[18] Eyes-Hate-War

3.4K 72 11
                                    

  "Gravity hurts when you know the truth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

  "Gravity hurts when you know the truth. "

---xXx---

KABANATA XVIII

HUMALUKIPKIP si Anjou habang pinagmamasdan ang prinsipe na maghihiyaw dala ng matinding galit. Sunod-sunod ang paglabas ng itim na liwanag sa katawan nito na para bang hindi nito poproblemahin ang magiging epekto ng ginagawa nito. Sumadal siya sa kanyang gintong upuan habang pinanonood ang nangyayari sa labas ng tower of havens. Hinayaan niyang sa mismong lupain niya maglabas ng sama ng loo bang prinsipe sa mga rebelasyong nalaman nito tungkol sa totoong nangyayari.

Sa katunayan, hindi pa niya nasasabi ang lahat tungkol sa totoo nitong katauhan. Sa tingin niya'y hindi na siya dapat pang mangielam sa mga problemang hindi naman siya responsable. Sa mga personal na bagay na wala naman siyang karapatang pakielaman.

"This is really incredible." Tipid na komento niya nang makita niya kung papaano sirain ng itim na kapangyarihan nito ang ilang nabubuhay na halaman sa paligid. "Sa tingin ko ito ang kapangyarihan ng kamatayan. Death power."

Tumalim ang tingin niya sa imaheng kanyang nasa harapan nang mapansin niyang nagbago ang kulay ng buhok nito. Mula sa itim, unti-unting naggiging puti ang bawat hibla ng buhok nito. Hindi 'yon ang unang beses na makita niya ang pagbabago ng buhok nito. Noong sumapit ang kaarawan nito, sa araw kung kailan niya itinakda na mangyayari ang lahat nakita ng dalawang mga mata niya nang unang nagbago ang kulay nito. Marahil dahil ito sa kapangyarihang bumuhay dito.

Ikinumpas niya ang kamay niya sa basag na orasan. Isang orasan na nakalaan para sa mundong 'yon. Pinadaan niya ang ilang mga daliri niya sa bahagi kung saan ito nagkaro'n ng lamat. Marahan itong nagliwanag, unti-unting umangat sa kanyang harapan. Kitang-kita niya kung papaano mawala ang lamat sa salamin ng orasan at ang unti-unting pagbabalik nito sa orihinal na anyo.

"Sa tingin ko'y hindi ko na kailangan pang problemahin ang bagay na 'to. Time tends to move forward not backwards."

Napahawak si Rain sa kanyang mukha habang iniinda ang sakit na kanyang nararamdaman. Kailan nga ba siya muli nakaramdam ng kapayapaan sa kanyang isipan. Simula nang mangyari ang lahat noong araw ng kanyang kaarawan, nagkagulo-gulo na ang lahat. Hindi niya alam kung sino at kung ano nga ba talaga siya. Hindi kilala kung sino ang dapat pagkatiwalaan sa hindi. Napakaraming katanungan sa kanyang isipan nang marinig ang tungkol sa kanyang magulang.

"You should ask your mother. I am not the one who is responsible for this." Kumuyom ang kamao niya nang maalala ang linyang binitawan ng dimensional witch. Habang nahihirapan siya sa lahat ng nangyayari, habang nahihirapan siyang tanggapin ang nangyayari sa kanyang sistema, mayro'ng alam ang kanyang ina tungkol sa totoong pinagdaraanan niya.

"Bakit kung sino pa ang pinagkakatiwalaan ko ang mismo pang magiging sanhi kung bakit ako nagkakaganito?" mariing bulong niya. "Bakit niyo 'ko kailangang traydurin."

Rewind ✅Where stories live. Discover now