SGTBM 11: Surprise Feeling

35.4K 880 69
                                    

SGTBM 11: Surprise Feeling

Thea's P.O.V

          Hindi ko alam kung sadyang manhid lang ba ang tao na 'to o wala lang talaga syang pakialam sa mga taong nasa paligid nya.

          Pakisabi nga ulit sa akin kung bakit ko tinulungan  ang tao na 'to dati!

          DIE GREY! DIE! 

          "Psst! Hoy Thea!"

          Napalingon ako kay Nicole ng bigla nyang tapikin yung ulo ko. "Bakit?!"

          "Wag mo naman kaming inggitin friendship!" sabi ni Ely saka napatingin sa binibigyan ko ng aking famous deadly glare kanina. "Wag mo namang titigan ng titigan si Calix! Mamaya matunaw yan. Sayang! Wag kayong PDA friend!"

          "Tinititigan?!" exaggerated na sabi ko. "Talagang tinitigan ko sya para matunaw na sya at ng mawala na ang peste sa buhay ko! Saka anong PDA ka dyan?! Hindi no!"

          "Ay grabe friend ah?" sabi ni Nicole. "Tindi nng galit! To the highest level!"

          Eh talaga naman kasing nakakagalit 'tong si Grey eh!

          Mula kasi ng sabihin nya yung about sa pagiging "namin" kahapon—kahit hindi naman talaga nya direktang sinabi pero parang ganoon na din yun—sunod-sunod na yung pang-aasar sa akin ng mga classmates ko. Kahit nga hindi ko classmate nakikitukso na din eh!

          Nakakainis lang! Yung tipong bawat lugar na mapuntahan mo dito sa school maririnig mo yung:

          "Kyaaa! Ang isa sa THEALIX! We support you Thealix!"

          Kakainis di ba?! Thealix na lang sila ng Thealix! Naging instant boyfriend ko sya kahit hindi naman talaga! Nakakaasar!

          'Sus! Pati ba naman sarili mo Thea lolokohin mo? Aminin mo na! Gusto mo ding ma-link kay Grey!' sabi nung malanding bahagi ng isip ko.

          Huh! Hindi no! Asa ka!

          'Ano bang ayaw mo kay Grey ah? Gwapo sya te! GWAPO!'

          Eh ano naman? Madami din namang gwapong lalaki dyan ah!

          'Thea, wag ngang impokrita! Si Grey ay isang napakagwapong nilalang na hindi mo pwedeng ikompara sa iba. Ano bang iniinarte mo dyan?!'

          Nababaliw na ako. Kinakausap na ako ng sarili ko.

          Okay! Sige na! Gwapo sya. GWAPO LANG SYA! Ni hindi ko nga alam kung may utak ba 'to o ano eh—though Englisero sya—pero hindi porque nag-eenglish, matalino na!

          Hindi ko din alam kung magaling ba sya sa sports. Kasi nga, minsan lang yan pumasok sa school! At kung papasok man yan, matutulog lang yan. Gaya ng ginagawa nya ngayon!

          Grabe! Huwarang estudyante ka Grey!

          "Pero ito huh? Seryosong usapan 'to Thea..." nagulat naman ako ng biglang magseryoso si Sheena.

          Si Sheena, nagseryoso?! Magugunaw na ba ang mundo?!

          "Ano yun?" tanong ko saka tinalikuran si Grey.

          Nandito pa din kasi kami sa classroom, tumatambay. Puno na sa canteen eh! No choice!

          "Kahit kailan ba, hindi ka na-attract sa kagwapuhan ni Calix? I mean c'mon Thea! Kahit naiirita kami minsan sa kanya, kasi nga ang rude nya, pero hindi 'yun nakabawas sa pagiging gwapo nya." sabi nya. "Alam mo ba? Na kahit minsan lang pumasok yang si Calix, sya yung may pinakamalaking fan girl population dito?"

She's Got to be MineWhere stories live. Discover now