[8] Prince's name

4.5K 123 5
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"I don't want to hurt you. It's not my nature."

xxx

KABANATA VIII

LINGGO. Naglalakad si Eureka dala ang isang basket. Inayos niya ang kanyang suot-suot na roba habang papalabas sa healing department. Siya ang nautusan ni Alleah na maghanap ng mga boteng lalagyan ng mga gamot na kanilang magagawa. Nakita niyang napalingon sa kanyang direksyon si Verna habang katabi ang mga baguhang kasama.

"Aalis ka na ba?" Ngiting taong nito sa kanya.

"Yap. Mas mabuti nang maaga para hindi masyadong mainitan sa daan." Nilingon niya naman ang nakaupong dalaga sa tabi ng bintana habang abala 'yon sa paghahanda ng mga halamang gamot. Tahimik at halos 'di makabasag pinggan sa gilid.

"Ingat ka sa daan."

"Sure. Babalik ako kaagad dito para makatulong sa inyo."

Lumabas siya sa kanilang departamento. Nasilayan ng kanyang mga mata ang liwanag na nagmumula sa labas habang nagsisipag-awitan ang mga ibon. Malamig-lamig pa ang simoy ng hangin at mukhang kakalabas lang ng ilang mga gwardiya na papalit sa mga night shift. Nasilayan niya rin ang papalabas na si Mao habang nag-uunat kasabay si Kyo. Hindi iyon nakasuot ng unipormeng nakadalasan nilang suotin.

Napansin siya ng mga ito at marahang kumaway sa kanya. "Magandang umaga sa inyo." Pagbati niya.

"Good morning, Eu. Wala kang pasok ngayon?" tanong ni Kyo.

"Mayro'n. Pupunta ako sa bayan para bumili ng ilang mga lalagyan ng gamot. Dadaan na rin ako sa bahay para bisitahin si Ina." Pansin niyang mukhang iritado ang mukha ni Mao. "Kayo? Saan ang punta niyo? Bakit parang ang sama ng gising ni Mao."

"Ipinatawag kasi kami ng nakakataas. Mukhang may kailangang ipagawa sa amin ngayong umaga. Ganyan ang mukha ng taong dalawang oras lang ang tulog." Saka ito natawa. "Zombie mode."

Nanatili lang tahimik si Mao sa gilid. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa itsura ng dalaga o hindi. Hindi pa maayos ang pagkakasuklay sa buhok nito. Halos magdikit na ang mga kilay nito sa sobrang pagkakasimangot. Nakahalukipkip at parang gusto pa nitong bumalik sa kanyang silid.

"Gaano ba tayo katagal tatayo rito sa labas. Masyadong maliwanag, kumikirot pa ang mga mata ko. Gusto ko nang matapos 'to nang makabalik na ako sa pagtulog ko. May shift pa tayo mamayang gabi!" asik ni Mao sa likuran. Hindi na nito hinintay pa ang kasamang binata at umalis na 'yon sa kanilang harapan.

Saka lang siya napangiti nang tumalikod ito sa kanila. "Siguro kailangan mo na ring umalis. Masamang magalit si Mao, alam mo 'yan."

"Sure. Kita na lang mamaya." Pagmamadaling paalam nito at saka hinabol ang kasama.

Rewind ✅Where stories live. Discover now