[7] Cured

3.8K 104 6
                                    

"This world is wrong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"This world is wrong."

--- xxx ---

KABANATA VII

KUMABOG ang dibdib ni Eureka 'di dahil sa tarantang kanyang nararamdaman kung hindi dahil sa kilabot sa kanyang sistema. Muli niyang naramdaman ang bigat sa loob ng kanyang katawan. isang pamilyar na kilabot noong nakapasok siya sa palasyo. Lakad takbo ang ginagawa nila ni Alleah patungo sa silid ng prinsipe.

Sa kanyang palagay, mukhang sanay na sanay na si Alleah sa ganitong senaryo sa palasyo. Kalmado pa rin ang mukha nito habang sinasabayan niya itong maglakad subalit hindi maitatago ang pangamba sa kalagayan ng prinsipe.

"Ano ba ang karamdaman ng prinsipe?"

"Sana'y alam ko rin ang sagot sa bagay na 'yan."

Kumunot ang kanyang noo. Kitang-kita niya kung papaano mataranta ang ilang mga kawal patungo sa lugar na kanilang pupuntahan. Mula sa hallway, matatanaw ang silid kung saan nabasag ang bintana. Mas lalo siyang kinakabahan habang papalapit sila nang papalapit sa silid na 'yon. Humigpit ang pagkakahawak niya sa dala-dalang medicine kit. Hindi niya nagugustuhan ang pakiramdam na umiiral sa kanyang sistema.

Nanlalamig ang kanyang mga kamay. Nararamdaman niya ang pawis mula sa ulo hanggang sa leeg. Iniisip niyang masama lang ang pakiramdam niya sa sandaling 'yon. Masamang pakiramdam na kailangang tiisin dahil kinakailangan nilang gamutin ang prinsipe.

Si Alleah na mismo ang nagbukas sa pinto kung saan bumungad sa kanila ang grupo ng mga kawal. Napako ang tingin niya sa mga kaibigan na mukhang nagulat din sa kanyang pagdating. Nagsalubong ang kanyang kilay. Ni isa sa mga 'yon ay walang naglakas loob na lapitan ang prinsipe habang dumadaing ito ng sakit sa katawan.

"Lumabas kayong lahat sa silid na 'to." matigas na utos ni Alleah. Kitang-kita niya kung papaano magsalubong ang kilay ni Mao. Mas lalo siyang kinabahan sa nangyari. Base sa kanyang nakikita, mukhang hindi nagustuhan ng kaibigan ang tono ng pananalitan ng kasama.

"Anong nangyayari sa prinsipe? Hindi kami aalis dito dahil kailangan naming alalahanin ang seguridad niya." Sagot ni Mao.

"Isang beses ko lang itong dapat sabihin. Narinig niyo ang utos ko." Napakagat siya sa labi. Kakaibang tensyon ang namamayagpag sa loob ng silid. Napabaling siya ng tingin sa prinsipe. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa suot-suot na takip sa mukha idagdag na rin ang manipis na telang tumatabing sa magarbong kama nito.

Nagsipag-alisan ang ilang mga kawal maliban sa dalawa niyang kaibigan. Nakipagsukatan 'yon ng tingin sa kasamang manggagamot na hindi naman nagpatalo sa kanila. Humugot siya ng napakaraming hangin bago pumagitna sa tatlong tao sa kanyang pagitan.

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon