[20] The long dream

3.5K 73 7
                                    

"When the light start to dim,  will you still hold my hand?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"When the light start to dim,  will you still hold my hand?"

---xXx---


KABANATA XX

HINDI maintindihan ni Anjou kung bakit muling bumalik ang lamat sa kanyang orasan. Huli niyang natatandaan ay naibalik niya sa orihinal na ayos ang orasan na 'yon kung kaya't hindi niya maintindihan kung bakit na naman ito nagkaroon ng lamat. Marahan niya itong nilapitan. Inalisa. Itinapat niya ang kanyang kamay at lumabas doon ang gintong liwanag. Nagkaroon ng imahe sa kanyang harapan, imahen ng prinsipe habang nakatanaw ito sa kabuuan ng bayan. Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang ginagawa nito ngunit lumipas ang mahabang minuto'y wala naman siyang napansing kakaiba.

Sinubukan niyang ibalik sa nakaraan ang oras. Sa mga sandali bago pa man ito magtungo sa lugar na 'yon at pagmasdan ang kabuuan ng bayan. tila ba nakafast forward ang lahat nang ibalik niya sa nakalipas ang imahe sa kanyang harapan. Ang paglalakad, ang pagsasalita, maging ang pagkilos ng lahat ay papaatras. Ang takbo ng ilang ulap sa kalangitan, ang pagdaan ng ilang mga hayop at insekto sa paligid, ang pagdaloy ng tubig maging ang ulap sa kalangitan ay pabalik.

"Ano na naman ang ginawa ng prinsipe para magkaroon ng lamat ang orasan na 'to." sunod-sunod niyang nakita ang mabilis na pagpapalit ng imahe sa kanyang harapan. Itinigil niya ang mabilis na pagbabalik ng oras sa sandaling bumisita ito sa palasyo. Kitang-kita niya ang kinikimkim na galit ng prinsipe habang kausap nito ang sariling magulang.

Ang sandaling kung kailan nalaman nito ang totoo nitong katauhan. Bakas sa mukha nito ang labis na galit nang malaman nito ang masakit na katotohanan. Na mismong ang ina pa nito ang dahilan kung bakit niya napagdaraanan ang lahat ng 'yon.

"Masyado nang nagiging magulo ang mundong 'to simula nang ibalik niya ang oras ng mundo nang paulit-ulit. At ngayong napigilann na ang pagbabalik ng oras, mas lalong nagiging komplikado ang lahat. Patuloy pa ring nagkakaroon ng lamat ang mundong 'to. at maaring dumating ang araw na tuluyan itong maglaho sa sarili nitong dimensyon." Umiling-iling siya.

Lumiban siya sa silid kung saan nakapaloob ang napakaraming orasan. Marahan siyang naglakad sa malawak na balkonahe patungo sa kanyang silid. Pagkabukas na pagkabukas niya sa gintong pinto ay bumungad sa kanyang paningin ang kulay puting kurtina na nakasabit mula sa kanyang kisame. Tumatakip 'yon sa malawak na kama kung saan nakahiga ang isang nilalang na iniligtas niya mula sa kapahamakan.

"Sadyang mangyayari talaga ang mga nakatakdang mangyari. Kahit na pigilan pa ang ilang mga bagay ay nakatakda talaga itong mangyari." Sambit niya sa nakahiga sa kanyang kama. "Mukhang tama nga ang desisyon ko na iligtas ka. at sana'y hindi ako mabigo sa gagawin kong ito." Itinapat niya ang kanyang kamay at muling lumabas ang gintong liwanag mula rito.

Kasabay ng pagliwanag ng kanyang palad ay siya rin namang pagliwanag ng buong kama maging ang katawan ng kanyang iniligtas. Unti-unti niyang pinadaan sa kanyang mga kamay ang nangyari sa nakalipas na mga araw. Ang nangyari sa prinsipe, sa palasyo, sa lahat ng nadamay sa kapangyarihang itim. Lahat ng 'yon ay isinalin niya sa gintong liwanag papasok sa kamalayan ng kanyang iniligtas.

Rewind ✅Where stories live. Discover now