SGTBM 7: Questions

37.9K 1K 162
                                    

SGTBM 7: Questions

Thea

          "Kuya! Ano?! Okay lang ba sya?! Mamamatay na ba sya?!" sunod-sunod na tanong ko kay Kuya habang niyuyugyog ko yung balikat nya.

          "Pwede ba Thea?! Manahimik ka nga!" nairitang sabi ni Kuya sabay tabig sa kamay ko na nasa balikat nya. "Hindi ako makapagconcentrate sa'yo eh!"

          "Ayusin mo kasi trabaho mo! Bakit hindi pa sya nagigising?! Doktor ka ba talaga?!"

          "Sira!" sabi nya saka malakas akong binatukan dahilan para manahimik ako. "Veterinarian ako! Hindi doktor ng tao!"

          Dinilaan ko na lang sya saka napatingin kay Grey na nakahiga sa guess room namin.

          Dinala ko sya agad dito sa bahay ng madiskubre ko yung lagay nya. Agad ko syang pinacheck kay Kuya na isang doktor...ng hayop.

          Ganoon din yun! Doktor pa rin sya! Saka wala na akong ibang choice! Alangan namang dalhin ko sya sa ospital eh ang layo noon sa amin.

          "Arf! Arf!"

          Bigla akong nanigas nung may tumahol na naman na aso. At damang-dama ko, nakatayo na sya sa tabi ko.

          "K-Kuya...y-yung...a-aso..." kinakabahang sabi ko.

          "Hindi ka kakagatin nya. Trained dog sya." sagot ni Kuya saka may kinakalikot sa laman ng braso ni Grey. "Buti na lang talaga nakinig ako sa Anatomy class ko noon! Di ko akalaing magagamit ko yung dissection lesson namin dito."

          "Kuya! Wag mo syang patayin!" bigla akong napahawak doon sa kamay ni Kuya nang idiin nya lalo yung malaking parang tyani na iyon sa laman ni Grey.

          "Wag ka ngang magulo Thea! Ikaw ang papatay sa kanya eh!"

          "Eh?"

          "TUMAHIMIK KA!"

          Biglang umurong yung dila ko saka ako napatakip sa bibig ko nang sumigaw si Kuya. Pati yung aso sa tabi ko ay natahimik din.

          Napatingin na lang ako kay Grey. Nakita ko ang pagngiwi ng mukha nya sa ginagawa ni Kuya.

          Kapag namatay si Grey sa kamay ni Kuya, hindi ako aamin na kapatid ko sya. Mahirap na. Baka madawit ako sa kaso nya na pagmurder kay Grey.

          "Sh*t! Ang laking bala nito ah!" sabi ni Kuya habang unti-unting inaangat palabas yung bala na nakuha nito sa braso ni Grey.

          Napakagat-labi ako habang pinapanuod ko si Kuya sa pagtanggal nya ng bala sa braso ni Grey.

          'Saan nya nakuha iyon? Bakit sya may tama ng baril?' sa isip ko.

          Isang oras pa ang lumipas saka natapos si Kuya sa pagbenta at paggamot kay Grey.

          Medyo nagkakakulay na ulit ang mukha nya kaya nakahinga na ako ng maluwang.

          Hindi sya napatay ni Kuya. Good. Hindi sya makukulong sa salang murder.

          "Saan mo nakita 'to?" biglang tanong ni Kuya matapos nyang maitabi yung mga gamit nya. "Kilala mo ba sya?"

          "Classmate ko sya..." sabi ko saka inayos yung kumot hanggang sa dibdib ni Grey.

She's Got to be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon