SGTBM 19: New Neighbor

30.7K 821 62
                                    

SGTBM 19: New Neighbor

Thea's P.O.V

          "Totoo ba ang bali-balita na naririnig namin huh, Ms. Thea Romero?!"

          Pinalilibutan ako ngayon nila Nicole, Sheena at Ely. May hawak pa si Sheena na isang flashlight na nakatapat sa ulo ko.

          "Seriously? Ano na naman ba 'to?"

          Kakatapos lang ng last subject namin at nagsi-uwian na din yung mga kaklase namin.

          Pero heto ako ngayon, kasama ang tatlo kong baliw na kaibigan, sa classroom namin na may nakatapat na flashlight sa ulo ko.

          "Alisin mo na nga 'to Sheena!" sabi ko sabay turo sa flashlight sa ulo ko.

          "You have the right to remain still on your sit, Ms. Romero." sabi nya sabay mas itinapat pa sa ulo ko yung flashlight. "Pakisagot na lang po yung tinatanong ni Officer sa'yo Ma'am."

          Si Ely naman nasa isang sulok, may hawak na ballpen at notebook, at nagtitake down notes ng hindi ko alam kung ano.

          "Inatake na naman ba kayo ng kabaliwan nyo?" bagot na tanong ko saka isinandal yung likod ko sa upuan. "Para saan ba 'to?"

          "Totoo bang kayo na daw ni Calix?" tanong ulit ni Nicole sa akin.

          "HUH?!" biglang sabi ko sabay tayo.

          "Manatili lang po kayong nakaupo Ma'am!" sabi ni Nicole sabay tapat ng isang stapler sa mukha ko. "O papaputukin ko ang armas ko sa inyo?"

          Natawa na lang ako saka sumunod sa inuutos nila.

          Okay. Sasakyan ko na lang muna trip nila. Tutal wala pa naman akong balak umuwi dahil naiinis pa din ako kay Kuya Damon.

          "Saan nyo ba narinig yang tsimis na yan?"

          "Hindi iyon tsimis Ma'am..." sabat naman ni Ely sabay tumayo na din sa harapan ko. "According sa mga records, nakita daw kayo ng mga witness na kasama si Calix kaninang ala-siete ng umaga sa may tapat ng gate ng Xavier Academy."

          "Ang balita pa namin," si Sheena naman ang nagsalita. "Isinakay ka pa daw ni Calix sa motor nito at pinasuot sa'yo yung helmet nya. Ayon pa sa ilang witness, nakita daw nila kayong magkaholding hands habang kinakausap nyo si Zain Vanguard Lee."     

          "Umamin na po kayo, Miss Romero." si Nicole. "Ano ang relasyon nyo sa super gwapo, at sobrang hot nating ex-classmate na si Calix Ashton Grey?"

          "Yung laway po ninyo Miss Officer!" sabi ni Sheena sabay abot ng panyo kay Nicole.

          "Salamat Officer." sabi ni Nicole sabay pahid sa gilid ng bibig nya kahit wala naman talagang laway doon. "Naglalaway lang talaga ako sa mga sexy na kriminal."

          Tinawanan ko na lang ulit sila saka inalis yung kamay ni Sheena na may hawak na flashlight sa tapat ng ulo ko.

          "Nais ko lang pong ipaalam sa inyo mga Officer na walang katotohanan ang mga nakalap nyong impormasyon. Malinis po ang aking konsensya."

          "Eh bakit kayo magkasama ni Calix kanina?" sabi ni Ely.

          "Saka bakit ka nakasakay sa motor nya?" si Sheena.

          "At bakit kayo magkaholding hands huh?! HUH?!"

          Bumuntong-hininga muna ako saka kiniwento sa kanila ang lahat ng mga totoong nangyari kaninang umaga. Napapatango-tango naman sila habang pinapakinggan ako.

She's Got to be MineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin