SGTBM 17: Complicated Feeling

32.1K 880 54
                                    

A/N: Hindi ko ulit na-edit. Walang time! Hahaha! Pai-intindi na lang yung mga abnormal na typo at happy reading! Leave comments pagtapos ah? Salamat!

#THEALIXFOREVER

SGTBM 17: Complicated Feeling

Thea's P.O.V

          "So, you're saying that you've got into a fight because of me?"

          Ramdam ko na pinipigilan lang nyang matawa sa kiniwento ko. Kitang-kita naman dun sa mata nya na pinipigilan nyang tumawa eh!

          "Sige lang! Tumawa ka lang! Baka sisihin mo pa ako kapag hindi ka nakatawa!" inis na sabi ko saka umusog ng kaunti palayo sa kanya.

          Nandito pala kami sa isang children's playground ilang block ang layo sa bahay namin. Mga dalawa siguro. Nakaupo kami ngayon sa isang bench na tapat ng dalawang maliit na seesaw.

          Sabi nya mag-uusap daw muna kami bago ako tuluyang umuwi sa bahay at tinanong nya kung bakit daw ang gulo ng itsura ko. Tapos ako naman si di nag-iisip, nagkwento ng tungkol sa pakikipagsabunutan ko sa may C.R. dahil lang sa pinagtanggol ko sya.

          Tingnan mo 'tong tao na 'to! Imbes na magpasalamat sa akin tatawanan pa ako! Nakakainis!

          "Don't take it the other way around Thea..." sabi nya saka inakbay yung isang braso nya sa balikat ko at hinila ako pabalik sa tabi nya.

          "Pwede ba Grey! Bitawan mo nga ako!" inis na sabi ko saka tinaggal yung pagkaka-akbay ng braso nya sa akin.

          "So you're getting mad at me now?" he sounds amuse sa tono ng pananalita nya. "C'mon Thea! Stop giving me the cold shoulder now!"

          Just a while ago, everything seems so perfect. Him standing before me, the kiss, the look on his eyes after that and other stuffs. Tapos ngayon aasarin nya lang ako?! Ano sa tingin nya? Magiging mabait ako sa kanya?!

          Nasabi ko na wala ako sa mood na makipagbiruan sa kahit kanino ngayon dahil nasa bad mood ako at hindi exempted doon si Grey—I mean Calix pala.

          "Thea..."

          Inirapan ko sya ng tawagin nya yung pangalan ko. Naiinis pa din ako sa kanya.

          Kung kailan naman narealized ko na gusto ko na sya bigla nya akong aasarin?! Tsk!

          "You thought me this before..." sabi nya saka biglang hinawakan yung magkabilang pisngi ko at saka ako pwersahan na hinarap sa kanya. "That when someone's talk to you, you should face them like this. Am I correct Miss Thea Romero?"

          Ewan ko bakit bigla na lang uminit yung pakiramdam ko. Sobrang lapit na kasi ng mukha nya sa akin. Yung tipong halos magdikit na yung mga ilong namin sa sobrang lapit?

          Tapos yung paraan pa ng pagtitig nya sa akin, nakakatunaw. Na para bang hinuhubaran nya ako kahit hindi naman.

          Calix Ashton Grey. Bakit ba ang gwapo mo? Saan mo kinukuha yang sex appeal mo?

          "Sorry for teasing you like that." sabi nya after a few moments. "It's just, it sounds hilarious to me."

          Ayan na naman sya! Panira ng moment! Hindi pa nya alam na nasa "mood" yung atmosphere namin ngayon?!

          Iiwas sana ako ng tingin sa kanya kaya lang bigla syang nagsalita ulit.

          "But nonetheless, thank you for standing up for me."

She's Got to be MineWhere stories live. Discover now