[17] Rewind

3.1K 83 5
                                    

"I wish i knew how to make feeling stop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I wish i knew how to make feeling stop."

---xXx---

KABANATA XVII

ISINANDAL ni Rain ang kanyang ulo sa malaking bato sa kanyang likuran. Tumingala siya sa maaliwalas na kalangitan habang pinagmamasdan ang ibong malayang nakalalipad sa himpapawid. Sinubukan niya itong abutin, natakpan ng kanyang palad ang liwanag na nagmumula sa araw kung kaya't hindi siya nahihirapan sa pagtanaw sa kalangitan. Hindi niya alam kung sino ba talaga siya. Kung ano ang nangyayari sa kanya. Kung bakit nagkagano'n ang lahat sa kanyang paligid. Gustuhin man niyang bumalik sa palasyo'y 'di niya magawa. Hindi na niya nais pang makakita ng mga taong masasaktan nang dahil sa kanya.

Kung isa lang siya ibon, magkakaro'n siya ng pagkakataon na mabuhay ng payapa. Makapaglibot nang 'di napapahamak ang iba. Maari siyang magtungo sa iba't-ibang lugar na walang pangamba. Kung isa lang siyang ibon, magiging malaya siya sa sakit, lungkot at pag-iisa na kanyang nararamdaman.

"It's been a month ngunit bakit patuloy pa rin akong nabubuhay. Bakit ako nagkaganito? Bakit hindi ako nasasaktan at namamatay? I want to die. I want to be with you, Eureka." Mahinang bulong niya sa hangin. Hinihiling na marinig 'yon ng dalaga. Ngunit kahit anong sigaw niya, kahit ano pang sabihin niya, kahit ano pang gawin niya, tuluyan na siyang iniwan ni Eureka. At 'yon ay dahil sa kanya.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang pangyayari kung saan niya huling nakitang buhay ang dalaga. Iniwasan niya ito ng maaga upang hindi ito mapahamak. Nararamdaman na niyang may mali sa kanya at 'di nais na pati ito'y madamay. Iniwasan niya ito kahit na nakakaramdam siya ng lungkot. Ngunit tila ba ang pagkakataon ang palaging naglalapit sa kanila at ngayon tadhana muli ang naghiwalay sa kanila.

Tila ba bangungot sa kanya ang senaryong 'yon. Kung papaano matamaan ng itim na liwanag ang katawan ni Eureka at tinanggalan ito ng buhay sa mismong harapan niya. Ang dahan-dahang pagbagsak ng katawan nito sa mismong harapan at ang pagpikit ng mga matang minsan niyang kinakitaan ng kasiyahan. Ang mga mata at tingin hinding-hindi na niya makikita pa.

"I want to be with you, Eureka." Mariin siyang pumikit at ibinaba ang kanyang kamay. "Bakit hindi pa ako mamatay? Bakit hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ako? Bakit kailangan ko pang maramdaman ang sakit na 'to? Why... I can't be with you?" It's been a month simula nang mawala si Eureka. Nawalan na siya ng balita tungkol sa Fiorre, sa kanyang pamilya, sa mga kaibigan ng dalaga. Ngunit batid niya kung anong galit ang namumuo sa sistema ng mga 'yon. At dahil hindi na niya ninais pang makapanakit ng iba dahil sa kanyang kapangyarihan, lumayo siya sa lahat at piniling magtago sa kabundukan.

"Bakit ako nagkaro'n ng ganitong kapangyarihan?" Tanong niya sa sarili. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang palad at lumitaw doon ang itim na liwanag. "Bakit naging ganito ang kapangyarihan ko?" Umikot ang itim na liwanag sa kanyang kamay.

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon