SGTBM 13: Basketball Part 1

32.4K 899 79
                                    

SGTBM 13: Basketball Part 1

 

 

Thea's P.O.V

 

 

          "Pasensya ka na talaga Miss kung nadamay ka pa dito. Si Calix lang talaga habol namin dito."

          "Ah?"

          "Wag kang mag-alala. Di ka namin sasaktan. Tuturuan lang namin ng leksyon yang mayabang na lalaking yan!"

          Nakatanga lang ako habang nakatingin sa mukha ni Kuya na basta na lang humila sa akin kanina.

          Kung hindi ako nagkakamali ng pagkakaintindi sa mga nangyayari ngayon, kinuha nila ako para makalapit kay Calix.

          Of all the people naman sa eskwelahan na 'to, bakit ako pa? Pwede namang yung isa sa myembro ng fans club ni Grey ah!

          "Bakit ako?" tanong ko kay Kuya.

          Nang matitigan ko sya ng mabuti, may itsura naman pala sya. Alisin nya lang siguro yung daan-daan—joke lang yan—na hikaw nya sa tenga magiging cute siguro sya.

          "Ako nga pala si Jack." sabi nya sabay abot ng kamay sa akin.

          "Huh?"

          "Sabi ko ako si Jack!" sabi nya sabay lapit pa sa mukha ko ng kamay nya.

          "Ano yan?"

          "Kamay."

          "Pilosopo ka?" inis na sabi ko.

          Tumawa na lang sya sabay kuha sa kamay ko at hinawakan iyon saka nya ako pwinersa na makipaghandshake sa kanya.

          "Sabi ko, ako si Jack at nagpapakilala ako sa'yo nun Miss!"

          "Ah ganoon naman pala..."

          Hindi naman mukhang harmless ang lalaking 'to. Well yung mga kasama nya oo, pero sya, mukhang okay naman. Bad boy ang itsura...mas mukhang fresh nga lang si Grey si kanya.

          "Ngiti naman dyan! Pampabwenas lang!"

          So ano na 'to? Close na kami ngayon? Umaarte na sya na parang magkaibigan kami ganoon?

          "Nasaan yung mga kaibigan ko?" tanong ko sa kanya. "Saka yung kamay ko nga please."

          Bigla naman nyang binitawan yung kamay ko saka naupo sa bench na nasa side ng grupo nya.

          'Bakit pa ba ako nandito?' sa isip ko.

          "Wag kang mag-alala. Matitino mga bata ko. Hinatid nila yung mga kaibigan mo sa may bleachers at sinabi yung mga sinabi ko din sa'yo ngayon." paliwanag nya sabay tingin sa taas. "Ayun sila o!"

          Napasunod ako ng tingin sa tinitingnan nya at doon ko nga nakita sila Ely, Sheena at Nicole. Mukha naman silang okay. Nag ok sign pa nga sa akin si Ely na parang sinasabi nya na tama yung mga pinagsasabi sa akin ng Jack na 'to.

          "Bakit mo ba ako kinuha huh?!" humarap ako sa kanya saka sya tinitigan ng masama. "Kung yung mga kaibigan ko nauto mo, pwes ako hindi! Ano bang kailangan nyo sa akin at kay Grey huh?"

She's Got to be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon