[16] Frozen

3.5K 80 28
                                    

"I should never have existed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I should never have existed."


---xXx---


KABANATA XVI

TILA ano mang oras ay maaring matumba si Mao sa narinig. Wala siyang magawa habang ineeksamina ni Alleah ang katawan ng kanyang kaibigan. Hindi naman ito nagtamo ng kung anong sugat sa katawan para bawian ito ng buhay. Napahawak na lang siya sa braso ni Kyo na tulad niya'y 'di rin makapaniwala sa narinig. Nababalutan ng kung anong liwanag ang katawan si Eureka. At kung titingnan, para lang itong natutulog ng mahimbing.

"Wala naman akong makitang kahit na anong mali sa katawan niya. Ngunit hindi ko maintindihan ay kung bakit nawala ang tibok ng kanyang puso. Sa tingin ko'y hindi naman siya napasailalim sa kung anong kapangyarihan." Naglaho ang bumabalot na liwanag sa katawan ng dalaga. "Ngunit nakakaramdam pa rin ako ng munting enerhiya sa loob ng kanyang sistema. Napakahina. Parang isang apoy na unti-unting nawawala."

"Ano ang maari nating gawin para iligtas siya?" umiling ang manggagamot sa kanya. "Isang himala na lang ang mangyayari kung mabubuhay pa rin si Eureka. Ang munting enerhiya sa kanyang katawan ay napakahina at kung gagalawin pa natin ito, napakalaki ng tyansa na tuluyan itong maglaho at alam kong alam mo kung ano ang ibig sabihin nito."

"Tuluyang mawawala si Eureka." Mahinang saad ni Rachelle. "Kung mawawala ang enerhiya ng kapangyarihan sa loob ng isang katawan ng mga tulad natin, para na rin itong tuluyang nawalan ng buhay. sa mga tulad nating nakakagamit ng kapangyarihan, power is our life. Without power we're dead."

"Damn," Gigil na sambit niya. "Hinding-hindi ko mapapatawad si Rain."

"Who is he?" marahang tanong ni Rachelle. "Anong ginawa niya kay Eureka at nagkaganito siya?"

"Siya ang prinsipe." Natigilan ang mga manggagamot sa narinig. Halatang-halata sa mukha ng bawat isa ang matinding gulat.

"Rain? Ngunit iisa lang ang prinsipe ng palasyong ito."

"It's a very damn long story. To be short, si Rain na nakilala namin at Prinsipe Cloud ay iisa. Siya ang nagdala sa katawan ni Eureka sa palasyong 'to at alam kong nakita niyo ang mga sumunod na nangyari." Kumuyom ang kanyang kamao nang muling maalala ang nangyaring eksena sa labas ng palasyo. Matapos ang natunghayan ay nagmadali na kaagad ang mga kawal para dakpin siya. Hindi siya nakaligtas sa kaparusahan sa ginawa niya sa prinsipe.

Nakatanggap siya ng parusa mula sa hari't reyna. Labag sa kanyang kalooban ang lahat ngunit hinayaan niyang harapin anglahat ng 'yon. Hinayaan niyang matanggalan siya ng posisyon sa palasyo. Isang ngiti lang ang naibigay niya sa hari't reyna matapos siyang patalsikin sa pwesto. Sa mga sandaling 'yon, tanging ang tinig lang ni Eureka ang naririnig niya sa kanyang isipan. Ang determinasyon nitong mapigilan ang pinagmumulan ng kaguluhan sa ngalan ng kapayapaan.

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon