[5] Heart beat

4.6K 117 3
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KABANATA V

I

MALAKAS ang ginawang pagsugod ni Mao sa katunggali. Inis niyang tiningnan ang binata nang mapansin niyang nakaiwas ito sa kanyang atake. Lumapag siya sa damuhan kasabay ng pagkalat ng yelo sa paligid. Natakpan ng malamig na yelo ang luntiang kapaligiran. Dinig na dinig niya ang pagsinghap ng mga nanonood sa kanya.

"Not bad."

"Shut up." Kitang-kita niyang umarko ang ngiti sa mukha ni Kyo.

Pagkatapos ng ilang linggo, nakarating silang dalawa sa huling araw ng pagsusulit. Iyon na ang huling araw para malaman nila kung sino-sino ba ang dapat makapasok bilang isang royal guard. At ang nakakatuwa pa sa tunggaliang 'yon, magkakasabay ang lahat sa pakikipaglaban. Kung sino ang matapat sa kanya, 'yon ang dapat patumbahin.

Parehas silang dumistansya sa isa't-isa. Ikinagulat naman niya nang atakihin siya ng isa pang lalaki mula sa kanyang likuran kung kaya't dali-dali siyang lumikha ng harang sa paligid. Mabilis din naman 'yong nabasag nang hampasin niya. Ang mga yelong tumalsik ang naging dahilan kung bakit napaatras ang paparating na kalaban.

"Grabe ka talaga, Mao. Walang sinasanto ang pagiging brutal mo."

"Alam mong magkatunggali tayo sa araw na 'to. Bakit ba kinakausap mo ako?"

"Wala naman. Naisip ko lang na baka malungkot ka kung matalo kita. S'yempre, kailangan kong gawing light ang aura sa paligid para hindi mo damdamin ang mangyari." Napaismid siya sa narinig.

Patuloy na nagpapalitan ng mga atake ang mga nakapaligid sa kanila. Silang dalawa lang ang nakatigil sa sandaling 'yon habang pinakikiramdaman ang isa't-isa. Inangat niya ang kanyang kamay, halos yumanig ang lupang ginagalawan nang gumawa siya ng malaking harang sa kanilang paligid.

Makapal ang yelong kanyang nilikha. Malinaw na parang krystal. Nasilayan niya ang ngiti sa mukha ng binata na lalong nagpapagana sa kanya na patumbahin ito. Ilang linggo niyang hinintay ang pagkakataong ito. Ang sandali kung saan mapapatunayan niya na mas magaling siya rito sa pakikipaglaban.

"Shall we start?"

Ibinuka niya ang kaliwanag palad. Nagliwanag 'yon hanggang sa mabuo ang mahabang piraso ng yelo na naging sandata. Isang matalim na espada. Mahigpit niyang hinawakan ang metal na espada sa kanang kamay bago pa man sumugod sa binata.

Sa pagwasiwas niya ng sandata, sunod-sunod na lumalabas ang matatalim na yelo na patungo sa direksyon ni Kyo. Nakangiti lang 'yon habang iniiwasan ang paparating na yelo gamit ang sandata. Ang ilan nama'y pinipigil gamit ang kanyang palad. Hindi pa man nakakalapat ang mga yelo sa katawan nito'y mabilis na itong nagiging tubig. Bagay na lalo niyang ikinainis.

Rewind ✅Where stories live. Discover now