[11] Once upon a time

3.4K 89 16
                                    


"Memories sneak out of my eyes and roll down to my cheeks"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Memories sneak out of my eyes and roll down to my cheeks"


---xXx---

KABANATA XI 

TULALA si Eureka habang pinanonod ang ilang mga tao sa labas. Sumandal siya sa pader kung saan matatanaw niya ang pagtulong ng ilang mga kawal sa pagbubuhat ng mga bangkay. Marahan niyang kinagat ang dulo ng kanyang kuko habang iniisip kung ano nga ba ang nangyayari sa bayan.

"Hindi ko pa rin maintindihan ang sakit na 'to. Walang maayos na findings sa dugo ng ilang mga tao maliban na lang sa lason na nakikita ko sa mga dugo." Nilingon niya si Alleah sa 'di kalayuan. Natanaw niya rin ang kanyang ina na tahimik lang na nakikinig sa kasama. Kunot noo niyang nilapitan ang kasama at pinanood ang pag-eeksamina sa ilang dugong nakuha.

Hindi na sila bumalik pa sa palasyo para ro'n magsagawa ng pag-eeksamina. Si Verna at ang dalawa pang baguhang manggagamot ang nautusan ni Alleah na bumalik sa palasyo para kunin ang ilang mga kagamitan. Sa ngayon, nag-aanalisa pa ang ilang mga kasamahan niya sa labas sa ilan pang mga bangkay.

"Ma," pagtawag sa kanyang ina. "Wala ka bang napapansing kakaiba sa bayan na 'to simula nang umalis ako? Wala bang kakaiba sa mga kumokonsulta sa 'yo?"

"Wala naman akong napapansin maliban na lang sa dami ng mga gamot na binibili nila. Pero sinasabihan ko naman sila na hindi dapat sobrahan ang pag-inom sa gamot dahil makakasama 'yon sa kalusugan." Saad ng kanyang ina. "Bukod pa ro'n, napakarami na ring umaalis sa bayan na 'to dahil sa epedemyang kumakalat."

Muling sumagi sa kanyang isipan si Rain nang makita niya ito habang nangyayari ang kaguluhan. Ang malungkot na tingin nito sa kanya'y nagbibigay ng kaba sa kanyang sistema. Dinampot niya ang kanyang roba na nakalagay sa gilid ng upuan. Napansin niyang nagtaka ang mga kasamahan niya sa loob at sinundan siya ng tingin.

"Saan ka pupunta?" pagpigil sa kanya ni Alleah.

"Mayroon lang akong kailangang makita sa labas."

Pagkabukas na pagkabukas niya sa pintuan ay bumungad sa kanya ang nagkakagulong mga tao sa labas. Napakaingay sa bawat paligid at sunod-sunod ang nakakabinging iyakan. Napapansin niya rin na abala ang ilan sa pagsasara ng kani-kanilang mga bahay. Habang ang ilan naman ay abalang-abala sa pagtitsismisan.

"Nako mare, mukhang isinumpa tayo ng bathala. Biruin mo ba naman, napakaraming kamalasan sa bayan na 'to. Nawalan pa tayo ng prinsesa ngayon nama'y iniisa-isa na ang taong bayan." kumunot ang noo niya nang marinig ang kwentuhan ng ilang mga babae sa daan. "Pinaalis ko na nga ang mga anak ko at pinapunta sa kabilang bayan. Sadyang nakakakilabot na ang mga nangyayari sa Fiorre ngayon. Hindi ko na hahayaan na pati kami'y madamay."

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon