[12] Birthday Chaos

3.4K 91 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Love hurts whether it's right or wrong."



---xXx---

KABANATA XII

KUMUNOT ang noo ni Eureka nang makita ang sariling imahe sa harapan ng salamin. Napalunok siya nang makita ang kanyang itsura. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang buhok habang hindi inaalis ang tingin sa malaking salamin sa kanyang harapan. Ang malatsokolateng kulay ng buhok niya'y mabilis napapalitan ng kulay rosas sa tuwing nagdaraan ang mga araw. Sa sandaling 'yon, mas bumibilis ang pagpapalit ng kulay nito sa 'di malamang dahilan.

She took a deep breath. Napahawak siya sa kanyang dibdib at pinakiramdaman ang tibok ng kanyang puso. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Isang tibok para sa kalungkutan, isang tibok dahil sa kaba, isang tibok para sa masamang pakiramdam, isang tibok para sa kilabot. Sunod-sunod, halo-halo. Mariin siyang napapikit at bahagyang tumingala sa kisame.

Nitong nakaraang mga araw ay napakarami niyang pinoproblema. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat na unahin at dapat na isang tabi. Nakakaramdam din siya ng inis sa kanyang sarili at hindi maiwasang lamunin ng kalungkutan. Napakaraming nagkakaro'n ng karamdaman, napakaraming binabawian ng buhay. At ang lalong nakakapagpalungkot sa kanya ay ang reyalidad na iniwan siya ng taong kanyang nagugustuhan.

Isinara niya ang gripo at minabuting umalis sa harapan ng salamin. Dinampot niya ang unipormeng nakahanda sa kanyang kama. Napakalayo na ang nilipad ng kanyang pag-iisip habang abalang-abala siya sa pagbubutones. Hindi niya maalis ang kanyang tingin sa kulay ng kanyang buhok. Halos kalahati na rin ang ipinagbago ng kulay nito simula nang siya'y isinilang.

Lumiban siya sa kanyang silid. Napakaraming katulong at mga kawal ang makikita sa daanan. Ang lahat ay abala, ang lahat ay hindi mapakali sa mga gawaing ipinapagawa sa kanila. Dumaan siya sa malawak na hallway at natanaw niya na nakikipag-usap si Mao sa ilang mga kasamahang kawal. Nagbaba na ng utos ang nakakataas na kailangan nang ihanda ang pangunahing mga kagamitan, itaas ang seguridad at maglagay ng mga disenyo para sa darating na kaarawan ng prinsipe.

Isang linggo ang lumipas simula nang mangyari ang nakakatakot na pagkamatay ng ilang mga tao sa bayan. Isang linggo siyang binabagabag ng insidenteng 'yon idagdag na rin ang nangyari sa kanila ni Rain. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at dire-diretsong nagtungo papunta sa healing department.

Ever since that day, nagsisimula na siyang makaramdam ng kakaiba sa loob ng palasyo. Para bang isang nakakakilabot na hangin ang dumadampi sa kanyang katawan. Masyadong mabigat ang kanyang pakiramdam na para bang nasa loob siya ng isang bangungot kahit na dilat ang kanyang mga mata. it's weird. Damn weird. Pakiramdam niya'y maari siyang lamunin ng pakiramdam na 'yon at itapon papunta sa isang nakakatakot na lugar.

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon