Special chapter

1.9K 54 17
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LIFE AND DEATH

SADYANG nakakamangha ang mundo dahil may mga bagay na hindi natin aakalaing totoo. Mga lugar at pangyayaring kakaiba, napakasaya, napakadelikado. At kung titingnan mo ito ay siguradong nanaisin mong manatili. Kaya ang mundo ay itinago pa ang ilan pang bahagi nito. Mga bahaging hindi mo aakalaing sakop pa ng mundo upang masiguradong walang makakatapak sa lugar na 'yon. Subalit, sa dinami-rami ng tao sa mundo ay mayroong isang nilalang na nakatadhanang tumuklas sa mga bagay na hindi pangkaraniwan.

Tahimik na naglakad si Eureka sa kakahuyan. Maingat niyang hinahawakan ang robang nakapaton sa kanyang uluhan. Nakasanayan na niyang magtungo sa itaas ng bundok para lang masilayan ang kabuuan ng bayang kinabibilangan. Ang bayan na minsan na rin siyang hinusgahan, minsan na siyang ipinagtabuyan dahil lang sa nag-iisang dahilan.

Kakaiba ang katangian na mayroon siya. Sa ilalim ng roba'y nagtatago ang kakaibang kulay ng kanyang buhok. Kulay na naging dahilan kung bakit siya nahusgahan. Sa bawat araw na dumaraan ay dahan-dahang nagbabago ang tsokolateng buhok niya na nagiging pula.

Napatigil siya sa paglalakad nang mapansin niyang mayroong isang lalaking nakatalikod sa 'di kalayuan. Nakababa rin ang suot-suot nitong roba at sumasabay sa ihip ng hangin ay putting buhok nito. Tulad niya, isa rin itong kakaibang binata na nagtataglay ng kakaibang katangian.

Lumapit siya rito, marahil naramdaman nito ang kanyang presenya kung kaya't lumingon ito sa kanya. Sinalubong siya ng ngiti. Para iyong nakakahawang sakit kung kaya't napangiti rin siya.

"Hello, Red." Pagbati nito.

"Hi, white."

Sa tuwing babanggitin ng binata ang kakaibang palayaw, 'di niya maiwasang maalala ang araw na una silang nagkita. Sa mismong kakayuan 'din sa parehong araw. Hindi niya inaasahang makakabangga niya ang binatang 'yon habang pababa siya sa kabundukan. Ang ipinagkaiba nga lang, kulay itim pa ang buhok nito. 'Di tulad ngayon, kasing kulay na nito ang kulay ng nyebe.

It was Marie Antoinette syndrome. Dala ng matinding frustration, stress, labis na pagdaramdam at matinding sakit, nakakalunog na lungkot at nakakamatay na takot, nagbago ang kulay ng buhok ng binata.

"Kamusta, Cloud?"

"Ayos lang naman. Kanina pa kita hinihintay."

Red is the color of fate tulad ng sinabi nito sa kanya noon. Subalit pagkatapos ng mga problemang nagdaan sa kanila, masasabing niyang red is the color of anger, the color of blood, the color of war and the color of pain.

Umupo siya sa tabi nito at pinagmasdan din ang tanawing tinatanaw ng kasama.

"It's been a while simula nang umalis ako sa bayang 'yan. Ano na kanyang nangyayari sa lugar na 'yan?"

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon