SGTBM 3: EHH?!!

48.6K 1.2K 64
                                    

SGTBM 3: EHH?!!

Thea

          "Grabe talaga yung lalaki na yun! Sinagot-sagot lang si Ma'am?! Imba!" sabi ni Nicole.

          "Sira! Tama din naman sya eh! Tama daw ba na sampalin sya ni Ma'am?" sabi naman ni Sheena.

          "Hindi naman sya nasampal eh! Muntik lang." pagtatama naman ni Ely. "Grabe! Nagawa nya yun sa pamamagitan lang ng titig? Astig!"

          "Hoy Thea!"

          Nagulat ako nang may biglang humampas sa braso ko. Napalingon ako ng wala sa oras kay Nicole.

          "Bakit?"

          "Anong bakit? Tulala ka na naman te!" sabi nya saka napa-cross arms. "Sabi na eh! Nabiktima ka din nya!"

          "Huh?"

          Sabay-sabay napailing yung mga kaibigan ko.

          "Teka! Ano bang meron? Anong nabikitma? Anong pinagsasabi nyo?"

          "Iba talaga karisma ni Grey..." sabi ni Sheena. "Kahit ganoon sya, ang daming babae pa din ang nagkakagusto sa kanya."

          "Gwapo naman kasi sya Sis!" sabi naman ni Ely. "Kahit ako, crush ko 'yon eh!"

          "WHAT?!" O.A. na sabi ni Nicole. "No way!"

          "T-Teaka nga!" putol ko sa kanilang tatlo. "Sino nga ulit may gusto kay Grey?"

          "Ikaw." sabay-sabay na sabi nung tatlo sabay turo pa sa akin.

          "WHAT?!" napagaya tuloy ako ng wala sa oras sa naging reaksyon ni Nicole kanina. "Hindi ah!"

          "Sus!" sabi ni Ely. "Ganyan din ako dati eh. Deny-deny mode pa. Pero kalaunan, umamin na din. Wala akong magagawa, gwapo talaga si Grey eh!"

          "Umamin ka na lang sis para matulungan ka namin kung saka-sakali mang—"

          "WALA AKONG GUSTO KAY GREY AT KAHIT KAILAN HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA KANYA!" malakas at inis na sabi ko.

          "Same here..."

          Lahat kami nagulat nang makarinig kami ng isang malalim na boses.

          At sa paglingon ko, nakita ko na si Grey na nakatayo sa may likuran ko.

          "Ah...eh...h-hello..." alanganing bati ko.

          Patay na! 

          "Tsk!" sabi nya saka ako hinawi at naupo sa tabi ko.

          Napangiwi silang tatlo nung ibalik ko yung tingin ko sa kanila. Lahat silang tatlo ay binigyan ako ng "Lagot ka!" look.

          Kakainis naman kasi 'tong mga 'to eh! Di man lang nila sinabi na nasa likuran na pala namin yung pinga-uusapan namin! 

          Nung tumunog na yung bell as a sign na start na ng afternoon class namin, nagsi-ayos na kami ng upo sa kani-kaniyang upuan saka nagfocus sa klase.

          Samantalang si Grey, ayun! Tulog na naman! Ano ba yan!

          Lihim akong napatingin sa kanya.

          Ngayon naman nakalagay sa mesa yung ulo nya habang naka-unan iyon sa mga braso nya.

          Nakaharap sya sa direksyon ko kaya kitang-kita ko mukha nya.

She's Got to be MineWhere stories live. Discover now