na mahulugan ng karayom yung entrance ng gym dahil sa dami ng babae na nakatayo doon.

          "Thea! Dito!"

          Narinig ko yung boses ni Sheena sabay nakita ko sya sa may isang gilid na kumakaway sa akin.

She's Got to be MineWhere stories live. Discover now