SGTBM 14: Basket Ball Part 2

32.9K 863 60
                                    

SGTBM 14: Basket Ball Part 2

Zero's P.O.V

          "Report Agent Five."

          "Yes Sir..." he said then handed me a folder. "What is this?"

          "It's my report Sir about the whereabouts of Agent Six."

          I nod and him and start scanning the files he gave.

          "What the hell is this huh?!" I burst out and throw the folder in my desk causing for the paper inside to scatter on my table and on the floor. "Is this true?!"

          "Affirmative Sir."

          I kick the table out of my annoyance.

          This can't be happening. Calix is staying with a civilian?! And to a Romero?!

          "Agent Five." I call to him after I calm my nerves. "Go visit Agent Six and bring him back here!"

          "Yes Sir."

          We both nod to each other then he left.

          "You can't do this to me Calix Ashton Grey! You can't!"

Thea's P.O.V

          Nasa may bleachers na din ako kasama yung mga kaibigan ko na sila Nicole, Ely at Sheena.

          Laking pasalamat ko nga na pinayagan akong umalis sa loob ng court ni Jack kasi daw ang sabi nya, baka daw magkarumble mamaya sa loob ng court at madamay pa ako.

          Paano magkakarambol eh nagbabasketball lang naman sila?

          'Ah ewan! Mga lalaki nga naman!'

          At isa pa, mukhang nagtuwa sa akin si Jack at ang buong barkada nya dahil nasa side nila ako.

          Paano ba naman ako hindi kakampi sa kanila, natakot ako doon sa huling sinabi sa akin ni Grey ano!

          "Let's have a deal..."

          "H-Huh?!"

          "When I win, we'll go on a date."

          "HUH?!!!"

          "I'm serious..."

          Napailing ako ng maraming beses nang maalala ko na naman yung sinabi nya kanina. Pero sabi nga nila, yung ayaw mong kalimutan, iyon pa yung laging ipapaalala sa'yo.

          "And if that piece of bastard can't score, you will give me a kiss...on the lips."

          Napahawak ako ng wala sa oras sa labi ko sabay napatingin kay Grey.

          Nagulat ako nang makitang nakatingala sya sa amin at nakatingin din pala sa akin.

          Siguro naisip nya na naalala ko yung sinabi nya kanina kaya sya napangisi saka ibinalik yung mata nya doon kanila Jack at sa grupo nya.

          Mukhang confident na confident syang mananalo sya laban kanila Jack.

          'Huh! Nagyayabang lang yang si Grey! For sure di nya kaya yan! Ni wala nga syang sinalihang sports club sa amin eh! Saka, wala akong nababalitaan na naglalaro sya ng basketball noon!' sa isip ko.

She's Got to be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon