SGTBM 23: Truth and Gone

26.4K 656 46
                                    

SGTBM 23: Truth and Gone

Thea's P.O.V

          "What?! Isa kang assassin?!" malakas na sabi ko sabay napatayo.

          "You can tone down your voice if you want. If you haven't noticed it yet, this talk is too confidential to spill."

          Napatingin ako sa mga tao na nakatingin na sa table namin ni Calix dito sa pinasukan naming fast food restaurant sa may mall na malapit sa school.

          Ngumiti na lang ako sa mga tao. "Sorry po. Nagpapractice lang ako sa linya namin sa play namin sa school." sabi ko sa mga tao saka napayuko sa mga ito at humingi ulit ng sorry.

          Napatango-tango naman sa akin yung mga tao na mukhang naniwala sa palusot na sinabi ko. Nakahinga ako ng maluwag saka umupo ulit sa harapan ni Calix.

          "Play huh?" nangingiting sabi nya. "Not bad."

          Tinapunan ko lang sya ng masamang tingin saka napasandal sa malambot na upuan sa fast food na ito saka hinablot yung juice ko sa mesa at malakas na pinadinig kay Calix yung pagsipsip ko doon.

          Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako natutuwa sa pagtawa nya sa pagkapahiya ko sa harap ng madaming tao.

          "Alright! I got it! Just stop slurping. It's annoying."

          Malakas ko pang sinipsip yung juice ko ulit para mas asarin sya kaya lang naubo lang ako sa bandang huli.

          "Karma is really digital today." natatawang sabi ni Calix saka nya hinimas-himas yung likod ko para matigil ako sa pag-ubo ko.

          "Tatawa-tawa ka pa dyan!" inis kong tinabig yung kamay nya sa likod ko. "Akala ko ba seryosong usapan 'to?! Bakit ka tumatawa?!"

          "Because you're funny that's why I'm laughing." plain na sagot nya saka abot sa aking nung tissue para ipunas sa bibig ko.

          "Ito bang pinagsasabi mo sa akin ay totoo o jinojoke mo lang ako?" tanong ko matapos kong maayos yung sarili ko.

          "It's the truth. I am not joking."

          Sandali ko syang tinitigan mula sa gwapo nyang mukha hanggang doon sa white polo shirt nya na medyo nakabukas ang dalawang butones sa taas hanggang sa mahaba nyang binti na mukhang hindi komportable sa ilalim ng mesa namin.

          "Are you done with your body inspection?"

          Nakita ko yung ngisi sa labi nya saka ako pinamulahan ng mukha.

          'Nakakainis! Napansin pala nya!' sa isip ko.

          Inayos ko buhok ko saka umarte na parang walang nangyari.

          "So ibig mong sabihin, pinadala ng organization nyo si Lee para patayin ako ganoon ba?" mahinang sabi ko.

          Medyo malayo kami sa ibang costumer ng fast food restaurant na 'to. Pero hinihinaan pa rin naman yung boses namin kapag napupunta na sa mismong usapan namin yung usapan.

          "That's my conclusion." sabi nya saka inubos yung iniinom nyang tubig.

          Um-order sya ng madaming pagkain para sa amin pero tubig lang yung ginalaw nya sa lahat ng pagkain na nasa mesa.

          "Paano mo naman nasabi?" sabi ko habang ngumunguya ng fries.         

          Bigla syang natigilan. Pakiramdam ko may gusto syang sabihin sa akin pero hindi nya masabi-sabi.

She's Got to be MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora