[15] Color of Death

3.3K 76 21
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



---xXx---


KABANATA XV

PAKIRAMDAM ni Eureka'y nasa maling daan siya nang makita ang buong kapaligiran. Matapos niyang isa-isahin ang tuluyan sa bayan ay dinala siya ng kanyang mga paa para libutin ang kagubatan. Nakuha ng atensyon niya ang paglipad ng ilang mga ibon papalayo sa isang lugar na para bang may tinatakbuhan. Naramdaman niya rin ang bahagyang pagyanig ng lupa kung kaya't tinakbo niya ang lugar na 'yon.

Habang naglalakad ay 'di niya maiwasang kilabutan. Halos matuyo ang ilang mga puno sa paligid. ni hindi na niya makitaan ng buhay na halaman ang buong lugar maliban na lang sa naiwang mga katawan ng puno. Para bang nasabugan ng bomba ang lugar at walang natirang buhay. Ang ilang malalaking bato ay nasira dala ng matinding pinsala. May ilang mga patay na ibon sa palag at ilang mga maliliit na hayop.

"Hindi nga ako nagkamali ng akala," malamig niyang sambit sa lalaking nakita niyang nakasalampak sa lupa 'di kalayuan sa kanya. Nakayuko ito sa kanya. Naghahabol ng hininga na para bang nawalan ito ng lakas matapos magpakawala ng labis na enerhiya. "Ikaw ba ang may gawa nito? Prinsipe?"

"Anong ginagawa mo rito?"

"Anong ginagawa mo rito?" Pabalik na tanong niya rito. "Binabalak mo bang takasan ang ginawa mo?"

"Bakit mo pa kailangang ilagay ang buhay mo sa kapahamakan? Bakit kailangan mo pang sundan ang isang tulad ko?" kumunot ang kanyang noo sa narinig. Mahigpit niyang hinawakan ang sandata na nakasukbit sa kanyang likuran at marahas itong hinigit.

"Pinagbabantaan mo ba ako? Nirerespeto ko kayo dahil kayo pa rin ang prinsipe ng bayan ito. Ngunit hindi ko alam kung dapat ko pa ba iyong gawin dahil sa ginawa niyo. Hindi moa lam kung ilang buhay ang kinuha mo sa isang iglap. Mga pangarap na tinaggalan at mga pusong nasugatan."

Dahan-dahang tumayo ang prinsipe mula sa pagkakasalampak sa lupa. Masamang tingin ang ibinigay niya rito habang pinagmamasdan itong tumayo. Hindi niya rin maiwasang manibago sa pisikal na kaanyuan nito. Ang puting buhok na humaharang sa mga mata nito. Suot-suot na rin nito ang karaniwang maskara na panakit nito sa bibig at ilong. Napansin niya ring naroro'n pa rin ang kakaibang marka nito sa katawan.

"Kung gusto mo pang mabuhay, mas mabuti kung umalis ka na lang."

"Kung aalis ako rito siguradong napakaraming buhay na mawawala nang dahil sa 'yo. At hindi ko hahayang mangyari 'yon." Itinaas niya ang espada at itinapat sa kinatatayuan ng prinsipe. "Ipagpaumanhin mo mahal na prinsipe, kailangan kong gawin ito para sa nakakarami. H'wag kang mag-alala, handa ako sa kahit anong parusa na kahaharapin ko kung sakaling malaman ito ng hari't reyna. Masigurado ko lang na mawawala ang pinagmumulan ng kaguluhang 'to."

Rewind ✅Where stories live. Discover now