SGTBM 8: Interrogation

39K 921 42
                                    

SGTBM 8: Interrogation

Thea's P.O.V

          "ANO?! Nasa bahay nyo ngayon nakatira si Grey?!" sabay-sabay na sabi ng tatlo.

          "Shhh! Ano ba?! Hinaan nyo nga ang boses nyo!" saway ko sa kanila.

          "Eh paano ba naman kasi, lumipas lang yung weekend tapos biglang may pasabog ka na ganito?!" sabi ni Sheena. "Aba! Sino ba namang hindi magugulat di ba?!"

          "And to think na isang uri ni Grey ang nakatira sa inyo ngayon, kagulat-gulat talaga iyon!" sabi naman ni Ely.

          "Anong uri ni Grey?" medyo nainis ako sa pagkakasabi ni Ely noon.

          Para namang pinapalabas nya na napakakasuklam-suklam  na tao ni Grey sa sinabi nya. Grabe 'tong mga tao na 'to! Napakajudgmental!

          "Alam mo yang mga gaya ni Grey..." singit naman ni Nicole. "Yan yung mga tipo na dapat iniiwasan kung ayaw mong mapasok sa gulo."

          "Paano mo naman nasabi?" kunot-noong tanong ko. Saka anong gulo?

          "Gwapo..." si Sheena.

          "Mukhang mayaman..." sabi naman ni Ely.

          "At higit sa lahat, may sexy na motor!" exaggerated na sabi ni Nicole. "Kaloka sya di ba?! Isama na rin natin yung pagiging sexy pa ng katawan nya. Nakaka-insecure sya!"

          At nagsimula ng magtawanan yung mga abnormal kong kaibigan.

          "Tsk! Akala ko pa naman against kayo kay Grey!" inis na sabi ko. Naloko nila ako doon ah!

          "Hindi naman sa ayaw namin sa kanya..." si Nicole ulit. "Ayaw namin sa snob nyang ugali. Yun!"

          "Pero when it comes to physical aspect..." si Ely. "Hmm! Tasty! Divine!" ginaya pa nya yung boses nung nasa sa Candy Crush sabay tawa.

          'Mga abnormal talaga...' sa isip ko.

          "Pero seriously," biglang sabi ni Sheena na pumutol sa pagtatawanan nila. "Bakit ba nasa bahay nyo si Grey huh?"

          Natigilan ako bigla sa tinanong nya.

          Sasabihin ko ba yung totoo? Na nakita ko si Grey na duguan at may tama ng bala sa braso nya? Tapos ano? Mag-iisip na naman sila ng kung ano-ano? Tapos ano? Kukwestyunin nila yung pagtulong ko?

          "Kaibigan sya ni Kuya..." biglang sabi ko. "Kaya doon muna sya sa amin..."

          "Ah..." sabay-sabay na sabi nung tatlo sabay napapatango-tango.

          Lihim akong nakahinga ng maluwag.

          'Pwew! Buti na lang naniwala sila agad...' sa isip ko.

          "Kung ganoon naman pala..." medyo nagulat ako nang biglang magsalita si Nicole. "Eh di magsleep over tayo sa inyo mamaya! Tutal holiday naman bukas di ba?"

          "ANO?!" gulat na gulat na sabi ko.

          "Good idea sister!" sabay na sabi ni Sheena at Ely saka sila nakipag-apiran kay Nicole.

          No. No way. Not them.

          Itong tatlong abnormal na 'to, pupunta sa bahay?

She's Got to be MineWhere stories live. Discover now