SGTBM 25: The Beginning

54.5K 1.1K 224
                                    

SGTBM 25: The Beginning

Damon's P.O.V

          Sunod-sunod na putukan yung naririnig ko sa labas ng kwartong salamin na kinalalagyan ko.

          Nawalan na ng silbi ang pagiging sound proof ng lugar ko dahil sa malalakas na palitan ng putukan ng mga baril sa labas.

          Sinubukan ko ulit alisin yung posas na nasa kamay ko. Ito na ang tamang oras para tumakas dahil wala na sa akin yung atensyon ni Papa at nung Agent Five na yun.

          Ni minsan kahit sa panaginip ko, hindi ko naisip na yung taong gustong pumatay sa kapatid kong si Thea ay yung Papa pa namin. Na yung taong nagngangalang Zero na yun ay yung sariling magulang pa namin.

          Hindi ko alam kung bakit gustong patayin ni Papa si Thea. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan nyang makuha si Thea. Ginamit pa nya ako para makuha nya lang si Thea.

          Hindi ba sya nag-iisip? Na kung gusto nya talaga makuha si Thea, di sana pumunta na lang sya derecho sa bahay saka kinuha si Thea.

          Pero, nagpapasalamat na din ako na hindi naisip ni Papa ang paraan na yun.

          'O di kaya alam nya na hindi ganoon kadali yung pagkuha kay Thea sa bahay?'

          Nahinto ako sa ginagawa kong paghila sa kamay ko mula doon sa may posas.

          Posible nga kaya iyon? Na natatakot si Papa na basta-basta na lang lumapit kay Thea dahil hindi ganoon kadali iyon?

          'Hindi kaya dahil iyon kay palamunin?' sa isip ko.

          Natigilan na naman ako sa naisip ko.

          Posible. Posible na kaya hindi makalapit si Papa kay Thea kasi nasa malapit lang yung Calix na yun. Na maaaring malaman nung lalaki na yun yung totoo nilang plano oras na lumapit na lang sya agad kay Thea.

          'O di kaya may pinagtatakpan pang ibang bagay si Papa hindi lang kay Thea kundi pati na din kay palamunin?'

          Iniling ko yung ulo ko sa mga naiisip kong posibleng sagot sa mga nangyayari ngayon.

          Hindi ito ang tamang oras para manahimik ako at maupo na lang sa salaming kwarto na 'to.

          Kailangan kong makalabas at mahanap si Thea! Kailangan ko syang mailayo kay Papa!

          Sinubukan ko ulit hilain yung mga kamay ko pero wala pa ding nangyayari. Masyadong mahigpit yung pagkakaposas nila sa kamay ko sa likuran ko kaya hindi ko sya mahila at matanggal man lang.

            *BANG!*

          Napalingon ako sa likuran ko ng makarinig ako ng malakas na putok ng baril sabay bumukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok ang isang makapal na usok.

          Napatingin ako ng maigi sa usok na iyon na nagkakaroon na ng hugis ngayon.

          At nang tuluyan ng nawala ang makapal na usok, saka ko nakita ang isang lalaki na nakasuot ng face mask na pumasok sa loob ng kwarto ko na may hawak na isang baril sa isa nyang kamay.

          "Sino ka?!" malakas na tanong ko saka nagpumiglas na makawala mula sa pagkakaposas sa akin dito sa may upuan.

          "Agent Seven." sagot nito saka lumapit sa akin at tumayo sa likuran ko. "Close your eyes. I might hit your pretty face."

She's Got to be MineWhere stories live. Discover now