SGTBM 24: The Real Target

26.5K 686 48
                                    

SGTBM 24: The Real Target

Thea's P.O.V

"You should take some sleep."

Mariin akong umiling saka mas napahigpit yung kapit sa kumot na nakalagay sa balikat ko na nilagay ni Calix kanina.

Narinig ko yung pagbuntong-hininga nya saka sya naupo sa tabi ko dito sa may sofa sa sala.

"You're brother will scold at me when I did not take good care of you."

Mapait akong napangiti saka ako naluha ulit nung marinig ko yung salitang "brother" sa kanya.

"Shh. Thea, don't cry for me please?" tila nahihirapang sabi nya sa akin saka nya pinahid yung mga luha sa mata ko.

Nilingon ko sya saka nag-angat ng tingin sa kanya. "Makikita ko pa ba si Kuya, Calix?"

"Of course. You will." pag-aalo nya sa akin.

Marahan na lang akong napayuko saka dahan-dahang isinandal yung ulo ko sa dibdib nya.

Inilagay naman nya yung isang kamay nya sa ulo saka iyon marahang hinaplos.

"We'll find him. I promise." sabi nya saka nya hinalikan yung ulo ko.

"Sana nga..." malungkot na sabi ko saka dahan-dahan kong pinikit yung mata ko.

Kahit na madalas kaming magtalo ni Kuya sa mga maliliit na bagay, kahit na madalas akong naiirita sa paghihigpit nya sa akin, mahal na mahal ko pa rin sya.

Si Kuya na yung nakalakihan kong magulang. Kuya ko na sya, magulang ko pa sya.

Bata pa lang ako, hindi ko na nakita yung mga magulang ko. Huling kita ko yata sa kanila ay nung 8 years old pa lang ako. Matapos noon, doon na sila tumira sa ibang bansa at iniwan kaming dalawa ni Kuya sa Pilipinas.

Nagkakausap kami ng mga magulang ko sa telepono na lang. Minsan nagkakachat din kami sa computer. Pero hanggang doon na lang. Sa computer screen at pictures ko na lang nakikita yung mga magulang ko.

Si Kuya yung laging nandyan sa tabi ko mula pa nung bata pa ako. Sya yung um-aattend sa parents-teacher meeting ko, sa may girl scout parent meeting at iba't-ibang uri ng event na dapat mga magulang ko yung pumupunta.

Buong buhay ko, si Kuya yung nag-alaga sa akin. Sobrang close talaga kami ni Kuya.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko sya inaway-away nitong mga nakaraang araw. Kung bakit ko hindi pinansin yung mga pagtawag nya sa akin kanina.

Siguro kung sinagot ko lang yun kanina, nakita ko pa sana si Kuya. Kung umuwi lang sana ako ng maaga, hindi sana sya nawala.

Kasalanan ni Calix ang lahat na ito! Kasalanan nya kung bakit nawawala ang Kuya ko!

Marahan akong napailing saka umalis mula sa pagkakasandal ko sa dibdib nya.

"Why? Is there something you need?"

Napatingin ako sa mukha nya ng ilang minuto.

Hindi sya nagtanong kung bakit ko sya tinitingnan. Hindi sya gumalaw. Hinayaan nya lang ako na titigan sya.

Matipid akong napangiti saka ko inangat yung kamay ko para hawakan yung pisngi nya.

"Salamat..." sabi ko. "Salamat kasi sinamahan mo ako ngayon. Salamat kasi nandito ka. Salamat kasi hindi mo ako iniwan hindi gaya nung ginawa ko kanina—"

She's Got to be MineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant