[2] Color of pain

6K 142 2
                                    

KABANATA II

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KABANATA II

I

SUNOD-SUNOD ang paglipat ng pahina ng libro. Sabay sa ihip ng hangin ang puting kurtina. Tahimik ang buong silid habang himbing na himbing sa pagkakatulog si Eureka. She's sleeping peacefully like an angel sleeping on the clouds. And there's a cat who jumps above the table and sit beside her.

Naalimpungatan siya sa nangyari. Naramdaman niya ang malambot na balahibo ng pusa sa kanyang tabi. Iminulat niya ang kanyang mga mata at bumangon mula sa pagkakasubsob sa mesa. Bumungad sa kanya ang mga bukas na libro, mga nagkalat na papel at ginamit na panulat.

"Buti na lang natapos ko 'tong lahat kagabi." Bulong sa sarili habang inililigpit ang mga nagkalat sa mesa. "Good morning, mingming."

"Meow."

Tumayo siya't nag-unat. Bumaba na rin sa ibabaw ng mesa ang pusa at lumipat 'yon sa maayos na kama. Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili, binitbit niya ang kanyang bag at bumaba. Sumunod naman ang alaga niyang pusa na nauna naman sa kanya.

Naabutan niya si Mao at Kyo na abala sa pagbabasa ng dyaryo. Naro'n din ang kanyang ina na abala sa pagluluto ng almusal.

"Bakit ang aga niyo yata ngayon?" Hinila niya ang bakanteng upuan sa tabi ng mga kaibigan. Ibinaba ni Mao ng kaunti ang binabasa at tumingin sa kanya.

"Mamayang alas onse pa ang susunod naming schedule kaya napatambay muna kami rito." Saka nito inilipat ang binabasa. "Alam ko rin namang nasa schedule mo na babalik ka sa kakahuyan para kumuha ng mga halamang gamot. Dito muna kami habang wala ka pa. At least, matutulungan ko si Mama."

Bahagya siyang natawa. "At nakikimama ka na rin sa Mama ko."

"Gano'n talaga."

Sakto namang lumapit ang kanyang ina sa kanilang mesa at inilapag ang platong may pandesal. May dala-dala rin iyong kape na inilapag sa harapan niya.

"Bakit ako lang? Wala sila?" Pagtataka niya. "Teka ipagtitimpla ko rin sila ng kape." Patayo na sana siya sa upuan nang pigilan siya ng ina.

"Kanina pa sila nag-almusal. Tinulungan na nga rin nila akong buksan ang shop."

"Woah. Ibang klase talaga kayo. Minsan nga mag-apply na kayong anak ni Mama." Pagbibiro niya at muling bumalik sa pagkakaupo.

"Hinding-hindi malulugi ang mama mo kung mangyari 'yon. Baka ipagmalaki pa niyang mga anak niya kami." Natatawang sabat ni Kyo.

"Hindi naman bukas ang bintana pero bakit parang ang hangin?"

"Here comes the cold ice again."

"Gusto mong maramdaman kung papaano magkaro'n ng frozen tongue?" binigyan ni Mao ng malamig na tingin ang binata.

Kumurot siya sa pandesal at inilapag 'yon sa pusang naka-upo sa kanyang hita. Pinakinggan niya lang na mag-asaran ang mga kaibigan sa kanyang harapan. Nilingon niya ang kanyang ina na abala sa pag-aayos ng ilang bote. Dala ang baso ng kape, natungo siya sa tabi ng kanyang ina at pinanood ang ginagawa nito.

Rewind ✅Where stories live. Discover now