[13] Escaped Prince

3.5K 83 11
                                    

  "We're done losing things that are precious to us

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  "We're done losing things that are precious to us."

---xXx---


KABANATA XIII

MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Eureka sa sandatang nadampot niya sa sahig. Dali-dali niya ring kinuha ang lalagyan nito at isinukbit ang sandata sa kanyang likuran. Kanya-kanyang takbuhan ang mga bisita makalabas lang sa palasyo. Ang iba'y halos nagkakandarapa na makalabas lang ng lugar na 'yon. Ikinabigla pa niya biglaang paghablot sa kanya ng kung sino sa kanyang braso. Salubong ang kilay niya nang lingunin kung sino 'yon hanggang sa makita ang mukha ni Mao.

"Be safe, Eureka." Huling paalala nito sa kanya bago ito dumaan sa kanyang harapan. Sinundan niya ito ng tingin habang tumatakbo papasok ng palasyo kasama si Kyo. Napalunok siya ng malalim at nilihis ang tingin sa mga kaibigan.

Nagmadali siyang bumalik sa pwesto ng healing department. Hindi biro ang ginawa niyang pakikipagsiksikan sa ilang mga bisita. May mga pagkakataon na naitutulak siya nito ng malakas at natatamaan sa iba't-ibang parte ng katawan. Naabutan niya sina Alleah at Verna na tinitingnan ang ilang mga nakahandusay na bisita.

Hindi niya magawang tingnan ang mga 'yon dahil sa nangingitim na marka sa kanilang mga katawan. Marka na nakita niya sa mga taong nawalan ng buhay noon sa bayan.

"Nasaan ang hari't reyna? Ang prinsipe? Mas maigi kung sila ang aatupagin ng ilan sa inyo." Pagkasabi na pagkasabi ni Alleah ay nilingon niya ang buong paligid. Hinahanap ng kanyang dalawang mata ang imahe ng mga maharlikang pinaglilingkuran. Humigpit ang pagkakahawak niya sa sandata nang makita niyang tumatakbo papalabas ng palasyo ang prinsipe. Sa kabilang banda, naabutan niyang pinoprotektahan nina Mao at Kyo ang hari't reyna kasama ang ilang mga kawal.

Walang nakapansin sa ginawang pagtakbo ng prinsipe maliban sa kanya. Napakaraming tao sa paligid kung kaya't mahihirapan ang lahat na hanapin ang isa't-isa. Tinaggal niya ang suot-suot na heels at dali-daling tumakbo patungo sa daang tinahak ng prinsipe. Hindi pa man ito masyadong nakakalayo kung kaya't mabilis naman niya itong naabuan.

Ilang poste ang agwat nila sa isa't-isa nang sigawan niya ito at tinangka itong pigilan. Napatigil naman ito sa paglalakad at gulat na lumingon sa kanya. Tumigil siya sa pagtakbo at naghabol ng hininga. Ang ilang hibla ng kanyang buhok ay humarang sa kanyang mukha na kaagad naman niyang hinawi.

"Hindi niyo na kailangan pang tumakbo patungo sa kung saan. Magiging delikado kung lalayo kayo sa palasyo sa ganitong kondisyon. Mas mabuti nang bumalik kayo kasama ng ilang mga royal guard nang mabigyan kayo ng proteksyon."

"Lumayo ka sa akin!" namilog ang kanyang mga mata. Itinaas niya ang dalawang kamay. Inaakala niyang natatakot ang prinsipe sa kanya lalo na't may dala-dala siyang sandata.

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon